From "k" to "okay!" (One Shot)

30 1 0
                                    

"K."

Ang tanging reply niya. Ito na yata ang pinaka grabe, nuknukan, saksakan at ubod ng harsh na sagot na matatanggap mo sa isang babaeng naghihimutok lalo na kung manggagaling pa sa mahal mo. Sa isang letra marami ng lalake ang kakabahan kapag ganyan ang mababasa nila.

Message received: Palagi ka na lang ganyan ! Simpleng pagkuha lang ng litrato di mo pa magawa ! Bagong taon na hindi ka pa rin nagbabago ! Punyeta !

Love... Baby... sorry na nagkataon lang na gutom na gutom na talaga ko kaya nakalimutan ko na magpicture. Sorry na pls :( . Ang mabilis kong reply.

Message received: Alam mo naman LDR tayo pati pagkuha lang ng picture kinakaligtaan mo pa nakakainis ka na paulit-ulit na lang nakakasawa na! Fuck this rela.!

Hindi na nga love mauulit eh :( eto na po puro selfie pics ko send ko na sayo.

Message received: "K"

kahit anong lambing o suyo ko ganyan na talaga siya mas nakakatakot pa sa nanay ko. Kung bakit naman kasi wala kong kahilig hilig magpicture kaya palagi ko na lang nakakalimutan lalo na pag may kaharap na pagkaen sa harapan ko. Para sa mga bakla lang ang mahilig magpicture.

waaaaahhh !! Lagot na !! Same scenario pustahan makikpag break na naman siya at hahabol habol na naman sakin. Dahil ayaw nya pasuyo puro ok na lang isasagot ko. Sabi ko sa isip isip ko.

Maya maya pa..

15 mins na nakakipas wala man lang reaction sa mga pics ko ha. Baka tinititigan nya pa masyado. Eto talagang mahal ko poging pogi sakin kaya grabe na lang dragon kung magalit kapag hindi ako nakikita. Ayyeeehhiihihi!!! Ngiting aso habang nag iisip at kinikilig.

20mins...

30mins..

Hala nakatulog na ata ha.? Ma message nga.

Loves?..
Oh?.
Imisssyou...
Ok.

Hala? Ok na naman? Atleast ngayong two letters na konti suyo pa. Aba teka.
Pwede na po ba tayo videocam?.. Pls?.. Sabi ko.

Ayoko. Wala ko sa mood.

ang sungit talaga nitong myloves ko na to pasalamat ka an layo mo kundi hahalikan kita. Matawagan nga ulit.

Ano ba ! Sabi ng ayoko nga eh ! Huwag mo na nga muna ko kausapin!!

Matutuwa ba ko dahil madami ng letters oh dapat na naman akong kabahan? Waaahhh !!! Ok sige my time na ko mag laro yahoo !! Tara pre game !

After 4hours..

Wwwhhooo !! Panalo !! Angas mo tol !. Pa shot ka naman !!.
Hindi pare uwi na muna ko sige bukas na lang ulit. Naiwan ko cellphone ko nasa short ko pala.

Lagot ka na naman sa gf mo tulok ka! Wwooo !! Under !!

Lul mahal ko lang. Saka panigurado miss na miss na ko nun tignan mo puro sorry saka puro missyou mababasa ko mamaya. Sagot ko,

Tanamo mas lul ka Kilala ko si insan masama magalit yun paktay ka talaga! Break na yan ! Break na yan !hhaha!!!

Siraulo talaga to puro ka kalokohan sige na mauna na ko sayo. Sabi ko.

Sige ! Bilisan mo ! Tumakbo ka na ! Nahihiya ka pa !! Hahaha ! Bukas ha ! Libre mo ko !

Lul !! Sigaw ko.

Pag balik ng bahay.

Wala talaga sa ayos tong kaibigan ko eh palagi malakas mang asar. Kinakabahan ata ko ah asan na ba un cp ko. hinanap ko wala na ang short ko nakasaay na sa labas waaaahhhh !!!!!!

Nay !!! Nay !!! Sigaw ko.

Wala ang nanay mo namalengke.

Anak ng.... Asan na ba niya nilagay ang cellphone ko. Msyado mahaba ang num. nya kaya hindi ko memorize. Tinignan ko na sa buong bahay wala.

Dalawang oras na nakakalipas...

Pagkagising ko.. Nakatulog pala ko?... Anong oras na ! Nakita ko nasa gilid ko na ang cellphone ko, naku lowbat pa !! Papasok na siya sa trabaho dito ko lagot talaga !!!!

1...2,..3..4,,,,,,,,11 Messages received.

1st message : mahalcoh.. Kakagising ko lang po okay na ko.. Sorry kanina miss lang kasi kita eh.. :( alam mo naman ayaw na ayaw ko wala ko balita sayo dyan kung ano ginagawa mo.. Iloveyouu.. Imissyou..

2nd : loves bangon na po ko ayusin ko lang kama ko. Iloveyou.

3rd: myloves???

4rth: ano ba?? Asan ka na naman ba???

5th : punyeta ka talaga !!!! Nag sorry na nga ko !!'

6th: porket sinabi ko wag mo muna ko kakausapin hindi ka man lang talaga nag message ! Sabi ko muna !! Hindi ganito katagal !!! Puta#%€£^#!!! F*ck you!!'

7th: lets break up !!! Yoko na talaga !!! Ta%^€# mo !!! Pare pareho lang kayong lahat !!!!
8th: kahit kylan panira ka ng araw !!

9...10...11..,,.,,,

Haayss.... Palpak na naman. Ganyan na talaga siya noon pa nagagalit kapag wala siya balita tungkol sakin. Sabagay hindi ko siya masisisi LDR kasi kami. Ang hirap pa nito first time namin sa ganitong klase relationship. Mabait siya, sobrang bait pero pag nagalit grabe talaga. Buti na lang sa tagal na namin alam ko na kung paano siya suyuin... Ayun lang kahit alam ko na palagi naman pahirapan.

Her side..

Nakakainis talaga !! Di na siya natuto ang gusto ko lang naman makita siya palagi.. Di nya ba ma gets yun.. Ngayon sorry siya ng sorry puro sorry... Pasalamat ka mahal kita panget ka eh ! Makatulog nga muna baka sakaling mawala init ng ulo ko.

Anong oras na pala. Sa dami ng messages ko walang reply ! Napaka imposible naman nakatulog siya ng ganung katagal eh tanghali pa lang sakanila. Naiinis na talaga ko nakakairita!!! This is enough !

Message received: sorry na myloves pls pls pls sorry hindi na mauulit wag ka na magalit sakin .. Lovess :( . . Mahal na mahal kita wag mo ko iiwan pls.

Buti na lang 1 hour ang break ko ngayon dito sa work. Nakakapagod,, lalo na mahirap kapag badtrip ka pa habang nagtatrabaho. Ngayon puro sorry ouro sorry , nek nek mo. Uhmp.

Typing...

Message sent: oo na iloveyoumore. Sorry din. Sa mga harsh words..

Haays.. Ayoko pag ganito ko eh.. May nasasabi ko hindi maganda kapag galit ako hindi nakokontrol ng husto mga lumalabas sa bibig ko. Buti napagtyatyagaan ako ng mokong na ito.

Message received: myloves naman sinabi ko na sayo di ba tanggap ko lahat lahat sayo, kahit na batuhin mo pa ko ng plato gagalingan ko umilag kung ganyan ka magalit wala ko magagawa kundi Mahalin ka at maghintay ng magandang pagbabago mo. Iloveyou myloves ko masungit ! :p ingat ka sa work mo ha!?

My side..
Oowwryt ! Okay na ulit kami ni Myloves ko ! Salamat sa mga message ni Bro. Bo at umeffective mga linyahan niya na matitindi hahahaha yan tayo eh ! Pero mahal ko talaga siya hindi kami tatagal ng 5 years kung hindi. :)

Message received : K.

K na naman ?????

Calling......

"Hello myloves ! ILoveYouLoveYOuLoveyou !! Tapos na po break ko maya na lang ulit ! Akin ka lang OK ?!"

OK! Ilove... Sabay busy.

Hindi na ko naka hirit sa sobra bilis nya magsalita sabay bagsak eh. Aaayyyeeeee !!!!! Kinikilig na naman na parang aso. Ngiting aso.

Ang gwapo ko talaga !!

(One Shot Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon