Kabanata 3

15.7K 514 21
                                    

6:00 AM

Nandito ako sa kwarto ko at nag iisip ng puwede kong gawin.

It's already 6 AM at maya-maya lamang ay papasok nanaman ako. Inihanda kona ang mga kanta na puwede kong pakinggan para hindi marinig ang mga bulungan nila mamaya. Ang sakit kasi sa tainga.

May biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko ngayon kaya medyo nag taka ako. Ngayon lang 'ata may kumatok sa kwarto ko kaya kumuha ako ng baseball bat para aware ako. Aba malay koba kung sino 'yan?

Pag bukas ko naman ay si Eurich ang bumungad kaya peke akong napangiti.

S'ya lang naman pala.

"Blythe, ang galing galing mo talaga!"

Akmang yayakapin pa n'ya ako nang umiwas agad ako. I really hate hugs! Ang awkward, at ang init pa.

"Kahit ang sungit mo, okay lang! Basta ang galing galing mo!" masaya n'yang pagkakasabi pero sineryosohan ko lamang s'ya ng tingin.

"Anong ginagawa mo dito?" I curiously asked her.

"Sabay na tayong pumasok, wala kasi akong kasama." sagot naman niya.

Napahinga na lamang ako nang malalim at hindi ko s'ya sinagot at ibinalik na lamang 'yung baseball bat sa lagayan nito.

As if naman kasi na may kumaibigan sa kan'ya, ingay kaya ng bunganga n'ya.

Naglakad ako patungo sa kama at pumasok naman s'ya sa pinakang loob ng kwarto ko.

"Wow! Ang ganda, ang linis, at ang unique ng kwarto mo. Puro black kaya ang creepy din, puro pa fake weapons." pag puna nito pero hindi ko pinansin ang sinabi n'ya.

Inilagay ko sa ulo ko ang hoodie ko at kinuha na ang bag ko.

Lumabas ako ng pinto at tinignan si Eurich nang seryoso. Senyales na lumabas na s'ya bago pa'ko mainis. Baka may masira pa s'ya sa gamit ko.

Nakangiti naman s'yang lumabas kaya isinara at nilock ko na ang pintuan ko.

"Blythe? member kana ng Assassination Group 'di ba? isali mo naman ako." napatigil ako sa sinabi n'ya habang nag lalakad kami sa hallway.

Bakit bigla n'yang naisip 'yan? At tsaka hindi naman 'yon basta-basta. Kailangan n'ya ng lakas, tapang, galing, at pwersa para doon.

Pero puwede ko naman malaman kung may kakayahan ba s'ya.

Agad kong hinila ang kamay n'ya ngayon at tsaka ito ipwinesto sa likod n'ya.

Tinitignan ko lang kung kaya n'yang depensahan ang sarili n'ya...pero mukhang mali ako,

"Aray ko Blythe! Ano bang ginagawa mo?!" daing nito kaya agad konang binitawan ang kamay n'ya. Medyo natawa pa nga ako, 'yung mukha kase n'ya halatang nainis at nasaktan sa ginawa ko.

"See? Ang bagal mo kumilos, hindi ka bagay doon." sabi ko at napayuko naman s'ya.

"Oo nga, sana katulad mo din ako. Ang hirap rin kaya maging mahina." biglang lumungkot ang mukha n'ya. Namulsa ako at tinitigan s'ya, ang sad girl ng mukha n'ya, nakakatawa.

"Hindi mo gugustuhin sumali sa Assassination Group dahil kaunting pagkakamali mo lang, puwede mo na ikamatay." pagpapaliwanag ko at iniangat naman n'ya ang ulo n'ya.

Hindi naman kase biro ang pakikipag patayan, hindi porket naisipan mo lang, gagawin mo na. Madami pang aaralin bago ka matuto. Syempre may proseso 'yan.

Halos bumagsak na kaya ang katawan ko dati ka eensayo matuto lamang. There's also times na umiyak ako, nahospital, at nawalan ng gana.

"Talaga? pero 'di ba member kana ng Assassination Group?" umiling agad ako sa sinabi n'ya.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now