44

10.6K 273 76
                                    


"Lucy, listen to me. I know you can handle yourself. But, I want you to choose. Are you coming with me or are you going to Eurich?"

Kumunot ang noo ko at nagtaka dahil sa biglaan n'yang tanong.

"Saan ka pupunta?"

"I just need to do something. It's important, really important. That's why I want you to choose. I also don't have enought time to deal with this sh*t."

Paano ako sasagot? Gusto kong puntahan si Eurich at gusto ko din s'yang samahan at the same time. Para pati s'yang nagmamadali kaya medyo nakaka pressure.

"Okay, puntahan ko si Eurich at puntahan mo nalang ang kailangan mong puntahan." sagot kolang.

"Good. Aisler isn't there that's why it wouldn't be hard for you. By the way, Khairo is on his way, sasamahan ka n'ya. Lucy, I trust you, I really do. Just don't make impulsive decision, okay? you know what I mean."

Tumango lamang ako.

"I need to go. I'm sorry, I really need to go. I love you." nag mamadali nitong usap at hinalikan ang noo ko bago mag madaling umalis.

Hindi na ako nag salita dahil mukhang emergency talaga. Hindi na din ako nag tanong dahil nag mamadali na s'ya.

Akala ko naman sabay kaming aalis. Bigla nalang kasing may tumawag sa kan'ya at bigla nalang s'ya nag madali. 'Di manlang n'ya sinabi ang dahilan.

Oh! Nandito na pala si Khairo. Nagkasalubong lang sila ni Lexus.

"Blythe!"

Agad akong niyakap nito pero ang tingin ko ay naka focus kay Lexus na papasakay ng kotse n'ya. Himala! 'Di yata s'ya nakatingin? Mukhang importante talaga ang gagawin n'ya.

"Are you okay? Ayos kalang ba?"

"Tinagalog molang e."

Niyakap n'ya ulit ako.

"Siraulo ka! Akala ko naman ipinag damot kana ni Lexus sa'kin."

Medyo inilayo ko s'ya sa'kin mula sa pagkakayakap n'ya. Makayakap kasi 'to dinaig pa si Lexus.

"Ang higpit mo yumakap, nakakairita ka!" sambit ko at natawa naman ito,

"Iss, arte! Dami nangangarap na mayakap ko sila tapos ikaw tinataboy molang ako? Asim talaga ng ugali nito!"

Peke kolang s'yang nginitian at nag lakad na patungo sa kotseng dala n'ya.

"Teka lang 'yung gamit mo!"

Pumasok na'ko at sinundan naman n'ya.

"Hays! Gustong-gusto kona kamustahin ang lagay ni Eurich. Ayos lang ba s'ya ngayon? Wala kabang balita sa kan'ya?"

Nag start na s'yang mag drive bago pa sumagot, "Patay na si Thaddeus kaya ano pang ine-expect mo kay Eurich?"

Napairap ako, "Wala naman akong pakaelam kay Thaddeus, kay Eurich ako nag aalala. Alam mo namang kahit mahirap tanggapin 'yung nalaman ko tungkol kay Eurich e mahal na mahal kopa din ang babaeng 'yon. Wala kaba talagang balita sa kan'ya?"

"Wala. Pero ang alam ko ay hindi magkasama si Eurich at Aisler ngayon kaya puwede mo s'ya mapuntahan. Tsaka 'wag ka mag alala, nag padala si Lexus ng mga poprotekta sa'yo doon sa palasyo. So, we're very sure that you'll be safe there."

Hindi na'ko sumagot at naisandal na lamang ang ulo ko sa upuan at napa buntong hininga.

Gusto kona makita si Eurich, nag aalala talaga ako sa kalagayan n'ya. Mahal na mahal n'ya si Thaddeus kaya sigurado ako na sobrang sakit nito para sa kan'ya.

ASSASSINATION SCHOOL: School Series #1Where stories live. Discover now