EULIII42

522 45 42
                                    

-

"Hide Eul... and wait for me..."

-

Third Person's POV

Sa narinig na sigaw ni Spiro ay hindi agad nakapag-react si Cassey. Nakita niya nalang ito na tumakbo pataas ng hagdan at mabilis na kumilos upang hilain ang taling nakausli sa kisame.

Nang makagalaw ay mabilis niya na ring sinundan si Spiro. Tumambad sa kanila pareho ang panibagong hagdan na isa-isa nilang hinakbangan paakyat.

Malakas na ubo ang pinakawalan ni Spiro nang masinghot ang hindi pamilyar na amoy. Nanginginig at sobrang nagiinit ang kaniyang buong katawan.

Nang makasampa sa sahig ay wala siyang sinayang na sandali. Natakot pa siya na baka ito ay isang muling pantasya na gusto niyang maging reyalidad.

Dahan-dahan niyang tinahak ang daan palapit sa malaking higaan. Mabilis ang kabog ng dibdib at hindi mapigilan ang sariling hindi maluha sa samu't saring ideyang tumatakbo sa kaniyang isipan.

Sa isang iglap ay napako siya sa kinatatayuan habang nakatitig sa nakaaawang si Eul. Ang luhang ilang linggong naipon ay tuluyan nang rumagasa. Hindi siya makagalaw. Hindi siya makapagsalita sa gulat.

Nakita pa siya ni Cassey na umiiyak kaya't taka itong tumingin sa tinititigan ni Spiro at walang ano-ano'y tumakbo sa kinaroroonan nito at niyakap ang kaibigang walang malay na si Eul. Tinakpan niya pa ang ari nitong nakabalandra.

"Eul!" Sigaw ni Cassey upang bahagyang gisingin ngunit hindi nagtagumpay. Kinapa pa niya ang leeg ni Eul at napahinga nang malalim nang maramdaman ang pulso nito.

Parehas nilang pinagmasdan ang buong katawan ni Eul. Puno ng mahahabang pasa at sugat. May mga bakas pa ng kagat sa magkabilang leeg nito maski na sa magkabilang braso.

Bahagya pang dumudugo ang mga iyon na sa isip nilang pareho ay sariwang sariwa pa.

"Spi..." mahinang sambit ni Cassey sabay tingin kay Spiro. Napakuyom nang mahigpit ang parehong kamay ng huli at muling naglakad palapit sa kinaroroonan ni Eul.

Pinagmasdan niya ang leeg nito na walang awang kinagat ng demonyo. Lumunok pa siya ng ilang ulit at napaluhod sa uluhan ni Eul.

"Eul... why..." lumuluhang turan ni Spiro at hinimas ang ulo ni Eul. Payapa parin itong natutulog. Tinitigan niya ang maamong mukha ng minamahal at mas lalong naiyak sa malupit na sinapit nito.

"Papatayin ko gumawa sa'yo nito..." umiiyak ngunit ubod ng tigas niyang pagkakasambit.

"Spi..." pagaalo naman ni Cassey sa kaibigan sabay marahang himas sa likod nito.

"All these time... buhay siya... ginagago lang siya ni Itchan... binababoy lang siya ng putanginang 'yon!" Puno ng galit na bigkas ni Spiro habang nakatitig sa kawalan. Tumayo siya at muling iginala ang mga mata sa loob ng madilim na silid habang si Cassey naman ay lumuluhang yakap ang kaibigan.

Nasa kalagitnaan siya ng pagaanalisa sa silid nang makarinig ng malakas na tunog na nanggaling sa labas. Mabilis na nagtitigan ang dalawa at nanlaki ang mga mata sa napagtanto.

"Itchan..." marahang sambit ni Cassey at kinakabahang tumayo.

Walang sinayang na sandali si Spiro at walang ano-ano'y binuhat ang kawawang si Eul. Binalot niya pa ang katawan nito ng kumot.

"Cassey... tara na..." mahinang wika ni Spiro at dahan-dahang naglakad pababa ng hagdan. Nasa likod niya si Cassey at parehas na iniiwasang makagawa ng ingay.

Ilang hakbang pa ay nasa bukana na sila ng solidong pinto nang parehong tumigil. Nakarinig sila ng mga yapak na sa tantiya nila ay isang palapag nalang ang layo sa kanila. Si Itchan.

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon