Kabanata 11

10.9K 407 28
                                    

Pumwesto na kami sa gitna at tinignan ko naman si Hershey na mukhang ayaw pumalag.

Tanging espada lamang ang hawak namin pero may baril sa gilid. Nanonood lamang rin si Lexus sa amin.

Bigla namang dating ni Thaddeus para manood rin.

Noong nakita ni Hershey si Thaddeus sumama ang tingin nito, bigla ding lingon nito sa akin sabay sugod.

Nag espadahan kami at sobrang bilis rin ng kilos namin dahil parehas kaming may galit na nararamdaman.

Sinipa ko siya palayo sa akin nang magkaroon ako ng pagka-kataon at agad rin naman siyang tumayo.

Muli niya akong sinugod. Ini-ikot ko ang katawan ko nang muntik na niya akong mahiwaan.

Hinawakan ko ang kamay niyang may hawak na espada at itinutok sa leeg n'ya ang espada ko.

Natulala siya at napa lunok at tinignan n'ya ako sa mata.

"As I expected, alam kong hindi ko kayang pantayan ang galing mo sa pakiki pag laban...'wag mo sana akog patayin," mahinang pakiusap nito na tanging ako lamang ang nakakarinig.

Medyo nag taka lamang ako nang kaunti sa una n'yang sinabi.

"hindi mo naiintindihan 'yung sakit at galit na nararamdaman ko." dugtong pa nito.

Natitigan kopa s'ya at parang napaisip pa ako ng puwedeng gawin.

Nag tataka na sila Thaddeus at Lexus sa'ming dalawa.

"Pinatay nila ang kaibigan ko, at sya nalang ang meron ako kaya hindi mo'ko naiintindihan." biglang sumeryoso ang mukha nito at bigla ko ding naalala si Luna.

"'Wag kang mag tiwala kay Lexus, hindi s'ya tumutupad sa usapan." ngumisi siya at kumawala.

Napatigil ako saglit dahil sa sinabi niya. Tinignan ko s'ya at binitawan ko ang espadang hawak ko. Binitawan rin n'ya 'yung kan'ya.

Sinimulan ulit n'ya akong sugudin at sa pagkakataong ito, tanging mga kamao at paa lamang ang gamit namin pang laban.

Hinigit ko ang buhok n'ya palapit sa akin nang makakuha ako ng pagkakataon at inilapit ko ang labi ko sa tainga n'ya.

"Patayin mo si Thaddeus." bulong ko dito.

"Ikaw kay Lexus." bulong naman niya. Nagka salubong ang mata namin na parang nag kakasundo kami.

Sabay naming kinuha ang baril namin at agad itong ipinutok sa dalawang hari.

Pero pag harap namin wala na sila. Agad nag dikit ang likod namin ni Hershey at nilakasan ang pakiramdam.

I'm sure naandito lamang sila. Mukhang napansin nila ang kilos namin ni Hershey.

Ipinutok namin yung baril namin sa paligid pero wala namang natatamaan. Sinunod sunod namin yung putok hanggang sa maubos ang mga bala kaya muli naming kinuha ang espada namin at inihanda ang mga sarili namin dahil alam naming kumikilos na ang dalawang hari.

"The two kings wanted to join in the fight." saad ng announcer.

Biglang sulpot ng dalawang hari sa amin kaya agad kaming kumilos.

Si Thaddeus ang nasa harap ko at si Lexus naman ang nasa harap ni Hershey.

Nagka hiwalay rin kami at nag espadahan kami ni Thaddeus.

Habang mabilis itong ginagawa, wala pa ding nasusugatan sa amin.

Napapa atras na si Thaddeus dahil sa bilis ng galaw ko. Galit na galit na kase ako kaya sobrang bilis na ng galaw ko at nilalakasan kona ang puwersa ko para hindi siya maka palag.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now