Chapter 17: The dinner

16K 662 212
                                    


CHAPTER SEVENTEEN

The dinner


PAGKAPASOK ko sa bahay, napahinto ako sa paglakad nang makita ko ulit siya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong itawag sa kaniya dahil sa totoo lang, lumaki akong walang ina. Lumaki akong hindi ko siya kilala.

"Feem, usap tayo anak," tawag sa 'kin ni Papa sa may kusina.

Nilampasan ko ang babaeng nakaupo sa may sala naming na para bang hindi ko siya nakita.

"Ano'ng ginagawa niya rito? 'Di ba talaga siya titigil?" Bakas sa boses ko ang pagkairita.

"Anak, gusto niya sana sa kanila ka maghapunan mamaya," kalmadong sabi sa 'kin ni Papa kaya napakunot ang noo ko.

"Hapunan?" Natawa ako nang mahina. "Ilang taon na akong nakakapaghapunan ng wala siya."

Bumuntonghininga si Papa at saka niya ako hinawakan sa magkabilang balikat ko.

"Isang hapunan lang, Feem. Dito ka naman matutulog. Dito ka naman ulit uuwi," pakiusap sa 'kin ni Papa kaya ako naman ang napabuntonghininga.

Ayokong ibigay ang gusto nila, pero tuwing tinitingnan ko si Papa ay lumalambot ako.

Mahalaga sa 'kin si Papa at ayokong iparamdam sa kanya ang kabaliktaran no'n.

Without much of a choice, I just nodded slowly. And there I saw how my father's lips curved into smile.

***

DITO pala siya sa Realgorez nakatira?

Bumaba kami ng kotse niya at bumungad sa 'kin ang malaki nilang bahay.

Napangisi ako. Kaya pala niya iniwan si Papa. Mayaman naman pala ang ipinalit niya kay Papa.

Sinundan ko lang siya hanggang sa makapasok kami sa loob. Binati ako ng mga katulong nila at tinanguan ko lang sila.

Tiningnan ko ang relo ko at nakita kong 7:30PM na. Puro mga katulong ang nakikita ko rito sa bahay nila. Nasaan ang asawa niya at ang anak niya? Sigurado ako may anak na siyang iba. Hindi naman kasi nagkukuwento sa 'kin si Papa pero kahit gano'n, alam ko naman na kung ano ang mga dapat kong asahan sa babaeng tulad niya.

"Bell! Let's eat!" sigaw niya kaya napatingin ako sa kanya.

Lumapit siya roon sa kasambahay nila. "Manang, pakitawag naman si Bell sa kuwarto niya."

"Sige po, Ma'am."

"Salamat, Manang."

"Ay, Ma'am, nandiyan rin po pala si Den kasama ni Bell. Dito yata matutulog," singit no'ng isa pang kasambahay nila.

"Sige Manang, salamat."

Bell?

Den?

Bakit parang—

I immediately shook my head with the thought. Impossible.

Bumaling naman sa 'kin ang dating nobya ni Papa at saka niya inayos ang upuan ko.

"Upo ka na, anak. Pababa na sila rito."

Gusto kong masuka tuwing binabanggit niya 'yong salitang anak.

Hindi ako umimik. Imbis na gawin ko ang sinabi niya ay nag-ikot na lang ako sa bahay nila para pagmasdan 'yong paligid.

Lumabas ako sa may veranda sa tapat ng dining room.

To Win The War (Belle Ville Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon