EULIII45

573 40 25
                                    

-

"Kean, you're giving Miles time to finally defeat you..."

-

Third Person's POV

Lumabas si Eul sa banyo na pumupungas-pungas pa ang mga mata habang pinupunasan ang basang-basang mga buhok.

Isang linggo na ang nakalilipas mula nang mailigtas siya ni Cassey at Spiro sa tila kamay na bakal ni Itchan. Malaki na rin ang pinagbago sa katawan ni Eul. Bahagya na siyang nagkalaman at mas humaba na ang mga buhok.

Pinagmasdan niya ang imahe ng kaniyang katawan sa malaking salamin. Gumaling na rin ang mga sugat na natamo sa kagat ni Itchan sa kaniyang magkabilang leeg at braso ngunit ramdam niya parin ang hindi matimbang na sakit dito.

Ang mga pasa ay patuloy parin niyang iniinda. Maski ang panghihina ay hindi parin tuluyang nawawala. Saglit niya pang kinapa ang likod ng kaniyang ulo.

Hindi parin naglalaho ang pabugso-bugsong kirot nito na sa tingin niya ay dahil sa matigas na platong tumama dito. Halos araw-araw na ring sumasakit ang kaniyang sintido at batok na dinadagdagan ng minsanang panghihilo.

Mabilis siyang napalingon sa pintuang biglang bumukas. Iniluwa noon si Cassey. Nakangiti ito sa kaniya at may sukbit na mga supot sa magkabilang kamay.

"Kumusta? Masakit parin ba ulo mo? May dala ako ditong gamot..." bungad ni Cassey sabay dahan-dahang sarado ng pinto. Dinala niya ang mga pinamili sa lamesa at pinatong doon.

Si Eul naman ay naglakad palapit sa kaibigan na may ngiti sa kaniyang labi. "Cassey... what really happened?" Tanong pa nito at umupo sa upuan.

Nagulat pang tumingin sa kaniya si Cassey. Alam niya na ang gustong malaman ng kaibigan ngunit hindi niya alam kung nararapat na siya ang magsabi.

"Inom ka muna ng gamot..." pagkuway na lihis ni Cassey sa usapan sabay pumuntang kusina upang kumuha ng tubig. Narinig niya pa ang muling turan ni Eul.

"Asan sila Sheena? Si Spiro?" Saglit na napatigil si Cassey at huminga nang malalim. Naglagay ng tubig sa baso at muling bumalik kay Eul.

"Cassey... isang linggo na akong nandito... ilang beses narin akong nagtanong sa'yo pero wala kang sinagot..." sabay titig ni Eul sa kaibigan.

Sa pagkakataong ito ay hindi na alam ni Cassey ang sunod na hakbang o sasabihin upang maiba ang usapan. Sa bigat ng mga pangyayari ay alam niyang hindi pa kakayanin ni Eul ang mga kaganapan nang siya ay mawala.

Nang hindi makatanggap ng sagot ay mabilis niyang ininom ang gamot at tubig. Dismayado pa siyang tumayo pagtapos noon at wala sa wisyong naglakad pabalik sa sariling higaan.

Nakaririnding katahimikan ang sunod na namayani sa magkaibigan. Si Cassey ay nagpasyang isalansan na lamang ang mga pinamili habang saglitang sumusulyap kay Eul na ngayon ay nakatitig sa labas ng bintana.

Hindi niya na kinakaya ang awa. Hindi niya na kaya pang magtiis na maglihim kay Eul. Umiiling at kagat labing nagdalakad siya sa pwesto ng kaibigan at umupo roon. Hinawakan ang mga kamay nito at nagsimulang maglitanya.

"Simula nung binalitang sumabog yung private jet mo, we never believe na patay ka na... lalo na si Spiro..." malungkot na panimula ni Cassey. Masugid pa siyang tumitig sa mga mata ni Eul.

"Even after the search and rescue operation had suspended, hindi tumigil si Spiro na mahanap ka... honestly... sila ni Skyrus ang nakahanap ng private jet mo..." segunda niya pa. Blangko ang mukhang nakikinig si Eul sa kuwento ng kaibigan habang pilit na isinasaisip ang bawat salita nito.

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon