Chapter 20

39.1K 714 11
                                    

Chapter 20

Hindi ko maidilat ang aking mga mata ang tanging nararamdaman ko na lamang ay iyong matinding sakit na nararamdaman ko sa aking puson. Ilang ingay ang naririnig ko, mga taong nag-uusap para bang nagtatalo. Gusto kong idilat ang mga mata ko at alamin ang mga nangyayari ngunit may mabigat na pumipigil sa aking mga mata. Ito iyong pakiramdam ko noong unang nakidnap ako. Gusto kong sumigaw at magtanong ngunit walang boses ang nais lumabas sa bibig ko.

Anong gagawin nila sa akin? Anong gagawin nila sa baby ko? Maingay pa rin ang buong paligid ko ngunit wala akong maintindihan sa mga pinag-uusapan nila, halos bulong na lamang ang mga iyon sa pandinig ko. I hate this feeling! Gusto kong gumising, magtanong at makita ang mga tao sa paligid ko ngunit wala akong magawa. I feel so helpless! This is so frustrating at wala man lang akong magawa para sa sarili ko. Ilang sandali pa ay nilamon na naman ako ng matinding antok kasabay ang tahimik kong pag-iyak.

****

Nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa akin ng magising ako. Ilang pares ng mga mata ang masuyong nakatingin sa akin, ilang segundo pa ang pinalipas ko bago tuluyang nakapag-adjust sa liwanang. Tinignan ko ang kamay kong may suero at iginala ang paningin sa pamilyar na amoy ng hospital. Nais ko sanang magsalita ngunit tuyo ang aking lalamunan.

"Yvette. Finally, you are awake." malambing na haplos ni mommy sa aking noo habang tuluyang dumaloy ang mga luha sa kanyang magagandang mata.

"Don't move. Hindi pa daw masyadong nawawala ang epekto ng anesthesia sa katawan mo baka mahilo ka lang kapag bumangon ka. How are you? May masakit ba sa iyo?" nangunot ang noo ko sa kanyang huling sinabi kaya kahit nahihilo pa ako ay pilit pa rin akong bumangon.

"What happened? Bakit ako may anesthesia?" sumidhi ang matinding hilo sa akin ngunit hindi ko iyon ininda. Nakaawang lamang ang bibig ni mommy na para bang hindi alam kung ano ang sasabihin. I looked at Ivan with horror na ngayon ay nakayuko lang habang si daddy naman ay dinaluhan si mommy.

"What happened to my baby?!" paos at basag ang boses ko ngunit walang mga mata ang kayang tumingin sa akin ng diresto. Nanakit ang lalamunan ko at tuluyan ng napahagulgol. Fuck it! Wasak na wasak na ako! Pilit akong pinakalma ni mommy ngunit inilayo ko lamang siya sa akin. First I was raped, tinanggap ko lahat ng iyon pati ang bunga ng gabing iyon. Minahal ko na siya ngunit heto at wala na siya.

"I am so sorry Yvette. Bakit hindi mo sa amin sinabi ang lahat ng nangyari? Nai-kwento na sa akin lahat ni Ivan. I am your mom, lahat ng sakit at paghihirap mo ay pwede mo sa aking sabihin. Hindi mo dapat sinarili lahat ng ito. I am sorry baby."

Mom tried to cup my face but I refused. Hindi ko siya kayang makita. I really love her, kahit na ilang beses ko siyang sinasagot at si daddy isang luha lang niya ay napapahinuhod na niya ako. Ayoko siyang nakikitang umiiyak lalo pa't ako ang dahilan. But aaminin ko naman na may sama ako ng loob sa kanila. Paano ko naman sasabihin sa kanila ang lahat ng pinagdadaanan ko kung para sa kanila ay alam nilang hindi ko sila kailangan. Just because I am strong enough to handle pain that doesn't mean to treat me any kind of way. And it doesn't mean that I don't need a hug when tears fall down from my eyes.

"Leave me alone! Ano pagagalitan mo ba ako dad? Na ito ang napapala ko kakaparty. Ano? Napatunayan niyo na malandi ako! I was raped and got pregnant! Enough naman na siguro yan diba?" pilit akong pinapatahimik ni Ivan at hindi man lang ako magawang tignan ni daddy.

"I'm sorry Yvette for what happened. I won't say anything harsh, nandito kami bilang magulang mo, kakampi mo. Hindi kami ang kaaway mo rito Yvette. Walang humuhusga sayo rito." mas lalo akong napaiyak sa mga sinabi niya. I hate them! Sa kanila pa rin talaga ako babalik kahit anong gawin.

The Virgin's First Night 8: Had No MercyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon