VII - Amanda

739 60 9
                                    

"Dra. Flint, may naghahanap po sa inyo. Should I let him enter your office?" One of the nurses asked. Ang tawag ay mula sa lobby kung nasaan ang front desk.

"Name."

"De Guzman. Raynald De Guzman."

I raised one of my brows. Wala naman akong kilalang Raynald De Guzman, "Let me check my client list." I said.

Kinuha ko ang isang folder sa ilalim ng lamesa ko't binaba muna ang telepono sa gilid at mabilis kong sinilip ang mga pangalan ng mga pasyente ko ngunit kahit isa ay walang Raynald De Guzman. Nang muli kong kinuha ang telepono ay kinausap kong muli ang nurse, "Wala—"

"Please tell, Scarlett, I'm Orange Thief or any Orange—" I heard from the other line. It's the Orange Guy! Amanda's goon!

"Let him in." I commanded. Ano naman kaya ang kailangan niya sa 'kin?

I waited for like ten minutes before he arrived at my office. "Scarlett, I need help." I wryly smiled dahil sa bungad niya sa' kin.

He looks like he was having a hard time. Disoriented. Aligaga siyang umupo sa tapat ko at tila balisa siya habang hinihilamos ang kaniyang mukha.

"Do you want anything to eat or a drink?" I asked. I need to calm him first before I ask him questions that might trigger his anxiety.

"No." He firmly mumbled. Pinanliitan ko siya ng mata habang pinapanood ko ang panginginig ng kanyang labi at mga kamay.

"Raynald, inhale, and exhale. Calm down." I said softly. Saglit siyang tumitig sa 'kin saka ginawa ang sinabi ko at habang pinapanood siya ay napansin ko ang kanyang mga mata na namumula.

Hindi siya nakakatulog nang maayos. His problem might be really serious dahil simula noong grumaduate kaming lahat, ang grupo ni Amanda ay umiwas sa amin. Hindi naman ako galit sa kanya, siya itong inis sa akin dahil kay Hunter.

Hindi ko naman kasalanan na hindi siya na-crush back nung isa. Hindi ko rin kasalanan na ako ang gusto ni Hunter. Hindi ko rin kasalanan na mas maganda ako sa kanya.

"Scarlett, out of all Zodiacs, sa'yo ang pinakamalaki ang kasalanan ko— kasalanan namin." He started. Tahimik lamang akong nakikinig sa kanya. I need to be careful sa mga sasabihin ko sa kanya.

"Alam natin na dalawa na ilang beses na rin kaming humingi sa'yo— sa inyo ng tawad ngunit pakiramdam ko'y kulang pa rin 'yon."

"Look, Raynald. Whatever happened inside Danima has nothing to do with the real world, okay? Lahat tayo ay magkakalaban sa loob ng laro pero tandaan mong sa tunay na mundo, tayo ang magkakasangga."

I was no longer surprised when a single tear escaped from his eyes, "Danima..."

Gulat akong napatakbo sa pwesto niya nang bigla na lamang siyang lumupasay sa sahig at marahas na hinihilamusan ang kanyang mukha. Shit! This is bad.

"Raynald! Raynald! Look at me, look at me. No one will hurt, I'm here." I assured. Hinawakan ko ang mga balikat niya, pinipigalan ko na masaktan niya ang sarili niya.

I pursed my lips when I noticed some fresh wounds on his wrist, "Raynald... Listen to me. I am your friend. We will conquer your battle together, okay?"

He was inhaling and exhaling heavily. Gumagawa rin siya nang paraan upang pakalmahin ang sarili niya and that's good. "Scarlett... I experienced hell. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Gusto ko na mawala, gusto ko na mamatay..."

Niyakap ko siya at marahan na tinapik ang likuran niya. He began to whimper as he return my hug. I closed my eyes and felt how heavy he feels right now though this is no longer new to me, marami na rin akong naging pasyente na tulad niya.

"Mahinahon na ako..." He whispered. I let go of the hug and smiled.

Muli siyang bumalik sa kanyang pwesto. Naupo na ako sa kanyang harapan upang maging handa sa panic attack niya.

"Okay. Let's get to know each other first, Raynald." I smiled. I extended my right arm, "Hi, I'm Scarlett Lexie Flint. I studied at Phantom Academy and a BS Psychology graduate. And I want to be your friend."

At nang nakipagkamay siya sa akin ay ngumiti siya, "Raynald De Guzman. BS Architecture graduate in Phantom Academy."

"So, you're good at drawing?"

"Yes."

"You can sketch?" I asked.

"I can."

Under my table ay kinuha ko ang isang sketch pad at lapis. At nang ibigay ko sa kanya iyon ay nagtatakha niya akong tinapunan ng tingin. "Draw anything that you want in the piece of paper."

"What should I draw? My mind is disoriented right now—"

"Anything that pops out in your mind." I said.

He pursed his lips and shut his eyes. Saglit pa'y pinatong niya ang sketch pad sa lamesa at sinimulan niya ang pag issketch. Pinapanood ko lamang siya habang seryoso siya sa kanyang ginagawa.

Simula noong dumating siya ay hindi niya binabanggit ang pangalan nina Amanda, hindi ko naman siya matanong kung nag-away ba sila o may kaunting tampuhan dahil sa sitwasyon niya.

Una, hindi maayos ang pag-iisip niya ngayon. Palangawa, hindi ko pa nakukuha ang tiwala niya upang sabihin niya sa akin anvg pinaka problema niya. At panghuli, sinubukan niyang tapusin ang buhay niya.

Dalawang ideya lamang ang pumapasok sa isip ko kung bakit ganito ang sitwasyon niya. Ang una ay problema sa pamilya, madalas na ang pinaka sanhi talaga ng isang problema ay umiikot sa pamilya.

Ang pangalawa naman ay problema sa circle of friends niya— problema tungkol kina Amanda.

"Scarlett." I blinked multiple times nang iabot niya sa akin ang sketch pad.

Napataas ang kilay ko habang pinagmamasdan ang sketch pad. Isang silhoutte ng babae ngunit may mga parte ng katawan niya tila naglalaho.

At nang sinilayan ko siya ay napansin ko ang mga nag-aapoy niyang mga mata. Nakatingin ito sa akin at tila may nais sabihin.

"Amanda is dead,"

#

Hyazinth: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon