Chapter 3

7.2K 242 8
                                    

HALOS HINDI na makagalaw sa kinatatayuan niya si Unyce dahil sa labis na gulat. Para siyang napako sa kinatatayuan niya. Gulat na gulat siya sa nakikita niya ngayon. Kung sakaling panaginip man ito, sana naman ay magising na siya. This is a nightmare for her!

Ang lalaking ayaw na niyang makita kahit kailan ay nakita na niya ulit ngayon. Ang buong akala niya ay hindi na sila ulit magkikita kaya panatag na ang kalooban niya. Pero mukhang nagloloko ang tadhana ngayon. Bakit ba ang malas nita minsan?

Tumikhim ito para makapagsalita. "Yes, I'm Marc Devien. Are you Mr. Abraham's secretary?"

Mukha ba siyang sekretarya? Siguro sa suot, oo. Pero sa mukha hindi. She's too pretty to be a secretary. Itinaas niya ang kilay para nagmukha siyang mataray sa harapan nito. Hindi siya pwedeng magpaapekto sa lalaking ito.

"Pardon me, Mr. Devien." Wika niya ng nakataas ang isang kilay. "Do i look like a secretary?"

"By your face, its a no," Bumaba ang tingin nito sa suot niya bago ibinalik ang tingin sa kanya at nagsalita, "but by your outfit, its a yes."

Pwede bang pumatay ng tao ngayon? Kung pwede kukunin niya ang kutsilyong nasa mesa at itatarak niya sa lalamunan nito. Dapat pala nagsuot na lang siya ng casual attire at hindi ganitong formal attire. Magmumukha talaga siyang sekretarya nito.

Huminga siya ng malalim bago ngumiti ng pilit kahit ayaw niyang ngumiti sa lalaking kaharap niya. "I'm not a secretary, Mr. Devien. I'm Unyce Abraham. The only daughter of Carlos Abraham. The new owner of Abraham Corporation."

Napatango-tango ito bago iminuwestra ang kamay nito sa kaharap nitong upuan. "Take a sit, Ms. Abraham."

Patago siyang umirap sa hangin bago umupo sa kaharap nitong upuan. Hindi niya alam kung gentleman ba ito o hindi. Pinaupo nga siya pero hindi naman siya nito ipinaghila ng bangko. Baka tamad lang.

Nang makaupo siya kaagad niyang inilapag ang folder na naglalaman ng kontrata bago ibinigay rito. Gusto na niya itong tapusin. Para siyang kakapusin ng hininga dahil sa bilis ng tibok ng puso niya. Its not normal to her.

Huminga muna siya ng malalim bago sinalubong ang titig nito kahit nakakailang para sa kanya. Para kasi nitong sinusuri ang buong pagkatao niya pati na rin ang kaluluwa niya. Sarap dukutin ng mata. Kaso sayang ang gwapo kung walang mata

"Inside that folder is the contract." Wika niya sabay turo sa folder na kaharap nito. "Sign it and we're done."

"Pwede bang kumain muna tayo bago ako pumirma?" Tanong nito na hindi na pa rin nagbabago ang titig sa kanya. "Hindi pa ako kumakain simulan kaninang umaga, Ms. Abraham."

"I don't care." Masungit niyang bulong sa hangin. Bakit nga kasi hindi kumain ng umagahan? Breakfast is the most important meal. Sana naman alam niya yon.

"May sinasabi ka, Ms. Abraham?" Tanong nito.

Nginitian niya ito ng peke bago nagsalita. "Nothing. Should we order?"

Tumango ito bilang sagot. Itinabi nito sa kabilang dulo ng lamesa ang folder bago kinuha ang menu. Nang mawala ang tingin nito sa kanya saka lang siya nakahinga ng maluwag. Halos habulin na niya ang sariling hininga dahil sa bilis ng tibok ng puso niya sabayan pa ng mga titig nito na lalong nagpapabilis sa puso niya.

Kinuha na rin niya ang menu na katabi niya para pumili ng makakain. Hindi na siya nagulat dahil sa taas ng presyo ng mga pagkain rito. First class kasi karamihan ang kumakain rito kaya talagang mamahalin ang mga pagkain.

Itinaas niya ang kamay niya para kunin ang atensyon ng waiter. Ilang segundo lang ang lumipas may dumating agad na waiter. Ngumiti ito sa kanya bago nagsalita.

Formidable KillerWhere stories live. Discover now