13

10.2K 401 22
                                    

Natahimik ako dahil sa inamin ni Lexus. Umiwas s'ya ng tingin at tinalikuran kami.

Hindi pa din ako makapaniwala. Isa akong reyna pero wala akong alam tungkol sa kan'ya.

Hindi ko inaasahan na mas mataas pa pala ang posisyon n'ya kaysa sa akin at sa aming lahat.

P-paano s'ya napunta sa ganoong posisyon?

Kaya pala hindi s'ya magawang patayin ni Aisler kahit pa na king of all s'ya, at kaya din pala napansin kong hindi s'ya pinapatulan ni Thaddeus dahil sobrang taas pala ng hinahawakan n'yang posisyon.

Hindi pa din ako makapaniwala.

May bigla nang nag bato ng papel kay Thaddeus kaya kinuha n'ya ito at binuksan. "Truth or dare?" tanong dito.

"Dare." sagot ni Thaddeus. Natakot na 'ata s'yang mag truth dahil baka mabunyag ang sikreto n'ya.

"Suck Blythe's neck and leave a mark on it." utos sa kan'ya na ikinagulat namin. Kumunot ang noo ko at inis na tinignan si Thaddeus.

Si Thaddeus naman ay tila nag dadalawang isip na parang nandidiri na ewan. Maarte nga pala s'ya baka kaya gan'yan na lamang ang utos sa kan'ya.

Sana nga hindi n'ya gawin ang dare para mamatay nalang s'ya.

"You don't have choice." usap ni Aisler. Si Eurich naman halatang naiinis sa nag uutos at napapatingin sa akin at kay Thaddeus.

"Tss, do I really need to do this?" reklamo nito.

"You only have 30 seconds to do that." usap naman ni Lexus.

Dahan-dahan napa lapit sa akin si Thaddeus at tini-tignan ako ng nakakainis.

"I don't have choice, h'wag kang assuming." usap pa n'ya at mapang asar ko naman s'yang nginitian.

"What if tumanggi ako?" mapang asar kong suhesyon at napa ngisi naman ito. "Shut up! mamamatay ako kapag ginawa mo'yon." usap n'ya.

Ilalapit na sana ni Thaddeus ang mukha niya nang umiwas ako agad.

"Do we really need to do this?" reklamo kong tanong rito.

Napa tingin ako kay Eurich na tila hinihintay ang mangyayari para matapos na ang laro. Napa buntong hininga ako at pumayag na lamang sa utos kay Thaddeus para kay Eurich.

Alam kong kamumuhian n'ya ako kapag pinatay ko 'tong lalaking 'to. Kita ko kase sa mata niya ang pag mamakaawa na hayaan kong gawin ni Thaddeus and utos sa kan'ya.

Dahan-dahan nang inilalapit ni Thaddeus ang mukha n'ya sa leeg ko at ako naman ay napapa lunok dahil sa ginagawa n'ya.

"Bilisan mo, ah!" may inis sa tono ko.

Kung bakit ba naman kase ganito ka walang hiya ang utos.

Nang mai-dikit ni Thaddeus and labi n'ya sa leeg ko ay bumilis ang tibok ng puso ko at tila gusto kong kumawala sa halik nito.

Umiwas ng tingin sila Eurich, Aisler at Lexus habang sinisipsip ni Thaddeus ang leeg ko.

The f*ck! bakit mukhang nag e-enjoy 'to? naka hawak s'ya sa mga braso ko habang itinutuloy ang ginagawa n'ya.

Naitulak ko s'ya palayo sa'kin at sinamaan s'ya ng tingin.

"Masyado kanang nag e-enjoy!" inis kong reklamo at pinunasan ang leeg ko.

"That's enough, may marka nanaman kaya p'wede na'yan." usap ni Aisler.

"You smell good, huh?" mapang asar na sabi ni Thaddeus at nagulat naman ako nang samaan s'ya ng tingin ni Aisler.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now