Kabanata 1

67.9K 3.4K 1.6K
                                    

Kabanata 1

"Lia, ayos ka na?" ani ng nurse sa akin na kaagad kong nginitian.

"Opo." I muttered, smiling a bit at her.

They helped me lay down on the bed and my eyes landed at Atlas. Abala siya sa pagpilit na pagtayo para silipin ako pero nanatili hindi magawa dahil sa pagpigil sa kanya ng coach.

"Atlas!" he hissed.

"Coach, sisilipin ko lang—"

"She's alright, okay?" paliwanag ng coach.

"No, her watch—"

"Okay ka lang, Miss, 'di ba?" the coach asked, mabilis na sumulyap sa akin kaya mabilis akong tumango.

"O-opo..." I nodded. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Atlas doon.

"Really? Your—"

"A-ayos lang po ako," mahinang sabi ko at ngumiti.

"Sabi ko sa'yo, eh." Ani ng coach pero seryosong nakatitig pa rin sa akin si Atlas.

Tumikhim ako, nag-iwas ng tingin at pasimpleng uminom ng tubig para iwasan siya.

Kakakalma ko lang pero nagsisimula na naman ang malakas na pintig ng puso ko. Pa-simple akong sumulyap sa kanya at nagsalubong ang mata namin. Napaubo ako ng malakas nang pumasok ang tubig sa ilong ko at napahawak sa lalamunan.

"Amalia!" Nurse Anna called me, mas humawak pa ako sa lalamunan at nakita ang akmang pagtayo ni Atlas habang kunot ang noo.

"A-ayos lang po ako," mahinang sabi ko pagkaraan, huminga ng malalim at nakita ko ang pag-ambang tayo ni Atlas.

"Montezides!" tawag ng coach niya, nakita ko ang pagbalik niya sap ag-upo nang bahagya siya itulak pabalik nito.

"She's—"

"A-ayos lang po, pasensya na." mahinang sabi ko, hiyang-hiya habang tumutungo.

"Lia, ayos ka lang?" baling sa akin ni Nurse Anna kaya tipid akong ngumiti.

"N-nabilaukan lang po." Mahinang sabi ko.

"Oh, sige, siya, maupo ka muna r'yan." Sabi niya kaya tumango ako.

The assistant nurse helped me, sumandal ako sa may head board at napansing nawala na sa akin ang kanyang atensyon.

I smiled.

At least, kahit papaano ay mayroon. Kahit saglit.

Nakita kong binatukan ng coach si Atlas kaya napanguso ako, inayos ni Nurse Anna ang kumot sa hita ko at inabot sa akin ang bag ko.

"Magpahinga ka muna," aniya at ngumiti.

"Salamat po," mahinang sabi ko at iniwan niya ako para asikasuhin ang gagamitin kay Atlas.

"Coach, ayos na rin ang paa ko, baka p'wedeng maglaro—"

"Subukan mo, Montezides at ako pa mismo ang puputol sa paa mo!" iritadong sabi ni coach sa kanya.

I saw how his lips protruded, napahawak sa batok at suminghap.

"Coach!" he whined.

"Hindi, ipagpahinga mo 'yang paa mo." Ani ng coach at bumaling sa nurse na naroon. "Nurse Anna, ikaw na muna bahala sa pasaway na 'to, on-going pa ang game, bibisitahin ko lang ang team at baka magpatapon na kasi wala ang pabida nilang captain—"

"A-anong pabida? Coach!" reklamo niya, kunot na ang noo at nakanguso.

Napangiti ako at bahagyang dinama ang puso at siniguradong kalmado na ako.

Brave HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon