Kabanata XLVII

12.9K 771 1.2K
                                    

ELIANA'S POV

KULANG na lang ata ay magbuhol ang mga kilay ko dahil hindi na ito naghiwalay pa matapos namin sumalo ni Zephyr ng hapunan sa mga mamamayan ng tribong Windamere. Naiintindihan ko naman na Prinsipe siya at marami talaga ang nais dumikit sa kanya at makausap siya pero tama ba naman na buong oras ng salo-salo ay maechapwera ako?! Literal na naechapwera ako sa tabi at taimtim na nilulunok ang mga pagkain na nawalan na ata ng lasa sa sobrang pagtitimpi ko. Kung pangit nga lang ang gising ko ay baka nilayasan ko na sila dito at mag-isa na lang ako bumalik ng Elior kahit hindi ko alam kung paano. Pero naiimbyerna talaga ako sa mga katribo ni Amaya! Sagad na sagad!

Wala silang ibang binabanggit kundi mga papuri kay Zephyr at Amaya. Porke't bagay na bagay daw sila at sana raw ay magpakasal na silang dalawa balang araw. Magpakasal agad?! Bawal muna maging magkasintahan? Magkaibigan? O di kaya ay magkaaway baka puwede pa! Ang lalandi ng mga taga-rito, manang-mana silang kahat kay Aera!

Mabuti na lang at panay magalang na ngiti naman ang iginagawad ni Zephyr habang si Amaya naman ay ang natural niyang mahiyahin at mahinhin na ngiti pero dahil babae rin ako, alam kong sagad sa puwet ang kilig ng gaga!

"Masarap ito, Eliana, tikman mo!" Magiliw na inilagay ni Zephyr sa plato ko ang isang karne ng hindi ko alam kung ano. Inis ko naman siyang nilingon at tinaasan ng kilay. Ang dugyot naman nito!

"Ano iyan?" Pagtataray ko pa sa kanya habang sinusundot ng tinidor ang karne na inabot niya.

"Karne iyan ng Foujian. Mga pangkaraniwang ibon dito sa Umoewin." Nakangising pahayag niya pa pero agad ko rin ibinalik sa plato niya ng maalala kung ano ang Foujian.

"Ayaw mo?" May himig ng pagtatampo na tanong niya sa akin pero inirapan ko lang siya. Pakakainin niya ako ng laman ng mabangis na nilalang na iyon?! Ayoko nga! Nakakadiri! Nakakatakot na nga ang hitsura ng mga iyon tapos pakakainin pa niya ako ng laman ng mga iyon baka mamaya malason pa ako o magsuka sa dumi.

"Hindi ako kumakain ng---" Bago pa man ako makapagsalita ay bigla na lang niya isinubo sa bibig ko ang karne ng walang pasabi. Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawa niya at parang gusto kong sumuka pero hindi ako dugyot tulad niya! Kailan ba talaga niyang isubo sa akin?!

"Nguyain mo na!" Natatawang pahayag niya pa at balak niya pa atang hawakan ang baba ko para imuwestra ako na ngumuya pero marahan akong umiwas sa kanya ng mukha habang nanlilisik pa rin ang mga mata ko. Nagtama ang mga mata namin at mukhang nakaabang si Zephyr sa magiging reaksyon ko ngunit dahil bahagya pa rin akong kinikilig sa ginawa niya ay umiwas na lang ako ng tingin at nakangiwing nginuya ang karne.

Nakaabang naman si Zephyr sa reaksyon ko habang ako naman ay ninanamnam ang manamis-namis at maalat-alat na karne ng pesteng halimaw na ibon. Kung tutuusin ay lasa lang itong inihaw na baboy ngunit mas malambot kapag nginuya. Nakakainis dahil aminin ko man o hindi ay masarap talaga siya sa dila dahil sa lambot at lasa. 

"Masarap di ba?" Magiliw niya pang tanong sa akin pero inis ko lang siyang inirapan at hindi na kinibo. Alam na niya ang ibig sabihin niyan kaya mas lalong lumawak ang ngiti niya at sunod-sunod naman ang naging paglagay niya ng karne sa plato ko.

"Ano ba! Patatabain mo ba ako?!" Kunwari'y inis kong sita sa kanya pero ang totoo ay naiilang ako sa ipinapakita na naman niyang kilos na mistulang syota ko siya na pinakakain ako ng maayos.

"Mas maganda tingnan sa babae ang malaman. Kumain ka lang, Eliana." Mahinahon na niyang pahayah sa akin pero hindi na ako kumibo at inirapan na lamang siya ulit.

Pansin ko naman ang mga tinginan sa amin ng mga kasabay namin kumain sa malawak na mesa. Hindi nakaligtas ang makahulugang pagsulyap sa akin ni Aera ngunit wala naman akong pakialam sa kanila. Hindi ko rin sinasadyang mapalingon sa gawi ni Amaya at hindi na ako nagulat ng makitang nakasulyap siya sa amin ni Zephyr. Tataasan ko na sana siya ng kilay pero agad siyang nag-iwas ng tingin at isinukbit ang nakatakas na buhok sa kanyang tenga na wari'y nahihiya. Bakit ba kanina pa siya sulyap ng sulyap?! Gusto ko pa man din ang dating niya noong una pero masyado siyang mapagmatyag at naiinis ako kapag ganoon. Oras na mapikon talaga ako ay susunditin ko iyang mga mata niya, makita niya talaga naku!

Reincarnated as the Seventh Princess (BOOK 1/3) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon