Kabanata 10

2.7K 103 13
                                    

Mercilessly

Napasinghap ako ng makaramdam ng malamig na tubig. Napa-ubo pa ako ng pumasok ang malamig na tubig sa ilong ko.

"Ayan, gising na! Tawagan mo na, Bert."

Nag angat ako ng mukha habang panay parin ang ubo. Unang bumungad sa'kin ang mukha ni Jack.

"Kamusta ang tulog mo, binibini?" naka ngisi niyang tanong habang nakatingin siya sa dibdib ko.

Agad akong nag pumiglas pero hindi ako maka galaw. Napatingin ako sa sarili ko. Kaya pala hindi ko magalaw ang buo kong katawan dahil naka tali ako sa isang upoan.

"Pakawalan niyo 'ko!" sigaw ko at nagpumilit uli na kumawala ngunit kahit anong gawin ko'y nasasaktan lang ang katawan ko dahil sa higpit ng tali.

"Sshhh... Ang ganda ganda mo sanang bata kaso ang ingay mo... Gusto mo, patahimikin kita?" ani Jack sabay dinilaan nito ang ibabang labi.

Para akong masusuka sa pandidiri sa kanya. Nag-iwas ako ng mukha ng akmang hahawakan niya ito.

"Jack! Sabi ng huwag mo na e..." bulyaw no'ng isa pang lalaki.

Sinamaan lang ito ng tingin ni Jack saka ito lumayo at lumapit sa isang lamesa saka nag salin ng inuming alak.

"Hindi ba't sinabing huwag mag lalasing? Paano kong matunton tayo ng mga Fuentabella? Paano ka makakapag-isip at kilos ng maayos kong lasing ka?" anang lalaki.

"Pwede ba Gelo? Huwag mo akong pakialaman!" bulyaw pabalik ni Jack.

"Magsitigil kayo kung ayaw niyong malintikan sa'kin! Tumatawag na ako sa mga Fuentabella. Mga disturbo kayo!" sigaw naman ni Herbert.

Nanahimik ang dalawa hanggang sa biglang ni loud speak ni Herbert ang cellphone niya.

"Hello? Hello? Sino 'to?" sigaw nong nasa kabilang linya.

Sa baritonong boses pa lang nito, alam ko agad kung kanino ito. "Dad! Daddy! Help me!" pagsisigaw ko habang tumutulo uli ang mga luha ko.

Agad tinakpan no'ng Gelo ang bibig ko ng suminyas si Herbert sa kanya.

"Zaccary? Anak? Anak, ikaw ba yan?" tarantang sabi ni Daddy.

"Oh, kalma lang Antonio..." sabay halakhak ni Herbert.

"Sino 'to? Walang hiya ka, pakawalan mo ang anak ko! Sino 'to?" ramdam ko ang galit ni Daddy. Parang kulog ng malakas na kidlat ang boses niya sa sobrang lakas ng bulyaw niya.

"Hindi na mahalaga kung sino ako, Antonio. Hindi narin ako magpapaligoy-ligoy pa. Sampung milyon para sa ulo ng nag-iisang anak mong babae." sabi ni Herbert.

Gusto kong sumigaw pero masyadong mahigpit ang pagkakatakip ng kamay ni Gelo sa bibig ko. Hindi rin ako makakilos dahil sa tali!

"Hayop ka kung sino ka man! Ipakiusap mo sa'kin ang anak ko! Hayop ka!" sigaw ni Daddy.

Humalakhak uli si Herbert saka siya suminyas kay Gelo. Lumayo naman bahagya si Gelo at ngayon naman, si Herbert ang lumapit sa'kin habang hawak ang cellphone nito na naka loud speak.

"Daddy...." humahagulgol kong sabi.

"Anak, Zaccary? Ayos ka lang ba diyan? Anong ginawa nila sa'yo?" sigaw uli ni Daddy. Narinig ko rin ang boses ni Mommy sa likod niya, at katulad ni Daddy, bakas din ang pangamba nito sa kalagayan ko.

"Tulongan mo ako, Daddy... Get me out of this place..." panay ang hikbi ko hanggang sa inilayo uli ni Herbert ang cellphone at tinakpan ni Gelo ang bibig ko.

"Ayan, Antonio. Narinig mo na ang boses ng anak mo. Mamayang gabi, ibigay mo sa'kin ang sampung milyong peso. Isesend ko sa'yo ang detalye pagkatapos nitong tawag." sabi ni Herbert.

With All MightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon