Kabanata 10

11.4K 415 33
                                    

"Blythe? Bakit ba gan'yan ka kung kumain? nakakatamad ka namang tignan, eh." sinamaan ko ng tingin si Eurich at binitawan ang tinidor na hawak ko.

"Eh, ano naman?" inis kong sagot at inis na tumayo.

Hanggang ngayon kase iniisip ko pa din kung saan ako hahanap ng ihaharap sa mga hari.

Nai-stress na ako.

Pa alis na sana ako sa cafeteria nang may babaeng dumating kaya napatigil ako sa pag lakad.

Sobrang seryoso ng mukha niya at para s'yang may susugudin dahil sa inia-asta nito. Hawak rin n'ya ang isang espada.

Nag tayuan ang mga estudyante at nag bigay galang. Tumigil naman 'yung babae at tinignan kaming lahat.

"NASAAN SI THADDEUS?!" biglang sigaw nito na tila galit na galit. Mukhang malaki ang galit nito kay Thaddeus, ah.

"ILABAS N'YO 'YANG HARI N'YO!" sigaw ulit nito. Napa taas ang kilay ko at pinag masdan s'ya.

Mukhang may maihaharap na ako sa mga hari.

Galit na galit s'ya kay Thaddeus at bigla kong naisip na p'wede ko s'yang gamitin.

Halos mag kasing-katawan lamang kami at mag kasing-tangkad rin.

P'wede ko s'yang gamitin at sabihin sa mga hari na s'ya ang nang himasok sa palasyo, since galit na galit s'ya kay Thaddeus.

Mabuti na lamang at mabilis ako mag isip. Sa kan'ya ko ipapasa ang ginawa ko dahil kailangan ko din ng mag sa-sakripisyo para sa plano ko.

Sigurado naman ako na mamamatay rin ang reynang iyan dahil alam kong tina-target rin s'ya ng mga hari.

Tulad ng sabi ko sa inyo noong nakaraan, s'ya ang queen of battle pero hindi namin kilala ang isa't isa.

Bigla namang dating ni Thaddeus at Lexus kaya nag atrasan ang mga estudyante.

"F*CK YOU! THADDEUS! WHY DID YOU KILLED MY BESTFRIEND?!" sigaw na naman ng queen of battle sabay sugod kay Thaddeus.

Kalmado lamang si Thaddeus habang naka pamulsa pero may pag tataka pa din naman sa mukha nito.

Inespada ng reyna si Thaddeus pero agad namang naka ilag ang lalaking 'to.

Pilit nitong pinapatamaan si Thaddeus ng espada pero hindi niya magawa.

"Blythe? Pigilan mo s'ya! baka kung anong gawin n'ya kay Thaddeus!" biglang lapit ni Eurich sa akin pero hindi ko s'ya nilingon.

"What are you doing?" inis nang tanong ni Thaddeus at pinigilan nito ang reyna sabay tulak dito.

"Bakit mo pinatay ang kaibigan ko?" tanong nito at nag ka salubong naman ang kilay nila Lexus.

"What? Ano bang sinasabi mo?" takang tanong ni Thaddeus.

Bigla namang nilibot ng reyna ang paningin n'ya at sa akin nabaling ito.

"Hindi ba't s'ya ang kumalaban sa queen of all na pinatay mo, Thaddeus? 'Yung sinaksak mo nalang bigla!" saad nito habang naka turo ang daliri sa akin.

So, kaibigan n'ya 'yung pekeng reyna na nakalaban ko doon?

"So, what? she deserves it."sagot ni Thaddeus.

"Why did you kill her, huh?" inis na namang tanong ng reyna.

"Because she's a queen! and don't worry dahil isusunod kita sa kan'ya!" mapang asar na sagot ni Thaddeus na mas ikinainis ng queen of battle.

"She's not a queen! she's a fake queen! Hindi s'ya ang totoong reyna!" napa lunok ako sa isinunod nitong sabihin.

Pero nakaka hinga pa naman ako nang maluwag dahil alam ko naman na hindi n'ya ako kilala o makikilala bilang isang queen of all.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now