29

2.1K 128 14
                                    

Mew's POV

"Baby sorry na, okay?

Kanina pa to sa kotse hindi kumikibo. Parang hindi naman kasi maganda tingnan kapag nakita mo yung mga kaibigan mo tapos hindi mo sila aayain mag lunch. Yun nga lang monthsary pala namin.

Pagkatapos namin kumain naglakad lakad muna kami. Humiwalay kami sa kanila kasi alam kong magkikita sila ng pinsan ko.

"Just drive babe, gutom na ko". Papunta kami ngayon sa bahay nila.

"Hindi ka ba nasarapan sa pagkain kanina? I thought gusto mo seafoods?

"Alam ko kasi yun ang gusto mo, masarap naman wala lang talaga ako sa mood"

"Baby hindi na ko papasok sa inyo ha? Sa bahay na ko uuwi since wala ako kasama sa condo"

Pauwi kami sa bahay ng pamilya niya kasi birthday ng mommy niya bukas. Gusto niya daw dun matulog.

Nang nasa labas na kami ng gate nila,napansin ko na wala pa din siya kibo.

"Baby, we are good right?" Paninigurado ko kasi baka kung ano naman iniisip nito. Minsan kasi may mga gusto siyang sabihin pero kinikimkim niya dahil sa pride niya.

"Baby we have lots of monthsaries and anniversaries to celebrate, sobrang dami pa in the future. Ito na yung last na papalpak ako. I will make it more special next time"

Alam kong ito yung kanina niya pa iniisip. Masyadong sensitive si Gulf sa mga simpleng bagay tungkol sa relasyon namin. Alam ko kasi ito ang una niya.

Hindi si Gulf ang una ko, pero alam ko sa sarili ko na siya lang ang sineryoso ko ng ganito.

"Sige na mauna ka na,gabi na"

"Walang goodnight kiss?"

"Wala.. yung picture!"

"What about the picture baby?"

"Ipost mo"

"Okay okay. I will. Goodnight."

Tumalikod lang siya. Kailangan ng matinding pasensiya kay Gulf.

Minsan nahihirapan din ako, kasi ang dami niyang maliit na bagay na pinalalaki. Pero mahal ko talaga eh.

Hindi ko maimagine ang sarili ko na wala siya.

Pagdating ko sa bahay, kinuha ko yung phone ko tapos pinost yung ko yung picture namin. Ito yung picture namin ng paalis kami ng Condo. Gusto ni Gulf yung pinopost ko pictures namin araw-araw, It makes him feel loved. Gusto niya yung proud kami sa relasyon namin. Simula ng umpisa ito na yung palagi niya sakin pinapaalala,ayaw niya ng tinatago.

Caption: First ❤️

Tinext ko siya agad

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tinext ko siya agad.

"Photo posted baby. I love you"

~~~~~~~

Maaga ako nagising kasi pupunta ako ngayon kanila Gulf. Nag-order ako ng flower at pinadeliver sa bahay nila para sa birthday gift ko sa mommy niya.

Nakita ko din nagcomment siya sa post ko.

Gulfkanawut: 😘

Okay so hindi na siya nagtatampo.

~~~~~
Pagdating ko sa bahay nila may mga bisita pala silang iba.

"Goodmorning mom, nareceive niyo po yung flowers"

"Oo anak,nag-abala ka pa. Andun sila Gulf sa kwarto puntahan mo na lang."

Sila? Sino naman kaya kasama niya.

Pag-akyat ko pa lang naririnig ko na boses ng mga lalaki sa kwarto niya.

Hindi na ko kumatok, pagbukas ko unang bumungad sakin muka ng pinsan ko. Nakaupo siya sa may sofa malapit sa kama ni Gulf. Yung boyfriend ko nakadapa sa kama,mukang kakagising lang.

Si Luke at Godt nasa sahig nakaupo at may hawak na mga controller.

"Oh andito pala kayo" Umupo ako sa kama ni Gulf tapos humalik sa kanya.

"Yah yah,ininvite kasi namin si Gulf mag basketball, eh hindi daw siya makapunta kaya kami na lang pumunta" sabi ni Godt habang nakatalikod samin.

"Sabi niya birthday eh so dun tayo sa free foods" sabi din ni Luke.

"Eh ikaw bat andito ka?" Tanong ko kay Joss. Hindi ko makakalimutan ginawa niya. Alam kong plano niya yung pagpapakalat ng picture nila dati.

"Let him be,okay? Wala namang masamang ginagawa." Halatang inaantok pa si Gulf,kaya medyo napapapikit pa.

Sige hahayaan ko muna siya. Huwag lang siya magbalak ng masama ulit dahil alam niya kung paano ako magalit.

Hinila ko siya,nilagay ko ulo niya sa lap ko para makapahinga pa siya.

Nakita ko naman si Godt nakatingin samin at nakangiti. "Ako kaya kelan ako magkakaroon ng ganyan?"

"You gay bro?" Natatawang tanong ni Luke.

"No. Pero kung para sa katulad naman ni Gulf why not diba?" Tatawang tawa na sabi ni Godt.

"Agree. Mahirap na makahanap ng mga loyal,babae man o lalaki. Kaya swerte ka Mew ikaw yung una niyang naging boyfriend" sabi din ni Luke.

"At talagang yung Gulf ko pinag-uusapan niyo ha" Alam ko matatalik na mga kaibigan naman to ni Gulf kaya okay lang pero kung iba siguro baka pagselosan ko pa.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko kung gaano kaseryoso si Joss na nakatitig lang sa labas ng bintana..

Nakaupo pa din ako sa kama niya.Natutulog pa din si Gulf sa lap ko,ng bigla niyang hinarap muka niya. Naramdaman ko na lang na biglang sumikip yung pantalon ko. Inayos ko yung ulo niya, para di na tumapat yung muka niya sa alaga ko. Mahirap na baka di ko matiis,magkakaroon kami ng mga audience pag nagkataon.

~~~~~
Someone's POV

It hurts like hell.

I wish I could hold you in my arms too.

Can you look at me the way you look at him?

I love you Gulf, I love you. .

Never easy to love you (Completed)Where stories live. Discover now