EULIII41

489 39 28
                                    

-

"Eul?!"

-

Third Person's POV

"We will take what is legally ours---'yan ang sagot ni ME Group Legal Chief Atty. Mendoza patungkol sa pagbawi ng kompanya sa Vista Mining Company mula san pamilyang Gatchalian."

"Dagdag pa niya---VMC is ours even before it has established... the money is ours, then the property is ours... Gatchalians have nothing to do with this."

"Nagpasa narin ng resolusyon upang malipat ang ownership nito sa kompanya at nagsampa na rin ng iba't ibang mabibigat na kaso ang ME Group sa korte suprema. Inaasahan namang ibabalik na ng pamilyang Gatchalian ang nasabing mining company matapos magbigay ng palugit ang korte suprema na tatagal lamang ng isang buwan."

"Sinubukang hingiin ng aming team ang panig ni Mrs. Jasmine Gatchalian ngunit tumanggi itong magbigay ng kaniyang pahayag."

"Sa kasunod namang balita patungkol parin sa ME Group of Companies, pormal itong nagsagawa ng press conference kanina lamang tanghali na pinangunahan ni Ms. Sheena Serrano, ang kasalukuyang Chief-of-Staff ng nasabing kompanya.

"Narito ang ilang clips ng kaniyang mga sinabi---in this time of grief within the ME Group... over the death of our chairman, Mr. Eul Justine Espinosa... with consideration and respect, the chief officers of the company decided to elect the new CEO later this day."

"Every shareholder of the company will be placing his/her vote at the conference. Miles Espinosa and Kean Josh Pangilinan are both qualified to run the said position---"

-

Maingay. Nakaririndi. Ang lahat ay kani-kaniyang nakaharap sa kausap. Nabalot ng malalakas na mga bulungan ang bawat sulok ng conference room.

Sa kanang bahagi ng unahang hilera nakaupo ang mag-amang Pangilinan. Si Kean ay kasalukuyang nakararamdam ng kaba at pagkuway na nagkukuyakoy upang maibsan ito. Ang ama naman ay kanina pa pasulyap-sulyap sa sariling relo at naghihintay sa pagdating ng nakatakdang oras.

Sa kabilang banda, sa kaliwa nakaupo si Miles katabi si Paulo. Naka-de quatro pa ang mga paang naghihintay sa pagsisimula ng botohan.

May kaba mang nararamdaman, pinilit niya itong isinantabi at naniwala sa sariling kakayahan.

Ilang saglit pa ay tuluyan nang bumukas ang pinto ng conference room at iniluwa noon si Sheena na ikinalingon ng lahat.

Rinig pa ang tunog ng magkabilang takong nitong inaapak sa sahig. Ang iba pa'y nanahimik na dahil sa presensya ng kararating lamang.

Nang tuluyang makaapak sa podium ay tumapat siya sa mikropono at nagsalita. "Greetings!" Pauna niya at tumingin sa iPad na hawak upang basahin ang kaniyang script.

Mahahalata pa ang nanginginig at kabado nitong boses na nagsegunda. "In the midst of our chairman's funeral, today, the company will be voting for the next Chief Executive Officer of Madrigal-Espinosa Group of Companies." Saglit siyang tumigil upang bumaling sa mga nakikinig na ngayon ay masugid na hinihintay ang kaniyang susunod na sasabihin.

Lumunok pa siya ng sariling laway at muling tumugon. "Until Mr. Espinosa's burial, the chairmanship title will be taken into legal measures... but in the mean time, officer-in-charge, who will be leading this company with integrity and perseverance, is a must needed---"

Mabilis niya pang kinagat ang ibabang labi at tinuloy ang pagbabasa. "May I please call on Mr. Kean Josh Pangilinan and Mr. Miles Espinosa to please come up on stage..." at humarap upang panoorin ang pagtayo ng dalawang tinawag.

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon