15

10.9K 416 28
                                    

Nag alisan na silang lahat. Hindi kami p'wedeng mag tago lang dito kaya naman kumuha ako ng bag at nag lagay ng mga pasabog dito. Marami kaseng naiwan na bomba dito.

Lumabas na kami at pum'westo na kaming lima.

Inihanda ko ang baril na hawak ko at inihanda nadin nila ang kanila. Madaming puno dito at medyo madilim lang.

May mga estudyanteng nag tatakbuhan at may nakita kaming mga zombie na umaatake.

"Hala, ang dami nila." takot ni Eurich at napa kapit kay Thaddeus.

Ipinalibot namin ang tingin namin at makikita sa paligid na sinusugod ang mga estudyante.

Tumakbo kami at may mga humabol naman sa aming zombies.

Nang makakita ng mapup'westuhan ay agad kaming umayos at doon pinatamaan ng bala sa ulo ang mga zombies. Medyo madilim kaya hindi namin masyado makita kung ilan ang pasugod.

Paputok lamang kami nang paputok dahil nga madilim. Mayroon ring mga estudyanteng namamaril, hindi lang kami.

Paatras kami nang paatras habang bumabaril. Binitawan ko saglit ang baril ko at kinuha ang bag ko. Balak ko kase mag hagis ng bomba.

Nag hagis ako doon sa part na madaming zombie at agad namang sumabog iyon.

"Ahhh!" tilian ng mga estudyante dito. Hindi na namin naisip kung may madamay dahil sobrang dilim talaga. Napaka hirap kumilos. Medyo may nakikita pa naman kami pero hindi ganoon kalinaw.

Ipinag patuloy namin ang pag papaputok hanggang sa maubusan kami ng bala.

"Wala na tayong bala. " usap ni Eurich. Nag labas nalang ako ng granada at ibinato doon sa mga zombie.

"Ilan ang dala mong gan'yan?" tanong ni Thaddeus.

"Tatlo lang." sagot ko.

"Akina 'yung isa." utos nito kaya inabot ko sa kan'ya.

Ibinato n'ya 'yon sa kabilang side tsaka kami kumaripas ng takbo.

Habang tumatakbo kami ay nadapa pa si Eurich. Agad naman namin s'yang pinatayo at nag patuloy sa pag takbo.

May mga zombies dito kaya naman pinatulan na namin.

Kinuha ko ang kutsilyo na isiniksik ko sa cycling ko kanina at isinaksak ito sa ulo ng zombie.

Nakikipag laban na din sila gamit ang mga armas na mayroon sila.

Sinipa ko palayo ang zombie na sumugod sa akin at nilapitan ko din agad ito at sinaksak sa noo ng kutsilyo. Madami-dami din ito.

May zombie na tumatakbo palapit sa akin at napaka bilis ng takbo nito. Nag loading ang utak ko dahil hindi ko alam kung anong gagawin lalo na't wala na akong armas at hindi sapat ang kutsilyo at lakas ko para malabanan s'ya.

Papalapit na s'ya, anong gagawin ko?

Nang papalapit na ito sa'kin ay nagulat ako nang si Lexus ang nakipag laban dito. Pinag susuntok n'ya ito sa mukha hanggang sa madurog ang mukha nito. Napaka lakas ng p'wersa n'ya.

Pero bakit n'ya ginawa 'yon? ang akala ko ba gusto n'ya akong patayin. Nag bago 'ata bigla ang isip n'ya, may iba na ba s'yang plano?

Ayoko nangang isipin 'yan at mag fo-focus na lang ulit ako sa pakikipag laban.

Nakipag laban lamang kami sa mga ito hanggang sa makakuha kami ng pagkakataong maka takbo.

Napatigil naman kami nang wala ng sumugod. Huminga muna kami bago tumakbo.

Habang tumatakbo kami ay nagulat ako nang biglang may humigit sa akin pataas ng puno.

"Ahh!" napa sigaw ako dahil sa gulat. Isang bitag, 'yan ang dahilan kung bakit ako nasa taas ngayon at naka bitin patiwarik.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now