Kabanata 43

22.2K 785 9
                                    

Pagkatapos nung naging eksena namin ni Keian sa kotse ay pinaandar na niya ulit yung sasakyan nung tumahan na ako.

Dumiretso kami sa bahay at sinabihan niya akong pumunta ako sa kwarto niya kasi kailangan nilang mag-usap usap nung mga kasama niya sa mafia regarding sa nangyari sa mall.

Kaya eto. Nakahiga ako sa kama habang nakatulala sa ceiling ng kwarto.

Ang ganda pala nung ceiling ni Keian. Kulay black lang lahat.

Gumilid ako ng pagkakahiga kasabay ang isang malalim na buntong hininga.

Hindi pa rin maalis sa isip ko yung nangyari sa mall. Bakit? Iyon ang paulit ulit na umiikot sa utak ko.

Bakit gagawin iyon ni Diego?

Nung una ko siyang makita na nakatago sa likod ng isang pader ay hindi ko inakalang maging magkaibigan kami pero dahil sa bahay namin dati din siya nakatira, sa ibang side lang dahil mansyon yung bahay na iyon ay naging matalik na maging magkaibigan kami.

Lagi ko siyang kasama sa labingisang taon. Pero nang mamatay ang lola ko ay bigla nalang siyang hindi nagpakita. Parang iniiwasan niya talaga ako.

Sinubukan kong humanap ng paraan na makita siya at napagbigyan naman pero siya na talaga mismo ang lumayo sa akin.

Syempre masakit, kasi boy best friend ko iyon pero nang lumipas ang mga taon ay nawala na siya sa isip ko.

Lalo na nang inalagaan ko na si Brylle...

Napabuntong hininga ulit ako at napatulala sa carpet na nasa kwarto.

Bumukas ang pinto pero nakatulala parin ako.

" Nass?" naramdaman ko ang pagtapik ni Keian sa may binti ko kaya tumingin ako sa kanya na umupo sa kama.

Halos anim na oras din akong naghintay dito ah. Ala-siete na kaya ng gabi!

Umupo din ako katapat niya, nakaindian sit habang siya, nakalabas pa ang binti sa kama.

" Tapos na ang meeting niyo?" pagod siyang ngumiti sa akin tsaka hinagod palikod yung buhok niya.

" Yes. And we manage to identify the mastermind of what happened in the mall" napatungo ako.

" Sino?" alam ko naman na kung sino yung mastermind pero maninigurado lang.

" It's the man you knew, Nassandra." Mapapansin na talagang diniinan niya ang pagkakasabi sa salitang knew at pinigilan kong taasan siya ng kilay.

" Paano mo siya nakilala, Nassandra?" malamig na tanong nito.

Napakagat ako ng labi kasi talagang nalungkot ako sa tono niya ng pananalita at isa pang dahilan ay hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi.

Pero yung kay Diego lang naman ang sasabihin ko diba? Hindi naman lahat nung nasa past ko.

Napabuntong hininga ako tsaka ngumiti at tumango.

" Diego Evans. He's my best friend since 6 years old. Nang mamatay ang lola ko, hindi na kami nagkakausap. Lalo na nang mamatay sila Mama at Papa, wala na talaga kaming koneksyon sa isa't isa" explain ko dito.

Nagkatitigan kami at may kung ano sa mata niya.

Parang nagdududa siya sa sinabi ko. Nag-aalinlangan...

" Are you--- sure...?" natigilan ako bigla sa tanong niya.

" I mean, hindi ka ba niya kinocontact or kahit ikaw, hindi mo siya kinocontact?" nawala ang ngiti ko.

" No Keian. I'm busy taking care of Brylle. Halos makalimutan ko na nga siya eh" tinaasan niya ako ng kilay at sinasabi na talaga nung mata niya na hindi siya naniniwala sa akin.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon