16

9.9K 381 90
                                    

Nasa last round na kami. Wala kaming ideya kung ano ang gagawin sa huling round kaya medyo kinakabahan kami.

Nasa isang linya lamang kami at naka tayo at naka piring din ang mga mata.

"Welcome to this last round of the game. This game is called, "Tell your Secrets or you Die". All you need to do is to tell your three biggest secrets. Don't move and don't also remove your blindfolds if you don't want to die. Goodluck!"

Gusto ko mapaatras sa sinabi nito pero hindi ko magawa dahil bawal gumalaw.

"What if walang secrets?" may babaeng nag tanong. Hindi ko kilala ang boses at baka normal na estudyante lamang na naka abot dito.

"AHHH!" sigaw nito na medyo ikinagulat namin pero ginawa ko ang best ko para hindi makagalaw at mukhang ganoon rin sila Eurich. Mukhang pinatay 'yung babae dahil sa tanong nito at mukhang tinanggal rin n'ya ang blindfold n'ya.

Dito sa last round, napapaisip ako dahil mukhang may mapipitas sa'min rito. At kung meron man ay sana si Lexus nalang.

"Let's start the game!" sabi na nito kaya naman huminga ako nang malalim.

"Ms. Eurich Wright, tell your secrets!" panimula nito kay Eurich.

Rinig ko ang malalim na pag hinga nito at ang bilis mg tibok ng puso n'ya.

"I'm a Princess, I'm a traitor, I'm a member of Assassination group."

Kumunot ang noo ko at nag taka din. Alam kong isa s'yang prinsesa, pero ang hindi ko inaasahan ay isa pala s'yang member ng A.G. Pero anong tinutukoy n'ya sa sinasabi n'yang isa s'yang traydor?

"Mr. Lexus Vasquez, tell your secrets!" si Lexus na ang tinanong.

"I'm the king of all the gods, I killed my parents, and I also have a brother. " sagot agad ni Lexus.

Hindi ko alam na gan'yan kalala ang sikreto n'ya. Ang sabi n'ya hindi naman raw s'ya pumapatay ng inosente, pero bakit n'ya pinatay ang mga magulang n'ya?

"Mr. Thaddeus Sevastian, tell your secrets!" si Thaddeus na ang tinanong.

"I'm not a true king, I steal this position, and I killed the true king."sagot nito na ikinakunot ng noo ko. Obvious naman na mamamatay tao s'ya kaya hindi na ako magugulat sa sikreto n'ya.

"Mr. Aisler Fabian, tell your secrets!" si Aisler na ang tinanong.

"I like Blythe, I killed the queen of death, and Eurich is my half sister."

Nanlaki ang mata ko at mabilis na tumibok ang puso ko. Hindi ko inaasahan 'to. Bigla akong nanginig sa galit. Awtomatikong tumulo ang luha ko at napa yuko ako dahil dito.

Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko ngayon.

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at hinintay na tawagin ang pangalan ko kahit pa na tumutulo ang luha ko.

Kailangan ko lamang mag tiis ng ilang minuto upang harapin si Aisler.

"Ms. Blythe Powell, tell your secrets!"
sumeryoso ang mukha ko at huminga nang malalim bago sumagot,

"I'm a queen of all and Luna is my sister. I'm just pretending as a normal student." agad kong sagot. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko at kino-kontrol ang emosyon ko.

Pero mukhang hindi kona kaya.

"Nice game! you can now remove your blindfold and fight each other." pagkasabi n'yan, agad kong tinanggal ang blindfold ko at agad nilapitan si Aisler upang suntukin sa mukha.

"Hayop ka! IKAW ANG PUMATAY SA KAPATID KO?!" nag pipigil ang luha ko habang galit na sumisigaw sa harap n'ya. Tanging galit at pagka dismaya ang naramdaman ko.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now