32

8.7K 304 25
                                    

8:36 PM [Wednesday]

"Tuloy na ba talaga ang parusa mo bukas?" malungkot, nakatingin sa malayo, at walang ganang tanong ni Eurich sa akin habang tinatanaw namin ang labas ng school mula dito sa aking bintana.

"Hindi ko alam, wala akong idea." maikli kong sagot at tinignan naman n'ya ako, "Paano kung tuloy?"

Kanina pa malungkot ang tono ng pananalita n'ya at ngayon ko lamang s'ya nakita na walang gana at enerhiya. Humina din ang boses n'ya.

"Huwag ka masyadong mag isip d'yan, alam kong hindi mangyayari 'yon." saad ko at pilit pinapagaan ang loob n'ya.

"Sana nga. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka, Blythe. Hindi ko talaga alam."

Huminga ako nang malalim at tinignan na lamang din ang tinatanaw n'ya.

Habang tahimik na nakatingin sa paligid ay may biglaan namang kumatok sa pintuan ko. Ang lakas din ng pagkaka-katok nito kaya agad ko itong binuksan at bumungad naman ang ilang member ng A.G.

"Sumama ka sa'min, pinapatawag ka ng headmaster." usap ni Zion at kumunot naman ang noo ko, "Bakit daw?"

Nagkatinginan pa sila bago ako sagutin, "Ipinapakuha ka n'ya sa 'min at dalhin ka daw namin sa kulungan."

Medyo napa-atras ako at napahawak naman si Eurich sa kamay ko, "Bakit? Bakit dadalhin sa kulungan?" nag aalalang tanong ni Eurich sa kanila, "Bukas kasi s'ya naka takdang ibitay kaya kailangan muna namin s'yang ikulong upang masiguro na hindi s'ya makakatakas." sagot nung isa at agad naman akong napangisi,

"Sa tingin mo ba makakatakas ako sa school na 'to? Bakit kailangan pa akong ikulong kung kaya ko namang mag kusa?" inis ko at inilabas lamang nila ang posas.

Agad nila akong nilapitan at hinawakan nito. Hindi ako pumayag pero makukulit sila at tila ipinipilit na iposas ako.

"Ano ba! Bitawan n'yo nga s'ya!" pag pilit ni Eurich at pilit ding inilalayo sa akin ang tatlong lalaki na ito.

"Bitawan n'yo 'ko sabi!" itinulak ko sila palayo at sinuntok ang mga mukha nito. Ginantihan ako ng suntok nung isa kaya naman nilapitan din sila ni Eurich upang iganti ako.

"Umalis na kayo!" galit n'ya at hindi naman mga nakinig 'to dahil muli akong nilapitan kaya naman hindi ko na sila pinalagpas.

"Ayoko ngang sumama nakakaintindi ba kayo?" galit na'ko at pinag susugod silang tatlo at pinag sisipa palayo sa'kin.

Nang matumba sila ay agad akong tumakbo palabas upang pumunta kay Ms. Tuazon at kay Mr. Lupin.

Bwis*t! Tama ba 'tong ginagawa nila? Mukha bang may kakayahan pa akong tumakas ngayon, eh halos lahat ng palibot ng school ay may bantay at walang takas.

Nag papatawa ba sila? Balak pa nila akong gawing aso. Bwisit na Valerina at Lupin 'yan! Kapag talaga nakita ko ang babaeng 'yon ay sasakalin ko s'ya.

Tila hindi yata s'ya naniniwalang reyna ang kinakalaban n'ya. Parang kahapon lang ay takot na takot s'ya pero ngayon ay may nakapag pabago yata ng isip n'ya.

Nang makapasok ako sa office ni Ms. Tuazon ay agad ko s'yang nakitang nag kakape kaya nilapitan ko s'ya at agad sinakal ang leeg niya.

Mabilis ko s'yang isinandal sa pader habang hawak ang leeg n'ya at tinignan s'ya nang masama.

"Bwisit ka! Ipinapangako ko talagang ikaw ang mabibitay bukas at hindi ako! Ang kapal ng mukha n'yong ipakulong ako! Wala kayong kahit anong ebidensya na pinatay ko si Venus at ang mga kasalanang nagawa ko dati ay napag bayaran kona sa Bloody Game kaya para saan ang parusang gusto n'yong ipataw sa'kin?! Mga asong sunod-sunuran sa hari! Mga wala kayong kuwenta!" sigaw ko at ito naman ay takot na takot ang mukha at tila hindi na makahinga.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now