31

2K 113 9
                                    

Gulf's POV

Nagising ako ng hating-gabi,nakita ko naman mahimbing na natutulog si Mew. Gusto ko abutin  yung phone niya para icheck kung sino ba yung katext niya kanina at ang saya saya niya.

Sabi ni Luke sa akin,wag daw ako palagi magselos kasi yun daw yung no. 1 reason bakit naghihiwalay ang mag boyfriend. Wag ko daw ipakita na parang may trust issues ako sa kanya palagi. Ewan ko saan nakukuha ni Luke yung mga advise niya eh hindi ko naman to nakitang may ka relationship since highschool kami.

"I kissed his forehead". Siguro kahit lokohin mo ko ng harapan, babalik at babalik pa din ako sayo.

~~~~~~
Mew's POV

It's Saturday morning, I was going to wake him up when I saw his eyes were already open. Nakatalikod kasi siya sakin natulog.
"Good morning baby,how's your sleep?"

"Good. Slept well" Nakatalikod lang siya sakin. Nang yinakap ko siya mula sa likod humarap naman siya sa akin. Hinawakan niya ang muka ko gamit ang dalawa niyang palad. "Babe nagsasawa ka na ba?"

Saan niya nakuha yung ganitong tanong. Bakit naman pumasok sa utak niya to.

"Baby never ako magsasawa, just tell me what's wrong. May problema ba tayo?"
Natatakot ako sa pwede niyang isagot sa akin...

"No, wala tayong problema.remember you asked me this on our first month? i just want to throw the same question to you. Baka pala may gusto ka ng iba,tapos pinipilit ko na lang yung sarili ko dito". 

Umupo ako at hinila ko din siya para kumandong sa akin. "Just remember this then, Hinding hindi ako magkakagusto sa iba".

Ngumiti naman siya sa akin. Pero bakit parang ang lungkot ng mata niya.

Nagshower lang siya tapos ako dumiretso na sa hapag kainan para magprepare.

~~~~~
Gulf' POV

Naghahanda siya ng mga kakaininin namin ng biglang nag vibrate phone niya. Shit bakit naka pattern na screen lock nito. Last week lang he is using the face unlock. Binalik ko yung phone niya.

Nilalagyan niya ng milk yung cereals ko sa bowl. "Babe,may nagchat sayo"

"Bayaan mo muna baby,weekend ngayon hindi naman yan siguro importante"

"No. Open it" Nagtataka siyang nakatingin sa akin. Pero kinuha niya naman at binuksan.

"Wala baby, si Coo lang nanggugulo. Hindi naman importante." Tapos pinatong niya yung phone niya sa itaas ng ref.

Nung natapos na kami kumain, pumasok siya sa CR para magshower.

Binuksan ko yung phone niya,naalala ko yung pattern ng binuksan niya kanina.

I checked his inbox,messenger,line and IG. Lahat luma na mga messages, kagabi yung pinakabago. So nasan yung sinasabi niya na message ni Coo dito?May dinilete siyang message. Ayaw ko pa naman sa lahat yung mga sinungaling.

Nagpalit ako ng damit at kinuha yung pang basketball ko.Hindi ko na siya hinintay matapos.
I texted my bestfriend.

"Bro isang game lang,meet me sa court malapit sa subdivision niyo"

Luke: Shoot. Shower lang.⛹️

~~~~~~

Andito na ko agad sa court sa kanila. Si Luke wala pa din.

Humiga lang ako sa bench dito.Hindi ko alam kung paano magrereact kanina. Gusto ko siyang katukin sa CR tapos ipagsigawan sa kanya na napakalaki niyang sinungaling. Pinigilan ko ang sarili ko kasi paano kung magalit din siya na instead lambingin niya ko baka bigla pa siyang makipaghiwalay. Nasa kalagitnaan ako ng may malakas na pumitik sa noo ko. Shit ang lakas.

"Ay sorry,patingin, namula" Nag-aalalang sabi niya.

"Anu ka ba, ano kala mo sakin iyakin?hahaha"

"Hindi ka mag-aaya ng basketball ng weekends kung walang problema, so what is it?"

"Hindi ko na alam paano bro, hindi ko alam paano baguhin sarili ko"

"Why do you need to change? I though you want someone who will love you without changing you?" So naalala niya pala yung sinabi ko sa kanya. Ganun lang gusto ko yung matatanggap yung possessiveness ko.

"Mahirap ba ko mahalin bro?"

"Fuck basketball,tara shot na lang sa bahay"

"Game"

"Want me to text Godt?"

"No, I'm not comfortable sharing this to him"

"Fine,basta walang iyakan pag nalasing ha"

"Nakita mo na ba ko umiyak? Asa ka bro"

Tangina hindi naman ako ganun ka weak para umiyak...

~~~~~~

Nagbeep yung celphone ko. Tinag pala ako ni Luke sa post niya.

Caption: with my best buddy🍻 @gulfkanawut

"Wala na bang ibang beer dito Luke?" Naghahalungkat ako sa ref niya.

"Si mama bumili niyan. Wala na talaga"

Paulit ulit lang advice sakin ni Luke,kalma,wag magmadali,wag mag-isip ng kung ano ano.

Nakakailang bote na kami ng tinapik ako ni Luke.

"Bro nagcomment asawa mo sa post ko,asan daw tayo umiinom. Nagpaalam ka ba?"

"Kailangan ba magpaalam? Ignore him"

Nang pauwi na ko.nagvibrate yung phone ko,kanina pa chat ng chat si Mew. 

Pero ang nakatawag pansin sa akin ay yung bagong text galing sa hindi ko kilalang number.

Unknown:
don't trust him. He's cheating.

Never easy to love you (Completed)Where stories live. Discover now