Prologue

24.4K 506 139
                                    

Agrezor Series #1 - The Charm
Agrezor Series #2 - The Curse
Agrezor Series #3 - The Chase
Agrezor Series #4 - The Chain

•••••••••
Different character flaws are present in this story. Also, this story tackles a social issue you might feel uncomfortable with. You have been warned!
•••••••••

Prologue

"Ragna!"

Nilingon ko si Phoebe na tumatakbo na akala mo ay walang mga tricycle na namamasada sa daan. Tumigil siya sa tabi ko at itinuon niya ang mga kamay sa mga tuhod. Tiningala niya ako at pinahiran ang butil-butil na pawis sa noo niya. She was panting caused by running.

"Ano?" tanong ko sa best friend ko. Hinawakan ko ang braso niya at itinabi siya. May paparating kasi na tricycle at baka masanggi siya noon.

I was on my way to our house from the university I was studying at. Kumukuha ako ng kursong Nursing dahil iyon talaga ang pangarap ko, ang maging nurse balang araw.

"Punta tayo sa plaza. May mga artista raw mamaya sa amateur. Mag-judge ata!" excited niyang sabi.

Papaano ay bukas kapistahan na ng bayan ng Tanay. Amoy na nga sa mga daraanan ang nilulutong handa ng mga kapitbahay. Gusto ko na tuloy makarating sa bahay dahil ginugutom na rin ako. While at school, I was thinking if my parents were done cooking ube. Hanep, kulang na lang ay maglaway ako kanina dahil sa pinag-iisip kong dadatnan sa bahay.

"Pagod ako, Phoebe. Ang dami kong ni-review kaninang daling-araw para sa quiz namin. Gusto ko na lang magpahinga—"

"No, Ragna! Sasama ka dahil naipagpaalam na kita kila Tita kanina." She tapped my back and winked at me playfully. "See you later!" Then she blew me a kiss and ran again.

Makalas ka sana, Phoebe! Payat kasi siya pero maganda pa rin naman ang pangangatawan.

Sa halip na makapagpahinga ako e pupunta pa kami sa plaza. Jusko, aantukin lang ako tiyak mamaya.

Pagkarating ko sa bahay, agad akong humalik sa pisngi ng Papa ko na naghahalo ng ube. He shot me a broad smile before turning his gaze to my mother.

"Narito na ang ating nurse! Ipaghanda mo na ng hapunan at nang makakain na, mahal!"

Mahina kong kinurot sa tagiliran si Papa, hindi maiwasang kiligin. "Ang sweet naman aba! Mas matamis ka pa sa ubeng 'yan, Papa!"

Nagmano ako kay Mama at humalik din sa pisngi niya. Sinilip ko ang niluluto niyang menudo. Napakasarap ng amoy! Nakakagutom!

"Magpalit ka na muna ng damit. Kung maliligo ka, ipahinga mo muna ang paa mo," bilin niya habang nakatingin pa rin ako sa niluluto niyang putahe.

"Opo, Mama! Patikim ako niyan pagkatapos kong maligo."

"Sure! Tsupi na dali!" pagtataboy niya sa akin.

Tumatawa akong iniwan sila at pumasok sa kwarto ko. Naghanda ako ng pambahay at saglit na nagpahinga. Saka ako pumasok sa banyo at naligo.

Pagkatapos ng hapunan ay dumating ang maingay na si Phoebe. Hindi umubra ang pagdadasal ko kanina na sana ay huwag na niya akong sunduin.

"Phoebe, pagod nga ako!" Dumapa ako sa kama at siya ay nakatayo lang na pinanonood ako.

Ang loka nagkulot pa ng dulo ng buhok. May oras pa siyang gawin iyon samantalang sa plaza lang naman kami pupunta.

"Are you going with me or you'll lose the chance to meet handsome guys tonight?" she smirked.

The Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon