Mensahe

97 13 2
                                    


Hi mga mahal! Ito ang unang nobela na isinulat ko kaya't maraming maraming salamat sa pagsuporta sa akdang ito. Bago niyo basahin itong nobela, gusto kong linawin na ang Pahimakas ay isinulat ko dahil nainspire ako sa movie na Bonifacio: Ang Unang Pangulo at sa nobelang Salamisim. Gusto ko ring linawin na kahit ganoon ay malayong-malayo ang kuwentong ito sa kuwento ng Salamisim at ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo. Ginanahan lamang akong pasukin ang pagsulat ng isang nobela mula sa 19th century partikular sa panahon ng Kastila nang mabasa ko ang Salamisim ni Binibining Mia at mapanuod ang movie na Bonifacio: Ang Unang Pangulo na pinagbibidahan ni Robin Padilla.

Inuulit ko, malayo ang kuwento ng Pahimakas sa kanilang kuwento. Malalaman niyo ang lahat kung mababasa niyo ang nobela hanggang katapusan. Maraming salamat at sana ay manatili kayo hanggang sa dulo ng akdang ito.

Gusto ko ring sabihin na ang Pahimakas ay unedited. Expect typographical errors at kapag natapos ko na ang nobela at nagkaroon ako ng sapat na oras ay ieedit ko rin. Hindi ko rin maipapangako ang mabilis na update dahil may iba rin akong pinagkakaabalahan. Para sa tuloy-tuloy na pagbabasa, maari niyo muna itong itabi sa library niyo at basahin na lang kapag completed na.

Mas maappreciate ko kayo at mas gaganahan akong sumulat kung malalaman ko ang mga saloobin niyo sa nobelang ito sa pamamagitan ng pagcomment. Maraming salamat, mahal ko kayong lahat!

#Pahimakas

PahimakasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon