Chapter 37

26K 901 317
                                    

Bridgette's POV

"Pakidala nalang sa opisina ko. Salamat" pag-ngiti ko sa driver ko na inutusan ko para kuhanin ang mga papeles sa opisina together with my assistant.

Alas-kwatro palang ng madaling araw. Nandito ako ngayon sa kusina at umiinom ng kape. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayong oras na ito. Siguro dahil nadin sa hindi naman ako nakatulog.

Naglakad ako papunta sa home office ko at inumpisahang pumirma sa mga dokumentong kailangan kong pirmahan. Nag-assign kasi ako ng tao na magta-take over muna sa company for the mean time lalo na at aalis na kami patungong New Zealand ngayong araw. Mamamalagi muna kami doon ng ilang linggo, o ilang buwan... hindi ko alam.

Ngayong araw nadin ang kasal ni Chelsea kay Paul. Halo-halo na ang nararamdaman ko dahil oras ang kalaban ko. Yung feeling na para kang naghihintay ng paglilitis? O kaya naman ay yung naghihintay ka ng resulta sa board exams? Or worst, hindi mo alam anytime ay pwede kang mamatay. Ang hirap. Masikip sa dibdib.

Inabot ako ng ilang oras sa pagpi-pirma dahil nga last minute ang trip na ito at sobrang daming dokumento ang kailangan kong ayusin dahil mahirap mag-ayos ng papeles kapag nasa ibang bansa kana.

Mag aalas-7 na noong natapos ako at naisipan kong puntahan si Jane sa kaniyang kwarto. Tinabihan ko ito atsaka niyakap.

Deserve ng anak ko ang tahimik at payapang buhay.

Hindi ko namalayan at nakatulog ako sa tabi nito. Nagising nalang ako noong may kumalabit at ang cute na ngiti ng anak ko ang bumungad saakin.

"Mommy, wake up" at sunod nito akong hinalikan sa pisngi. "We're gonna be late" wika nito dahilan para bumangon ako bigla. Bahagyang pumintig ang ulo ko dahil sa biglaan kong pagtayo mula sa pagkakahiga pero maya-maya din ay nawala.

Tumayo ako at tumingin sa orasan na nasa dingding ng kwarto.

9:27AM.

"Shit"

"Mommy that's bad diba" pag-tawag saakin ni Jane habang tinataas ko ang blinds ng bintana.

"I'm sorry, baby"

10:00 ang kasal ni Chelsea at 9:30 ang call time sa simbahan. Hindi ko namalayan na napasarap ang tulog ko. Dapat tatabihan ko lang si Jane e.

Paglabas ko ng kwarto ay busy na ang mga kasambahay para sa pagliligpit ng mga gamit na dadalhin namin sa New Zealand. At halos sa mga furniture sa bahay ay nakabalot na ng puting tela.

"Bridgette, naka-ayos na ang susuutin ninyo sa kwarto. Nandito nadin ang mga maga-ayos kay Jane. Dalian niyo na at baka kayo nalang ang hinihintay doon" wika ni Nanay Pasing. Sa lahat ng nangyari sa mga nag-daang taon ay hindi ako iniwan ni Nanay. Actually ay sasama din siya saamin sa New Zealand. Noong una ay umayaw ito dahil ayaw niyang maiwan ang nagi-isa niyang anak sa pagka-dalaga na si Tina pero napag-pasyahaan namin na isasama nadin namin siya doon para makapag-aral sa kolehiyo habang tumutulong saamin.

"Salamat, Nay" pag-yakap ko rito.

Nag-madali kaming kumain ng agahan ni Jane at sunod naman itong inayusan. Ako naman ay simpleng slacks at blouse lang ang isinuot ko dahil hindi naman ako papasok ng simbahan.

Nagulat ako noong nakita ko si Mama na papasok ng bahay.

"Oh, Ma.. anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakaniya habang sinusuot ko ang hikaw ko.

"Sasamahan ko ang apo ko sa loob ng simbahan" pag-ngiti nito saakin.

Sa simpleng bagay lang na 'yon ay natunaw ang puso ko. Alam ni Mama na hindi ko kayang pumasok sa simbahan kung saan ikakasal ang mahal ko sa iba.

The Politician's Affair (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon