5

3.1K 189 31
                                    

Gulf's POV

Naiinis na ko kasi kanina pa tawa ng tawa si Ohm. Inaya ko na nga siya sa iba na lang kumain.

"You're a real tomato back there" I know right? Yung dapat normal na blush lang,pero sa akin buong katawan talaga ata palagi.

"Can you shut up?I swear I"m going to hit you" Hiyang hiya na nga ko kanina dinadagdagan niya pa.

"Wooah chill man. Kelan ka pa naging violent" I know he's joking. I never lay a hand to anyone. Siya lang talaga nakukurot ko palagi pag napipikon na ko.

I just ignored him. Iniisip ko kung masyado ba kong naging obvious..

"Wait..ano yung sinabi ni Mew kanina? Care to share? Nagsisikreto ka na sa akin"

"Eh di yun,hinatid niya ko. Nakita niya ko sa mall alone eh lowbat ako hindi ko kayo matawagan"

"Wtf! Yan na nga sinasabi ko sayo eh"

"Words Ohm,your words"
Hindi talaga ako sanay na nakakarinig ng mura.

"I'm sorry,next time wag ka na aalis mag-isa! Always tell me"

"Hindi ba yun good thing? Atleast magkasama kami kagabi. I'm so happy"

"Okay,I see that you are happy. Ingat pa din okay"

~~~~~

The next day dala ko na yung mga brownies for him. Nilagay ko na siya kagabi sa bag ko para hindi ko makalimutan. This is it.

Actually kahit hindi niya sakin sabihin yung locker number alam ko kung saan ilalagay. Kabisado ko kaya locker # niya thanks to my bestfriend. Palagi ako nag-iiwan ng brownies dito ng nakaraan. Huminto lang ako nang nakaraan, I witnessed him scolding the girl. Natapon ata sa table niya,yung binigay na frappe ng babae. Bakit nga ba nagkagusto ako sa lalaking to.

I placed the brownies carefully. I just added a simple note "Thank you :) "

~~~~~~

Mew's POV

Nang pangalawang balik ko na sa locker ngayong umaga nakita ko na yung hinihintay ko-- the brownies. Napangiti ako sa penmanship niya, kung hindi ko kilala yung nagbigay nito iisipin ko na napakaganda niyang babae.

I can't wait to try it. Familiar yung itsura. Unang kagat ko pa lang, I knew it. Ito yun..the heavenly brownies I've been missing the past few days. Dinala ko sa classroom namin at hindi ko namalayan naubos ko na pala. Kailangan ko na naman bumawi sa gym ko.

Vacant na namin ng hapon, so I asked Boun to text Ohm para makasama siya tumambay dito sa campus park. Marami ditong nagskateboard,nagbabike at mga magsyotang naglalandian. Dito tumatambay yung mga estudyanteng uwian na pero wala pa din balak umuwi.

For sure pag pumunta dito si Ohm,kasama niya din si Gulf. Bakit ba palaging pumapasok sa utak ko si Gulf.

"Papunta na daw siya tol"
Ano daw siya lang? Bakit siya lang? Ano ba tong iniisip ko.

Pero napangiti ako ng nakita ko kasama niya yung ineexpect ko. Kailangan ko pa siya makausap.

Naglalakad pa lang sila palapit sinalubong ko na agad sila.

"Hey let's talk!" Diretso lang tingin ko sa kanya.

Bigla naman natawa si Ohm kasi hindi ko siya pinansin. "Woah dude..Gulf usap muna kayo ha?"

Nakita ko naman nahihiya siya sumunod sa akin. Siyempre lumayo ako ng konti sa mga kaibigan ko.

"So it was you? Ikaw yung palaging naglalagay ng brownies sa locker ko"

"Uhmm. About that.. sorry okay.."
Nakita ko namumula na naman siya ulit. Sakit niya ba to?!

"Now tell me, why?"

" Uhmm sorry. Hindi ko na uulitin. I stopped naman na last week eh. Naglagay lang ako ulit kasi you asked for it"
Ano ba sinasabi nito. I'm just asking why pero bakit parang natatakot to.

"Hey, I just want to know why"

Nagulat naman ako sa sinagot niya sakin. "Kasi muka kang gutom!" Pagkasabi niya nito bigla na lang siya tumalikod papunta kay Ohm.
What the hell. Hindi ko alam kung ito na ba yung pinakamalalang insulto na natanggap ko sa buhay ko. Ano daw? Sino mukang gutom. F*ck.

Nakita ko na hinihila niya si Ohm paalis. Pagkatapos mo ko insultuhin bigla ka na lang aalis? And worse kasama ulit si Ohm. Hindi ko maiintindihan ang nararamdaman ko. I need to talk to Kao siya lang nakakausap ko about sa mga seryosong bagay.

"Kao, naramdaman mo na ba yung feeling na  kapag nakikita mo yung dalawang tao magkasama parang nahihirapan ka huminga?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Well if it's a boy and a girl you're talking about baka nagseselos ka."

What the hell. Pano ako magseselos, I never experienced it.

"Paano kung dalawa silang lalaki?"

"Doesn't matter, baka may feelings ka sa isa."

"What the hell dude anong pinagsasabi mo bakit naman ako magkakagusto kay Gulf eh pareho kaming lalaki" Diri diretso lang salita ko ng napansin ko nakangiti na rin pati si Boun sa akin. Sh*t narinig niya. Napalakas naman yung sinabi ko.I really hate my mouth.

"I didn't even drop a single name dude, baka yan talaga iniisip mo kaya bigla na lang lumabas" Nakakainis talaga to si Kao. Problema ko na talaga to sa sobrang straightforward ko kung ano ano na lang napagsasabi ko.

"Wala kayong narinig okay? I'm going to fu*cking kill you" Nakakainsulto yung ngitian nilang dalawa.

No, I am not in love. Never.

My Sweet Gulf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon