Chapter Fifty-Eight: Rock-Paper-Scissors For The Team

3.3K 276 28
                                    

-chapter fifty-eight-
____________________

"They'll help us on our quest. Let's get this key already."

"WHERE ARE we going?!" sabay na sigaw nina Feyre at Acrasia.

Hindi ko alam kung matutuwa ako at hindi na sila nag-aaway ngayon. I'm glad to see that no one's getting killed but their noise together are a pain to my ears. Ang sarap nilang itulak pababa sa mountain na ito.

We didn't use our mounts because, unbelievably, lamang ang boto sa gustong maglakad. No, scratch that, ako lang ang bomoto na sumakay ng mount. People who didn't vote were automatically counted as yes, because as Feyre explained silence means yes. Oh diba ang saya lang.

Kaya ito't paakyat kaming naglalakad papunta sa kuweba. Una nag-uusap lang silang lahat, na may bangayan sa gitna, hanggang sa bigla na lang silang kumanta.

"White Dragon's Cave!" masayang sagot ni Priamos, Minerva at Cerami. Ang mga bata nga naman.

Napatingin ako kay Aisling sa tabi. She says she's older than me but she's enjoying the show so much. Kumikinang pa ang mata niya at ibinubulong ang sagot.

"Where are we going?!" itinutok nila ang imaginary na mic kay Voldmir, Vesta at Hex.

"White Dragon's... Cave." mahina at bored nilang sagot.

In fairness, hindi sumali si Voldmir.

"Where are we going?!" itinutok naman nila sa'kin ngayon ang imaginary na mic.

Tinaasan ko sila ng kilay at tiningnan ang likod nila. Isang atras na lang at pwede na silang mahulog.

"Where are you going kayo mamaya kapag nahulog kayo," sagot ko.

Umismid lang sila at umalis na. They started to lead the group again while occasionally arguing with each other.

"Ano ba ang hindi mo maintindihan sa ako ang kakanta? You stole Reverie away from me and now you're gonna steal away my lines too?!" madramang singhal ni Acrasia kay Feyre.

"Anong gagawin ko kasi hindi nga tama ang tono mo? Isa pa, I didn't steal Sol! We're teammates by fate!"

Umirap si Acrasia. "Teammates by fate. Yuck!"

"Kami po ba talaga ang bata o sila?" nakangiwing komento ni Minerva. "They don't behave like they're in their twenties po."

"Hayaan mo na. Magiging ganiyan ka din 'pag 20 ka na," banat ni Voldmir sa kaniya.

Napailing na lang ako nang magbangayan ulit sila. Kahit siguro ang mga taong nasa city ay maririnig ang ingay namin.

"You are really a noisy and weird bunch," komento ni Cord sa tabi ko.

Ngumiti ako. "This is normal. Mas magugulat ako kapag bigla silang tumahimik."

"Sumasama si Hiraeth sa inyo 'di ba? Does he also contribute to the noise?"

Natawa ako nang maalala ang pag-away ni Feyre sa kaniya na hindi niya pinapansin.

"Well, he says a word and nothing after that. He's pretty quiet... and strange."

Tumango si Cord. "Even at an early age, he's a man of few words. He likes observing rather than talking."

"And he disappears all of a sudden. Tapos biglang susulpot sa kung saan. He's also very curious about his sorroundings kahit na he's always been here. He also has a flower garden near the lake where he usually sleeps,"

"Flower garden?" tanong niya.

Tumango ako at ngumiti. "Yeah, he never fails to plant tulips there. Iba't ibang kulay. Tapos the birds would usually destroy them kaya babatuhin niya. He tilts his head when he's confused, kapag hindi siya gagalaw at nakaawang ang labi, may isang bagay na nakakuha ng interes niya. He always stays two steps behind- what?"

Welcome, PlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon