O o p s 13

1.3K 44 4
                                    

Nainis ka bigla.
Lecheng Poser! May destiny destiny pang nalalaman!?

Wala e. Natulog ka nalang. Wala ka ng panahon para makipag chat ulit sa poser na 'yon.

✖️✖️✖️

Umaga na pala at Friday na, bilis lang ng araw!
Binuksan mo ang ipad mo na ang password at 1111. Oo langya ka, makakalimutin ka kasi!

Maraming nag pop out na chat sa iyo.
Maraming nag chat na excited sila ngayong araw kasi mamimeet na nila ang mga ka chat nila. Ang mga O.A. talaga! Eyeball lang ang tawag diyan, pinaganda lang!

Nakita mong nag chat pala si ItsS.E.X sa iyo.

ItsS.E.X: Just wear red, mag re-red din ako. Sa F.E.L Garden ha? :)

Ugh. Naligo ka na at pumunta na sa walk in closet mo. Hindi ka nag red. Aba! Di mo nga feel na makipagkita sa poser na 'yon.

Nag black ka.

✖️✖️✖️
Hindi mo nakita ang mga bitch friend mo sa lobby. Buti nalang talaga at wala sila dahil mag-iingay na naman sila for sure.

Napansin mong wala palang pasok ngayon kasi inuna pa ng school ang kalandian at lahat ng students nagpunta nga sa F.E.L garden.

Mga langya! Ang landi landi!
sabi ng isip mo

Wala kang magawa kaya pumunta na rin doon.

Pagpunta mo doon, maraming kinikilig, maraming nagsisigaw. Napa irap ka nalang at naupo sa may bench. Naka cross arms ka pa at parang halata sa mukha mo na bitter ka.

"S.E.X.?"
Edi parang nabuhusan ka na naman ng lava kasi uminit na naman ang ulo mo.

"Anong ginagawa mo dito?"
Natatawa niyang sabi at umupo siya sa tabi mo

Natatawa? Oo naman. Hindi siya makapaniwala na ang isang tulad mo ay pupunta at makikisabay sa ka cheapan ng mga estudyante.

"Napadaan lang ako. Ikaw ba?"
Tiningnan mo siya at nakablack din ito. Di mo na sinabi na may hinahanap ka. Oo na curious ka kasi sa tangang ka chat mo.

"Hmm. May hinihintay."
Sabi niya at napatingin siya sa'yo

Tumingin ka nalang sa ibang direksyon at nakita mo si Levi na papalapit sa inyo.

'tong madaldal na ito? Ano na naman ang ginagawa niya dito?

Nakared ito at nakangiti sa iyo.

"Oh fvck. Anong ginagawa niya dito?"
Nainis naman bigla si Josiah

"Hi Eliza!"
Bati niya sa iyo at pumagitna ng upo, hinarap ka niya at napa-irap ka nalang.

"Hindi ka ba nag-aaral?"
Tanong mo sa kanya

"Hmm. Nawalan na ako ng gana, kasi nandun ang ex ko, habol nang habol sa akin! Kilala mo ba siya? Hmm. Malamang hindi. Pero kaibigan 'yon ni Kaila yung ka date ni Josiah. Bagay na bagay sila ni Josiah---"

"Ugh! Simpeng tanong lang ang binigay ko Levi at nag essay ka na! Langya e!"
sigaw mo sa kanya

"Hoy Levi? Ano na naman ba ang ginagawa mo dito?"
Tanong ni Josiah kaya napatingin si Levi sa kanya

"Magmi-meet kami ng ka chat ko,"
Sagot niya

Aba? Feeling kasali siya ano?

"Duh! Exclusive lang 'yon sa school namin!"
singit mo

"Like duh! Dito kaya ako nag aral!"
Sigaw ni Levi kaya nagulat kayo pareho ni Josiah

"ANO?!"
sabay niyong sigaw ni Josiah. Meant to be? Langya!

"Joke lang! Ang pangit kaya ng school niyo. Like duh!"
Ginaya pa talaga ni Levi ang reaction mo.

"So sino pala ime-meet mo?"
Tanong ni Josiah na medyo kumalma na

"Si SobrangGanda?"
sagot niya

kaya napanga-nga ka naman, siya ba yung ka chat mo?
Naka red din kasi ang hinayupak!

"Wait. Ako ang ka chat niya!"
Matigas na sabi ni Josiah

Luh? Hoy Steph? Diba iisa lang naman yung ka chat mo?

"Ako sabi."
Nakangising sabi ni Levi

"Ako!"
sigaw naman ni Josiah

"Me! Like Duh!"
sigaw na rin ni Levi

Dahil ang ingay na nila,

"E punyeta lang! Bakit ka ba hindi nag red Josiah?!"

Kaya napatingin silang dalawa sa iyo. At nabigla ka naman sa sinabi mo.

"Ikaw si SobrangGanda?!"
hindi nila makapaniwalang tanong sa iyo, at take note. Sabay pa ha? XD

Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon