23

9.8K 350 14
                                    

Balak namin sugudin ang leader ng grupo nila. Masyadong madaming bala ang lumalabas mula sa mga armas nila kaya naman hindi kami nag madali. Nag tago kami sandali sa pader habang hinihintay ang pag ubos ng mga bala nila.

Itinutok ko ang baril ko sa leader nila ang kaso hindi ko maiputok dahil napaka gulo n'ya at galaw s'ya nang galaw. Pinutok kodin ang bala ko at tumama naman ito sa bandang dibdib n'ya.

"Nice." rinig ko mula kay Thaddeus pero hindi ko iyon pinansin.

"Hindi kana dapat sumugod," rinig ko naman kay Aisler habang bumabaril din ito.

"Responsibilidad ko'to." mahina kong sagot pero sapat lang para marinig nila.

Balak lang namin pauntiin ang estudyante tsaka kami susugod nang harapan sa kanila.

Maya-maya lamang, nang ma-ubos ang bala ng mga hawak namin ay kinuha ko naman ang dalawang baril na nasa hita ko at kinasa ito.
Nag takip ako ng face mask tsaka ako sumenyas kela Aisler na sumugod na kami.

"Game!" ani Thaddeus at nag madali kaming sumugod at hawak ko ang dalawang baril at pinaputok iyon sa mga dumadaan na siyang nag babalak sumugod sa'min.

Puro putok ng baril ang maririnig ninyo at mga pasabog. Iniiwasan na lamang namin ang mga bala.

Sinugod namin ang maraming estudyante at tinadtad ng bala. Kaunti nalang naman sila kaya mabilis silang naubos. Wala na kaming mapag pilian dahil kung hindi ang estudyante nila ang papatayin namin, estudyante naman namin ang papatayin nila.

Tumayo kaming apat nila Aisler, Thaddeus, at Lexus sa tapat ng mga Assassins ng B.U. at sinamaan namin sila ng tingin na siyang ikina-atras nila.

"Alam n'yo ba kung anong ginagawa n'yo?," inis kong tanong habang naka tutok ang baril namin sa mga mukha nila.

"Inubos n'yo lang ang estudyante n'yo." dugtong kopa.

"We don't care, tho. And who are you to act like that?!" pasigang tanong nito kaya nginisian ko s'ya at agad pinaputukan ng bala sa dibdib na siyang ikinagulat ng marami.

"Go away and never come back again!" utos ni Thaddeus.

Kung titignan, madami pa naman sila pero tumigil lamang sila sa pamamaril nang makita kami.

"Who killed our queen?" inis na tanong ng isa.

"Si Thaddeus, s'ya ang pumatay kay Hershey." sagot ko na siyang ikinakunot ng noo nito.

"Of course I'm not. F*cking stupid!" rinig kong ani Thaddeus na ikinangisi ko nang marahan.

Dahan-dahan nila kaming nilapitan habang dala-dala ang mahahaba nilang espada.

Inilabas din nila Aisler ang espada nila at itinapat din ito sa kanila. Habang ako naman ay itinututok lang ang dalawa kong baril.

"Umalis kana." utos ni Lexus sa'kin. Tinignan din ako ni Aisler at tila gusto nadin akong paalisin.

"Teka lang!" sambit ko at pinaputukan ko muna ng bala ang mga kalaban bago tumakbo palayo at nag espadahan nadin sila Aisler nang iwan ko sila.

Kumuha lang ako ng espada sandali sa mga gamit ko at bumalik sa laban. 'Tulad ng sabi ko kanina, hindi ko kayang manood lamang at tumunganga.

Nakita ko namang nainis sila Lexus sa katigasan ng ulo ko pero hindi kona iyon pinansin at tinulungan nalang silang makipag laban.

Habang nakikipag laban ay
bigla namang sulpot ni Venus at tinulungan kaming makipag laban kaya nag taka ako.

Sinaksak ko ang sumugod sa'kin at agad din pinaputukan ng bala ang sumunod.

May sari-sarili kaming nilalabanan at halos magkakalayo nadin kami dahil malaki ang puwesto dito.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now