27

9.4K 341 37
                                    

Pabalik na kami sa school kaya inihanda kona ang gamit ko. Mabuti nalang at hindi ganoon kalala ang nangyari sa hita ko kaya kahit papaano  nailalakad ko pa s'ya.

"Blythe!" rinig ko mula sa labas ng pintuan ko kaya naman binuksan ko 'yon at si Eurich naman ang bumungad dito.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit hindi mo sinabi sa'kin ang nangyari kagabi?"

Napairap ako at napa buntong hininga, "Bakit ko naman sasabihin sa'yo? Tsaka 'yang bestfriend mo ang may gawa nito."

Namuo ang pagtataka n'ya sa mukha, "Sinong bestfriend? E, ikaw lang naman ang kaibigan ko."

"Si Venus. Tinorture n'ya 'ko kagabi. Psycho ang babaeng 'yon, nawawala sa pag iisip. 'Di ko naman alam na ganoon s'ya kapikon sa'kin para gawin n'ya 'yon"

Nagulat s'ya sa sinabi ko at napatingin sa sugat ko. "Kamusta ka ngayon? Ayos kalang ba? Tsaka paano ka makakabalik sa school kung ang laki ng sugat mo? At sino din gumamot sa sugat mo?"

Ang dami n'yang tanong, ang lakas pa ng bunganga.

"Ang ingay mo. Okay lang ako tsaka ako lang ang gumamot sa sugat ko. Umalis kana nga, susunod nalang ako."

Isinara kona ang pinto at ipinag patuloy ang pag aayos ng gamit ko.

Tinawagan ko si Dad kanina at sabi ko pasikreto n'ya akong ipasundo mamaya 'pag nakababa ako ng barko.

Kapag kasi sa school ako nag pasundo hindi ko alam kung paano lalabas dahil napaka daming bantay doon. Tsaka hindi ko din kaya lumakad mamaya nang malayo kaya kailangan ko talagang mag pasundo at sa palasyo ang deretso ko.

***

Nang makababa kami ng barko ay nag lakad na kami. Iika-ika akong nag lakad habang bitbit ang maleta ko.

Masasaya ang mga estudyante at mga nag kwekwentuhan habang nag lalakad. Mukhang nag eenjoy naman sila dahil masaya ang naging experience nila sa barko. Ang energetic din nila.

Nakita namin ang pag dadatingan ng kotse ng mga hari at nakita ko naman ang pag sakay ni Aisler sa kotse n'ya. Si Thaddeus ay nilapitan si Eurich at mukhang balak n'ya ito isama.

Bigla kong naalala ang ginawa ni Thaddeus kagabi. 'Yung pag pasok n'ya sa c.r kasama ang lalaking nambastos sa'kin at hindi ko alam kung anong ginawa n'ya do'n.

"Blythe! Kaya mo ba mag lakad? Sumama kana kaya sa'min?" tanong ni Eurich at agad naman akong tumanggi.

"Kaya ko, mauna na kayo." sagot kolang at medyo nalungkot pa ang mukha n'ya. Hindi naman ako pwede sumabay sa kan'ya dahil hindi naman sa school ang deretso ko.

"Thaddeus?" tawag ko kay Thaddeus at tumaas pa ang kilay nito, "Anong ginawa mo dun sa lalaking nambastos sa'kin? Tsaka bakit mo ginawa 'yon?" deretsahan kong tanong.

"Lexus ordered me to do that. Tsaka hindi ko naman pinatay 'yung lalaki, binugbog kolang." medyo natatawa n'yang sagot at inakbayan na si Eurich.

"Una na kami, Blythe. Ingat ka, ah! Ayaw mo pa kasi sumabay sa'min." paalam ni Eurich pero peke ko lang s'yang nginitian, "Mauna nanga kayo, kaya ko ang sarili ko." sambit ko at nauna na sila.

Naging palaisipan sa'kin ang sagot ni Thaddeus kanina. Hindi ako pinapansin ni Lexus kahapon pero hindi ko inasahan na pinapanood pala n'ya ang mga kilos ko. Kaya siguro nalaman din n'ya ang ginawa ni Venus sa'kin.

Nakita ko naman ngayon si Venus na nakaupo sa isang wheelchair at inaalalayan upang makasakay ng kotse at tinignan ako nang masama kaya tinaasan ko s'ya ng kilay.

Pa gan'yan-gan'yan pa s'ya ang pangit naman n'ya kapag walang make-up.

"Blythe." tawag ni Lexus mula sa likod ko at medyo nabigla naman ako nang bitbitin n'ya ang luggage ko.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now