Chapter 4
Binibini sa MRT | The Juans
"Bukas ay pupunta kami ni Jane sa office ng dean para i-confirm ang schedule kung kailan pwedeng itipon ang lahat ng members ng PinkLeaf."sabi ni Ate Dem.
Narito kami ngayon sa kusina at kumakain ng aming umagahan.Linggo ngayon at ngayon lang ang aking rest day kaya naman plano kong matulog na lang uli pagkatapos kong tapusin ang ilang gawain ko.I'm planning to do my workout today.
"Tungkol saan,Ate?"tanong ko saka uminom ng aking gatas.
"Tungkol sa kung kailan na'tin pwedeng simulan ang welga."she replied.Tumango nalang ako.
I'm sure father won't agree with me being involved.
"Giga Pizza tayo later,guys!"biglang sabi ni Debby.
"Sure.Ano,tara?"si Ate Dem.Nilingon n'ya kami.
"Sige.Wala naman akong gagawin mamaya,eh."pagsali ni Jane.
"Sunod na lang ako mamaya.May workout pa ako,eh."sabi ko naman.Nilingon ako nila Ate Dem at pinaningkitan ng mata.
"May sasakyan ka naman,'di ba?Or you want me to pick you up?"tanong n'ya.Umiling ako.
"I'll take the MRT."sagot ko.
"O sige.Siguraduhin mo lang na makakarating ka ng safe,girl."
Matapos namin mag umagahan ay nagkan'ya-kan'ya na muna kami ng mga gawain.Tinapos ko muna ang ilang dapat kong tapusin bago ako naligo at nagpalit na.
Susunduin ako ni River dahil sasabay s'ya sa akin sa pag gygym.Ngayon na lang uli kami magkikita dahil abala na rin s'ya dahil nga graduating na.
I wore my pink sports bra,black leggings,and my black rubbershoes.These rubber shoes is one of the products that I'm promoting kaya halos lahat ng sapatos ko ay magkakagaya ng brand.
Nilagay ko sa aking gym bag ang damit ko na pamalit which is a plain grey shirt at isang maong shorts .Nilagay ko rin ang ilang towels doon pati na rin ang tumbler, cellphone,at wallet.
"As,nand'yan na si River!Gwapo pa rin!"sigaw ni Stacey mula sa sala kaya natatawa akong bumaba.
Tinapik ko sa balikat si Stacey na abala sa kan'yang laptop bago ako naglakad papunta sa pintuan.
"Pasabi kay Ate Dem ay umalis na ako,ah."paalam ko kaya naman tumango lang s'ya.
"Ganoon ba kalakas ang epekto ng meet up n'yo ni Reego kaya hanggang weekend ay gan'yan ka kasaya?"puna sa akin ni River nang makasakay ako sa kan'yang sasakyan.
Tumawa naman ako at humalik sa kan'yang pisnge.
"Maybe."I winked at him kaya naman napangiwi s'ya.Funny.
Nang makarating kami sa gym na palagi naming pinag wo-workout-an na magkaibigan ay may iilan pang nakapansin sa amin.May iilan ring kakilala ang naroon.
"Nice! Goodluck talaga,girl!"Bianca held my arm kaya naman tumango ako at ngumiti sakan'ya.
"Goodluck rin sa final year mo, Captain!"bawi ko.
"Yeii!Thank you!Sige,As,see you around!"paalam na sa akin ni Bianca Juarez bago ito tuluyang umalis dahil dumating na ang kaibigan na si Romulo.
Just like me and River,matalik na magkaibigan rin itong sila Romulo Cabin at Bianca.I almost ship the two,kung hindi lang sinabi ni River na huwag ko nang balakin dahil matagal na raw patay na patay itong si Romulo kay Shanne Mendoza.
This old silent hag!
Shanne's just a freshman and a rookie player of Saint Louis.Pinag aagawan iyon ng iba't ibang Saint schools,kaso nga lang ay sunod naman iyon kay Lincoln lagi.Kuya n'ya na mortal na kaaway ni Romulo.

YOU ARE READING
The Crossing of the Broken Strings (Saint Series #3) COMPLETED
Teen Fiction3/6 Saints Series. A PLAYLIST FOR THE GIRL NAMED AMNESIA Isang gabi, may nakitang binata si Astrid sa crossing ng St.Javier at St.Regidor.Una palang ay natipuhan na n'ya ito kaya ginawa n'ya ang lahat upang magustuhan s'ya ng binata.Dahil wala s'yan...