PROLOGUE

1K 27 95
                                    

"Spi... he still refuses to be with you... siguro it's time na para piliin mo naman yung sarili mo..." sabay marahang tinapik-tapik ni Kevin ang likod ni Spiro.

Namumula ang mga matang lumingon siya sa kaibigan at nagsalita.

"Ang sakit... I did everything for him... lahat lahat ginawa ko... pero di parin sapat..." wasak na sambit ni Spiro sa gitna ng malalakas na hagulgol.

"Siguro... he's not for you... kung sa lahat ng ginawa mo para sa kaniya... tapos hindi niya parin makita 'yon, maybe he's not really worth it..." tumayo si Kevin at nilahad ang kamay sa kaibigan upang ayain itong umalis na.

Lumuluha namang tumingala si Spiro sa langit sabay malakas na sumigaw. "Eul... mahal na mahal kita!" Huminga pa siya nang malalim matapos noon at mariing pumikit.

"Pero siguro... oras na para sarili ko naman isipin ko..." ngayon ay tumayo na si Spiro at kinusot ang mugtong mga mata upang punasan ang mga luhang tumulo rito.

Ngumiti muli siya sa langit at pagkuway na bumulong sa hangin.

"Huli na 'to... hindi na kita guguluhin pa... iiwan ko dito sa kinatatayuan ko yung Spiro na minahal ka nang buo... iiwan ko narin dito yung pagmamahal ko sa'yo..."

-

Itutuloy

-

Copyright © 2020 by RainTheFourth

All rights reserved. All characters in this story have no existence outside the imagination of the author and have no relation to anyone bearing the same name in real life. All incidents in this story are all beyond the creative mind of the author.

Started: July 21, 2020

Greetings to EUL readers!

I would like to thank you for all the love and support you've given to me since the first book, EUL to the second book, EUL II - Revenge and to the third book, EUL III - Abused.

Sabay-sabay nating tunghayan ang kuwento sa likod ng tuluyang pagsuko ni Spiro sa pagmamahal niya kay Eul.

Sana po ay tangkilikin niyo ang panibagong yugto ng kwento ni Eul katulad ng pagtangkilik niyo sa kaniya noong mga naunang tatlo niyang storya.

Author, EUL Series
@RainIV

EUL IV - Convicted [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon