EULIII44

571 43 55
                                    

-

"Pagsisisihan mong binuhay mo pa ako... ipaparanas ko sa'yo lahat ng paghihirap... lahat ng sakit na binigay mo sakin..."

-

Third Person's POV

"Error. You can't enter Deep 16." Huling beses niya pang narinig ang litanya nito at nanggigigil na lumabas ng elevator.

Si Paulo na ngayon ay katabi ni Mr. Pontigon ay parehas na nagulat sa hindi inaasahang paglabas ni Miles doon. Taka pa nilang sinundan ang huli na pansin nilang puno ng yamot at tila'y umuusok ang ilong na naglalakad palabas ng gusali.

"Mr. Espinosa... General Quintos already sent this." Sabay abot ng envelope sa amo. Nilahad lang ni Miles ang kaniyang kamay na naintindihan naman ni Paulo. Binigay ng huli ang hawak na agad namang kinuha ni Miles habang hindi binabalingan ang tauhan.

"Mr. Espinosa..." pagbati pa ni Mr. Pontigon sabay yumuko upang magbigay respeto bago tuluyang makasakay ang una sa sasakyan ngunit nabigong mapukaw ang atensyon nito.

Wala pang ilang segundo ay mabilis itong umandar kasunod ng tatlo pang kotse at nawala na sa kaniyang paningin. Kumakamot sa ulong pumasok ang huli sa pinamamahalaang gusali.

Habang tinatahak ang daan, taas kilay na tinitigan ni Miles ang sobre at dahan-dahang binuksan iyon.

"Fuck..." mahinang usal ni Miles at pagkuway na umiling nang mabasa ang nilalaman ng papel. Mabilis niya itong pinunit sa maraming piraso at binuksan ang bintana upang paliparin sa hangin.

Napukaw pa noon ang atensyon nina Paulo at driver nito na ngayon ay hindi na sinubukang alamin ang nasa isip ng amo.

Mapait namang ngumiti si Miles at tumitig sa kawalan.

-

"Sir..." tawag sa kaniya na simple niyang kinalingon. Nakita niya ang may katandaang lalaking papalapit. Tumango siya dito at hinintay na umupo sa kaniyang tabi.

Ilang minuto na rin siyang naghihintay sa pagdating nito. Hindi tulad noong una, mas maaga niyang pinapanood ang kagandahan ng buong kamaynilaan mula sa kaniyang pwesto. Bahagya pa siyang tinatakpan ng katabing malaking puno mula sa masakit na sikat ng araw.

Nasisilaw man, ramdam naman ng pareho ang lamig ng simoy ng hangin. Ang kararating lamang na lalaki ay naglabas ng kaha ng sigarilyo mula sa bulsa at kumuha dito upang sindihan bago umupo.

Hindi na siya nagabalang ayain ang katabi. Humithit dito at pagkuway na nagsalita.

"It's been a week..." pauna niya sabay buga ng usok. Narinig niya pa ang malalim na buntong hininga ng katabi at tumugon.

"We really need more time..." sabi naman nito. Marahan niyang ginalaw ang kanang paa na siyang gumawa ng tunog.

"Sir... minamadali na ng mga Pangilinan ang libing... I am doing everything I can to give you enough time but... Pangilinans are not easy..." at muling humithit ng sigarilyo. Umiling pa siya habang binubuga ang makapal na usok.

"Just give me more... I trust you..." sabi nito na ikinatingin sa kaniya ng matandang lalaki at muling hinintay ang sunod na sasabihin.

"Siguro another week pa... until such time where everything falls into its places..."

-

"Oo babe... I'm at work right now..." sagot ni Cassey sa kabilang linya. Ilang beses na siyang tinawagan ng nobyong si Kit. Mula kagabi hanggang ngayong magtatanghali na ay walang patid ang pagaalala nito sa nobya.

Magsasalita pa sana si Kit nang unahan siya ni Cassey.

"Babe... sige na... I really need to go na... I love you..." at mabilisang pinatay ang tawag.

Nagpakawala muna siya ng buntong hininga bago lumingon sa kaniyang likod. Nakita niya si Eul na ngayon ay pinipilit na bumangon sa pagkakahiga.

"Eul?" Mahinang turan ni Cassey palapit sa kaibigan. Ngumiti lang sa kaniya si Eul at muling pinagpatuloy ang ginagawa. Ang una nama'y tinulungan siyang makaupo at pinuwesto ang mga unan sa likod nito upang may masandalan.

"Kumusta?" Tanong ni Cassey habang nakatitig sa nakaaawang si Eul. Binalot niya ang kaibigan ng mga puting kumot upang takpan ang katawan nitong nakabalandra.

"Nagugutom ka na?" Turan pa muli ni Cassey ngunit hindi sinagot ng kaibigan, bagkus ay tumitig lamang dito.

Tumayo siya at naglakad patungo sa lamesa. "Gusto mo ng tubig?" Muli niyang wika ngunit sinundan lamang siya nito ng tingin. Hindi na muling nagsalita si Cassey.

Kumuha ng baso at pinuno ng tubig. Naglakad palapit sa kaibigan at inilahad ito. "Inom ka muna..." paganyaya niya. Nakatitig parin sa kaniya si Eul. Nang madako ang tingin sa mapupungay nitong mga mata, napansin niya ang pangungusap sa mga ito.

Bahagyang nangingilid ang mga luha at namumula na rin ang mga ilong. Pilit na pinipigilan ang mga luhang tuluyang pumatak.

"Eul..." sabay lapag ng baso sa maliit na lamesa at agad na niyakap nang mahigpit ang kaibigan.

"Ligtas ka na..." sabi niya pa sabay taas-babang himas sa likod ni Eul. Sunod niyang narinig ang mahihina nitong mga hikbi na dumudurog sa kaniyang puso.

"Akala ko panaginip lang..." nanghihinang turan ni Eul sa pagitan ng hagulgol. Umalis sa yakap si Cassey at hinawakan ang mga kamay ni Eul.

"Hindi 'to panaginip... ligtas ka na..." at ngumiti nang bahagya. Ngayon ay ngumiti na rin si Eul dahil sa labis na kasiyahang nadarama.

Hindi niya lubos maisip na makakalabas pa siya nang buhay sa impyernong silid na iyon matapos ang pinakamalalang sinapit noong huli siyang ginahasa ni Itchan.

Umarko sa kaniyang mukha ang labis na hinagpis at agad na naramdaman ang lahat ng sakit sa bawat parte ng katawan. Ang tingin sa kaibigan ay binaling niya sa kaniyang mga kamay.

Ngayon ay malinaw na malinaw sa kaniya ang nakikita. Mula sa namumulang pulso, tinanggal niya ang pagkakakumot sa kaniyang braso at kinapa iyon.

Kinagat niya pa ang ibabang labi sa awang nararamdaman sa sarili. "Cassey... CR..." simpleng sambit niya sa kaibigan na agad naman siyang naintindihan nito at maingat na pinalibot sa kaniyang katawan ang kumot sabay tinulungang makatayo.

Maingat na inaalalayan si Eul, tinahak nila ang daan patungong banyo. "Dito nalang... salamat Cassey..." huling sabi pa ni Eul at sinarado nang tuluyan ang pinto.

Sumandal siya sa maliit na lababo at tumitig sa salamin. Mas lalo siyang napahagulgol nang makita ang imaheng mas malala sa inaasahan.

Hinawakan niya ang kaniyang labi na naging saksi sa malalang kamunduhang naranasan. Sa kaniyang leeg na namumula at namamaga parin dahil sa mga sugat na natamo mula sa matinding kagat ni Itchan.

Mabilis na umuulit sa kaniyang isipan ang walang kasing sakit na pangyayari. Ang mga sugat na natamo mula sa walang habas na panglalatigo sa kaniya. Kitang kita ang bawat detalye sa kaniyang katawan.

Huminga siya nang malalim at namumula ang mga matang tumitig sa sarili at puno ng matinding poot na bumulong sa hangin.

"Pagsisisihan mong binuhay mo pa ako... ipaparanas ko sa'yo lahat ng paghihirap... lahat ng sakit na binigay mo sakin..."

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon