14

10.9K 402 23
                                    

"Kinakabahan ako, mag isa lang natin haharapin 'to?" usap ni Eurich at nilingon naman namin s'ya.

"Don't be so scared, it can lead you to death." sabi sa kan'ya ni Lexus at napa pikit naman s'ya nang madiin.

Nanginginig ang mga kamay niya kaya naman hinawakan ko'to.

"Kapag binigyan ako ng pagkakataong mapuntahan ka, gagawin ko." sabi ko na ikinangiti n'ya nang marahan.

"Blythe, kapag hindi ako nag tagumpay sa larong 'to, tandaan mong naging masaya ako noong nakilala kita. At salamat sa pag intindi sa'kin." saad nito na ikinakunot ng noo ko, "H'wag mo ngang sabihin 'yan, hindi ka mamamatay, noh!" inis ko at binitawan na s'ya.

"Don't be so dramatic, Eurich. Kapag pina iral mo ang kaduwagan mo ay talagang mamamatay ka." sabi ni Aisler.

Awtomatikong nag bukas ang pintuan sa mga tapat namin.

"Welcome to the third round of the game, this game is called " Choose or Die". You will choose one of the doors in front of you and after you entered the door, you will know what game you'll be playing. If you didn't enter the door after 1 minute, you will automatically die."

Napalunok ako. Hiwa-hiwalay nga kami at may kan'ya-kan'yang laro na papasukan. Pag pasok namin ay doon lamang namin malalaman kung anong laro ang naka takda sa'min.

"Tara na!" aya kona at pumasok na kami sa mga pinto. Nakita kong nag dadalawang isip pa si Eurich kaya naman lumabas ulit ako para lapitan s'ya.

"Eurich! pumasok kana bago mag 1 minute at baka mamatay kapa dito. " natatakot naman s'yang tumango bago pumasok.

Pumasok na din ako at nag sara na ang mga pintuan.

Hindi ko alam kung saang laro napunta sila Eurich, Aisler, Lexus at Thaddeus.

Pero ako, mukhang hindi ko magugustuhan ito. Nandito na ako ngayon at kaharap ang mga babaeng may kan'ya-kan'yang ginagawa. Kung pag babasehan ang dami nila, sa tingin ko ay nasa 50 kami.

Mukhang mga normal students lamang ang mga babae dito at ang iba ay bata pa.

"Welcome to this bloody room. This is the third round of the game. This game is called "Kill your comrades", you must kill each other and only ten must be left. If the remaining amount exceeds the amount after 15 minutes, you will all die. Goodluck!"

Nag simula nang matakot ang mga estudyante. Kahit ako ay napapalunok rito at medyo kinabahan.

Kailangan koba talagang pumatay ng madaming estudyante para mabuhay sa larong 'to?

Pero wala akong pag pipilian. Kung hindi ako papatay ay ako ang mamatay... at hindi p'wedeng mangyari 'yon dahil marami pa akong kailangan tapusin.

"The game is about to begin in 5... 4... 3... 2... 1."

Napa pikit ako nang madiin at napa lunok bago sumugod.

May sumugod agad na mga babae. Ang iba ay nag sabunutan at ang iba ay nag suntukan. May mga nag sisimula nang pumatay kaya naman sumunod na ako.

Sumugod na din ako at agad akong nanipa sa mukha at nanuntok. Wala kase akong gamit na kahit anong armas kaya medyo nahihirapan ako. Mukhang mapapatagal ang proseso ng pag patay ko.

Madami na ang nag tangkang sumugod sa'kin kaya hindi ko na sila pinalagpas.

Sinikmuraan ko ang unang sumugod sa'kin at sinipa ko naman palayo ang pangalawa. Siniko ko naman ang batok ng pangatlong sumugod sa'kin. Nasuntok ako sa mukha ng isa at nasipa ako palayo.

Sinugod ko s'ya at ginilitan ng leeg. May bigla namang humiwa sa mukha ko kaya agad akong napahawak rito. Nadaplisan lang ito kaya hindi ko nagantihan 'yung babae.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now