42

9.4K 301 79
                                    

"Bullsh*t! He ruined everything! sayang ang mga plano ko!" napasipa si Khairo sa kung saan at agad ding naupo sa kama.

Kumuha lang ako ng tubig sa ref habang nakatingin sa kan'ya, "Nangyari na, wala kanang magagawa. Hayaan mona, may iba pa naman sigurong paraan."

Mariin siyang napapikit habang nag pipigil ang mga kamao. "Hays! Bwisit talaga! Hindi ko matanggap na hindi ako ang nakapatay kay Thaddeus. Hindi talaga! Nag sisimula palang ako tinapos agad ni Lexus! Bwisit talaga 'yang boyfriend mo, Lucy!" inis pa din n'ya kaya napairap ako't ipinatong ang tubig sa lamesa.

"Kumalma kanga! Wala nanga tayong magagawa 'di ba?!" inis ko din na ikinatayo n'ya. Medyo nagulat naman ako sa iniasta n'ya.

"Paano ako kakalma, Lucy? 'Yang boyfriend mo pinangunahan ako! Ang dami kopang dapat malaman kay Thaddeus, ang dami kopang gustong itanong! Ang dami kopang gustong bawiin! Pero anong gagawin ko ngayong wala na s'ya? Paano ko pa magagawang alamin lahat kung patay na s'ya?!"

Sinisigawan ba n'ya ako? Hindi tuloy ako makapag salita.

"F*ck! Bwisit! Bwisit talaga!" dugtong pa nito,

"Sino bang mas mahalaga sa'yo? Ako o si Thaddeus?" marahan kong tanong dahil hindi ko inasahan ang iaasta n'ya.

"Ang non sense ng tanong mo, Lucy! May matutulong ba 'yan?!"

Bakit ba galit na galit s'ya?

"Bakit ba masyado kang galit? May iba pa namang paraan para malaman mo 'yung mga gusto mong malaman."

Mariin s'yang napapikit at alam kong sasagutin na naman n'ya ako sa hindi nakakatuwang paraan,

"You know what? Hindi mo naiintindihan! Hindi mo naiintindihan dahil kapatid molang 'yung nawala sa'yo pero sa'kin parents ko! Parents ko, Lucy! At hanggang ngayon hindi ko alam kung nasaan ang mga bangkay nila o kung saan sila nilibing! I don't even know kung paano sila pinatay! At kay Thaddeus kolang malalaman 'yon dahil nandoon s'ya noong nangyari 'yon! Pero paano na ngayong wala na s'ya?!"

"Puwede ba 'wag mo'kong pagtaasan ng boses?! Naiintindihan ko! Naiintindihan kita! At gusto kong maintindihan mo din na hindi basta lang 'yung namatay sa'kin! Hindi basta lang ang kapatid ko! Naiintindihan ko naman ang pinag dadaanan mo, Khairo! Pero masisisi mo ba si Lexus kung mas pinili n'yang patayin si Thaddeus kaysa ako ang mamatay?!"

Nabigla s'ya sa sinabi ko at medyo hindi pa maliwanagan.

"Oo! Ako dapat ang papatayin ni Thaddeus! Kung napagtagumpayan n'ya akong patayin do you think nasa harap mo ako ngayon! Wala! Kaya pinapapili kita kung sinong mas mahalaga sa'yo! Naiintindihan mo ba?!" pagtataas ko din ng boses at nagulat naman s'ya.

Napahawak s'ya sa ulo n'ya at naupo. "F*ck!"

"Minsan kasi aalamin mo muna kung ano ang totoong nangyari bago ka mag padala sa galit mo! Pati ako dinadamay mo! Nagagawa mo na akong pagtaasan ng boses! Tama ba 'yon, Khairo?! 'Di ba dapat kinausap mo'ko nang maayos?!"

"Okay, fine. I'm sorry." usap n'ya kaya napairap ako't kumuha nalang ng icebag para mailagay ko sa sugat n'ya.

Ewan ko ba kung saan nanggaling ang sugat n'ya. Lumabas lang s'ya saglit 'pag balik n'ya basang-basa at puro na din s'ya sugat katulad ni Lexus.

Ay, teka! Nasaan pala si Lexus? May sugat din s'ya. Okay lang kaya s'ya?

Inis kong iniabot kay Khairo 'yung icebag at agad naman n'ya itong idinikit sa sugat n'ya sa mukha.

"Aalis na'ko, bahala ka d'yan!" medyo may inis pa sa tono ko dahil nag tampo yata ako dahil sa tono ng pananalita n'ya kanina.

"Saan ka pupunta?"

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now