38

8.5K 296 48
                                    

Nang makarating ako sa kuwarto ni Aisler ay binuksan n'ya ang pinto at nagulat naman ako nang mabilis n'ya akong higitin papunta sa loob at agad yakapin.

Nagulat din ako nang pupugin n'ya ng halik ang mukha ko kaya naitulak ko s'ya palayo sa'kin.

Baliw ba 'to? Kung si Lexus sana ang gumawa nito ay papayag ako pero si Aisler? Tsk!

"Ano ba! Ano bang ginagawa mo?!"

Muli n'ya akong hinigit at niyakap pero pilit ko s'yang itinulak palayo sa'kin.

"Layuan mo nga ako! Tsaka nasaan si Eurich?!" inis ko at tila disappointed s'ya,

"I miss you, Blythe."

Hindi ko pinansin ang sinabi n'ya dahil kay Eurich natuon ang pansin ko,

Nakita ko ito na nakaupo, umiiyak at nakayuko kaya nilapitan ko s'ya at sumunod naman si Aisler. Dahan-dahan iniangat ni Eurich ang ulo n'ya upang tignan ako, "I'm sorry, Blythe. Hindi totoong nasa panganib ang buhay ko, ginamit n'ya lang ako para mapapunta ka dito." umiiyak nitong saad at inis naman akong tumingin kay Aisler,

"Bwisit ka! Ano nanaman bang gusto mo?!" inis ko't nilapitan si Eurich at hinigit ang kamay n'ya para sana umalis na pero binawi n'ya 'to,

Ano bang gusto n'yang mangyari? Nahihibang naba s'ya?

"Blythe, I'm sorry." sabi n'ya at kumaripas ng takbo palabas at iniwan kami ni Aisler dito.

Ang gagang 'yon!

Agad n'yang isinara ang pinto kaya lumapit ako doon, "Buksan mo 'to, Eurich!" sigaw ko pero 'di n'ya ako sinunod,

"Shh! just let her go. Come here and let's enjoy this night." usap ni Aisler at mabilis ko naman s'yang nilapitan,

"Punyeta ka! Ginamit mopa talaga si Eurich!...Bakit ba ginugulo mo nanaman ako?! Hindi mo ba alam kung gaano kalaki ang galit ko sa'yo?! Bakit mo ba ginagawa 'to?!" gigil ko pero seryoso lamang ang mukha n'ya.

Hinawakan n'ya ang kamay ko at tila dadalhin sa kung saan,

"Bitawan mo nga ako! Saan mo ba'ko dadalhin, bwisit ka!" sambit ko at binawi ang kamay ko.

Kinuha n'ya ulit 'to at binuhat ako papunta sa kung saan,

"Ano ba! Ibaba mo'ko dito, Aisler! Bitawan mo'ko! Lagot ka talaga sa'kin kapag nakababa ako dito!" gigil ko at pilit ibinababa ang sarili ko pero hindi ko magawa dahil sa lakas ng puwersa niya.

Hays! Ang hayop na 'to, paano ko kaya s'ya matatakasan?

Dinala n'ya ako sa kama at agad inihiga. Tatayo pa sana ako nang tapatan n'ya ako ng baril.

"Don't move!" mahina pero may pag didiin sa utos n'ya. Nginisian ko s'ya at mabilis sinipa ang kamay n'ya kaya tumalsik 'yung baril.

Nang tumalsik 'yon ay agad ko din pinulot upang itutok sa kan'ya,

"Palabasin mo'ko dito kung ayaw mong iputok ko 'to sa ulo mo!" sambit ko pero nginisian n'ya lamang ako.

"Just do it." sagot n'ya at tumalikod lamang upang kunin ang isang bagay sa drawer n'ya.

Bakit parang wala s'yang pake kung iputok ko 'to sa kan'ya? Sira naba s'ya?

Humarap s'ya sa'kin at itinaas and injection na hawak n'ya.

Dahan-dahan s'yang lumapit sa'kin kaya talagang itinutok kolang sa kan'ya 'tong baril.

"'Wag kang lalapit! Ipuputok ko talaga 'to! Hindi ako nag bibiro!" inis ko pero patuloy s'ya sa pag lapit kaya napilitan akong iputok ang baril pero nagulat ako nang walang balang lumabas.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now