32

13.1K 517 11
                                    


"GUSTO kang makausap ni Charles," ani Dana sa pinsan nang makapagsarilinan sila sa silid niya pagkatapos ng hapunan.

"I don't want to talk to him, Dana," determinadong sagot ni Cielo. "It's over between us. Baka mamaya malaman pa ni Lenny ang tungkol sa kanya'y makasama pa."

Matagal na tinitigan ni Dana ang pinsan. Pilit na inaarok ang damdamin. Determination was on her cousin's face. Hindi siya makapaniwala na ang Cielo na halos ipagsigawan ang pag-ibig kay Charles noon ay basta na lang magbabaling ng pansin sa ibang lalaki nang ganoon kadali. Nagbuntong-hininga ang dalaga.

"Alam mong unang nanligaw sa akin si Charles, 'di ba?"

Nag-angat ng paningin si Cielo. "So?"

"Well..." Nagkibit si Dana ng mga balikat. "Lately, nitong magkasama kami sa nakalipas na dalawang araw, nakilala ko nang husto si Charles. I kind of attracted to him..."

Sandali lang ang pagkabigla ni Cielo. Nagyuko ng ulo. "H-he's a good guy. M-matutuwa ako kung... kung mababaling muli ang pansin niya sa... iyo." Kapagkuwa'y tumayo ito. Tuloy-tuloy sa pinto. Ni hindi lumingon kahit nang magsalita. "B-babalik na ako sa silid ko."Naiwang nakangiti si Dana. It wasn't hopeless afterall.

NANG magising kinabukasan si Dana ay nag-iinat pang nanungaw sa bintana. Nahinto siya sa paghihikab nang matanawan niya si Lenny na nasa kuwadra. Nagmamadaling lumabas siya ng silid. Baka umalis ito at hindi niya abutan. Tuloy-tuloy siyang lumabas ng villa patungo sa kuwadra. Inaayos na nito ang saddle sa ibabaw ng malaking kabayo.

"G-good morning..."Mula sa paglalagay ng saddle sa stallion ay napalingon si Lenny. Nagsalubong ang mga kilay pagkakita kay Dana. From the bed, literally. Still in her flowery cotton pajama. The sweet warm scent filled his nostrils.

She was smiling. And just as he thought. But Dana wasn't just lovely. Whoever invented the word enchantment must have her on his mind.

Her hair uncombed. Her face unmade. No lipstick. Not even a trace of powder. But it didn't make her less pretty. She was a Greek statue came to life. A work from the hands of a master. Praxiteles, perhaps.

"G-going somewhere?" she asked. Her voice still husky from sleep.

Bahagyang ipinilig ni Lenny ang ulo, clearing his mind from strong and unwanted desire. Wala sa loob na tumango. He was literally speechless and was totally mesmerized at the sight of her. Maliban kina Julianne at Jessica ay wala itong natatandaang may babaeng humarap sa kanya nang nakapantulog lang at hindi pa nakaayos. Kasama na roon si Cielo.Bawat isa'y gustong laging maganda at maayos sa harap ng binata. For fear that he might find them lacking.

"Mangangabayo?"

Muling tumango si Lenny.

"H-hindi ko gustong abalahin si Tita Jewel. Puwede mo ba akong ihatid sa hotel?"

Saka lang tila nagising ang binata. Bahagyang naningkit ang mga mata. "Gusto mong magkita kayo ng boyfriend mo?"

"Ikaw ang gusto kong makausap," ani Dana. Nagtaka sa animosity na biglang nasa tinig nito. She swore she saw admiration in his eyes a while ago.

Nagdikit ang mga kilay ni Lenny. "Ano ang gusto mong ipakipag-usap? At bakit kailangang sa hotel pa?"

"Dahil gusto ko ring magpunta roon upang kausapin si Charles. Please..."

Matagal na humagod ang tingin ni Lenny sa katawan ng dalaga na gusto nang mailang ni Dana. Nawala sa isip na nakapantulog lang siya sa pagmamadaling mahabol ang binata.

"In your pajamas?" wika nito makaraan.

Lumapad ang ngiti ni Dana. "Give me ten minutes." At saka nagmamadaling bumalik siya sa bahay.

"Take your time!" pahabol na sigaw ng binata na napailing. He couldn't believe that he was taken by a smile.

Kristine 16 - Hasta La Proxima Vez (Till Next Time) (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon