EULIII47

505 40 27
                                    

-

Surprise! I'm alive!"

-

Third Person's POV

"He's my everything... and loving him most cost me my lifetime---'yan ang pahayag ni Kean Josh Pangilinan, asawa ng namayapang si Eul Justine Espinosa sa kasalukuyang isinasagawang eulogy para rito."

"Matatandaang ito na ang ikalawang eulogy ng mayari ng pinakamalaking kompanya sa Pilipinas matapos umapila ang karamihan sa mga shareholders ng ME Group na naging dahilan ng halos dalawang linggong funeral ng nasabing negosyante, taliwas sa unang deklarasyong ililibing agad ito."

"Ayon kay Chief-of-Staff Sheena Serrano, nakatakdang ilibing ngayong araw din ganap na ikatlo ng hapon ang mga labi ni Mr. Espinosa---"

-

"Eul... I just want you to know... until this time... you have my heart..." umiiyak na turan ni Kean habang akap-akap ang gintong kabaong ni Eul.

Ang lahat sa mansion ay masugid na pinanonood ang nobyo nitong buong pusong nagdurusa. Ang iba pa'y naluluha na rin sa walang kasing bigat nitong pahayag.

Lahat ay nakasuot ng itim na kabuohan. Maski ang mga tauhan at katulong sa mansion ay hindi nakalampas.

"Eul... paulit-ulit kong sasabihin at hindi ako magsasawang ipagmalaki sa lahat kung gaano tayo kasaya... kung paano tayo nagsimula..." huminga pa siya nang malalim at muling bumalik sa podium.

"Nagkakilala po kami ni Eul... mga bata palang kami... and yes, knowing na we are rivals in terms of our family's status, pinaglaban namin ang isa't isa..." muli siyang sumulyap sa kabaong at mapait na ngumiti.

"Mahirap... sobrang hirap po... he's the only heir of Espinosa and I am of Pangilinan... the complete rival families... pero imbes na sundin namin yung sinasabi nila Dad, we didn't mind them... walang nakapigil samin... alam 'yan ni Skyrus..." sabay tingin sa kaibigang ngayon ay nakatitig nalang sa kabaong ni Eul habang pinakikinggan ang nakalulungkot na kuwento ni Kean.

"Sobrang daming problema samin ni Eul... dumagdag pa yung fact na we're both boys... sa tingin ng iba, hindi normal and yes, sa umpisa yun din yung sinabi ng pareho naming mga magulang..." saglit na sumulyap siya sa kaniyang magulang na ngayon ay magkahawak kamay at muling bumaling sa lahat.

"Pero wala silang nagawa... kahit yung muntikan kong pagkamatay... hindi kami pinaghiwalay ni Eul..." muli siyang tumingin sa kabaong at mapait na tumawa. "Right? You thought I'm dead... pero bumalik ako... binalikan kita..." sa pagkakataong ito ay hindi niya na napigilan ang malalalim na hagulgol nang maalala ang nakaraan.

"Seven years ago... we got into an accident..." mabilis siyang bumugtong hininga at bumaling sa ama. "I'm sorry Dad... but I have to let this out..." na tinuro pa ang sariling dibdib.

"Mr. William and my father are rivals... pero parehas nilang gusto kami ipaghiwalay... even the accident was a plan... nagising nalang ako nasa ibang bansa na pala ako with my Mom... almost two years akong in comatose... imagine... nearly two years kang nabubuhay sa panaginip... and my dream was Eul..." mahabang kuwento ni Kean at saglit na huminto. Lumunok pa siya ng ilang ulit matapos ay huling nagsalita.

"And this is my nightmare... I'm sorry..." hindi na kinaya ng huli ang labis na hinagpis at tuluyan niya nang binaba ang mikropono at bumaba ng podium.

Balot ng hinagpis ang mga dumalo at namayani ang nakaririnding katahimikan. Ilang minuto ang lumipas ay biglang bumukas ang malaking pinto ng receiving area ng mansion. Iniluwa noon si Miles na dahan-dahang naglalakad sa gitna patungo sa gintong kabaong.

Taliwas sa lahat, siya ay nakasuot ng puting puti na suit na mas umagaw sa eksena. May yakap pa itong kwadradong bagay na hindi matukoy ng lahat. Tahimik. Walang nangahas na magsalita o bumulong man lang.

Mabilis na kumilos si Ms. Laxamana at kinuha ang mikropono upang paunlakan ang kararating lang na tauhan.

"And now, for the last person whom will give his last statement to Eul... Mr. Miles Espinosa..." at mabilis ding umalis sa podium. Hinintay pa ng lahat ang pagtapat ni Miles sa kanila nang makuha nito ang mikropono.

"You are all fools!" Malakas na sigaw nito sa lahat pagtapos ay tumawa. Ang lahat ay nabigla sa inasta nito na kung wawarii'y pambabastos sa bangkay ni Eul.

"Do you really believe na totoong patay si Eul?" At naglakad sa unahang hilera. "You... you're his friend Ms. Serrano, do you really believe?" Sabay turo kay Sheena na ngayon ay katabi ang nobyong si Jigs, at mga kaibigang sina Kit at Kevin.

"You are fool!" Muling bulyaw nito sabay umiiling-iling na naglakad pabalik sa kinaroroonan ng gintong kabaong.

Kinuha niya ang kaninang yakap na kwadrado at itinaas iyon sa lahat. Nagtinginan pa ang magamang sina Kean at Edward na ngayon ay hindi malaman ang gagawin sa nanggugulo nanamang si Miles.

"This is the person lying in this casket..." hinimas niya pa ang kabaong at akmang bubuksan ito nang malakas na magreact ang lahat. Nangibabaw pa ang sigaw ni Kean.

"No! What the fuck?! Guards get him out of here! Now!" Turan ni Kean na sinunod naman ng mga gwardiya. Nagtakbuhan ang mga ito palapit kay Miles na siya ring pagtakbo ng mga tauhan ng huli palapit dito.

"No... hindi ako aalis hangga't hindi nalalaman ng lahat kung sino ang iniiyakan nila..." at ngumiti kay Kean. Simple pa siyang nagtaas ng kilay kay Edward na ngayon ay nanliliit na ang mga mata sa galit sa kaniya.

Ang mga bodyguards ni Miles ay pumaikot sa kaniya upang harangan ang mga tauhan ni Kean. Tinaas ni Miles ang hawak at pasimpleng tinanggal ang pagkakabalot dito.

"This is the one you're all crying to..." matapos matanggal ang balot, naglakad siya palapit sa kabaong at tinanggal ang litrato ni Eul upang palitan nito.

Nang mawala ang kaniyang katawan sa tapat ng imahe ay ganoon na lamang ang gulat ng lahat nang makita ang litrato na ipinalit.

Si Sheena ay nanghihina ang mga tuhod na napaupo. Inalayan pa siya ni Jigs. Nanlaki na rin ang mga mata ni Kit at Kevin. Maski si Skyrus ay kumunot ang noong nakatitig sa litrato.

"What the fuck?!" Sigaw ni Kean at akmang tatakbo na upang sugurin si Miles nang magsigawan ang lahat sa sunod na nangyari.

May kung anong pumutok sa kung saan at makapal na usok ang sunod na kumalat sa bukana ng pinto. Iniluwa noon ang tatlong bulto ng taong masugid nilang tinitigan.

"Eul!" Sigaw ng karamihan nang tuluyang makilala ang nasa gitna. Naglakad pa ito nang dahan-dahan na kinalaki ng mata nilang lahat.

Lahat ay gulat. Lahat ay hindi makapaniwala. Si Sheena ay mas lalong lumuha nang makita ang kaibigan. Si Kit, Jigs ay Kevin ay nanayo ang mga balahibo nang makita ang mukha ni Eul. Maski si Skyrus ay umiiyak na nakangiti kay Eul.

"You didn't even respect my funeral..." matigas na turan nito habang naglalakad sa gitna. Ang lahat naman ay yumuko upang magbigay respeto sa hindi kapani-paniwalang taong naglalakad sa kanilang harapan.

Si Kean ay napako sa kaniyang kinatatayuan habang si Miles naman ay bahagya nang umatras. Nakasunod kay Eul sina Spiro na ngayon ay nakasaklay at si Cassey na inaalalayan ito.

Iginala ni Eul ang kaniyang paningin sa lahat. Nakakapanibago ngunit tila nagaalab ang kaniyang damdamin sa mga kaganapan.

Nang makarating nang tuluyan sa gitna ay kinuha niya ang mikropono sabay malakas na nagsalita.

"Surprise! I'm alive!"

-

Itutuloy

-

EUL III - Abused [BOYXBOY] [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon