Season 3: Episode 16

4.8K 415 177
                                    

"Okay na ba ang lahat?" I asked while grabbing my weapon.

They all nod. Santhy is smiling at me as if this will really save us. Briela and Manuel, on the other side, are staring at me while hiding their wince. Katulad ko, alam nilang walang magagawa itong armas namin hanggang dulo. Oo, mapapahinto nito ang mga buhay na bangkay, pero hindi iyon hanggang dulo.

There is still a fragment for our survival. Wala na talagang kasiguraduhan kung makakaabot pa ba kami sa susunod na mga oras-- o mga minuto.

Hindi ko na talaga alam.

At ito ang nakakatakot, alam ko nang hindi na namin hawak ang mga buhay namin. Kasi ramdam ko-- sa pagtingin pa lang sa sandatang ginawa namin, para na rin kaming nag-suicide.

Anong magagawa ng mga syringe na ito sa mga buhay na bangkay? Ni tumagos nga sa ulo nila ay hindi nito magagawa.

"Tara na, Sir?" Manuel asked. There is a tone on his voice that speaks danger.

I nod at him. "Pangunahan natin." Then I turned my gaze at Briela and Santhy. "Kayong dalawa ang in-charge sa likod namin. Okay?"

Santhy nod, still on his wide smile.

Briela is winking at me. "I got you, Sir. Literally and metaphorically."

I chose not to mind her obnoxious respond. "You can also use your gun for now. You are a shooter so you do it."

"Ay!" Pagak siyang tumawa. "Mas shooter ka, Sir kasi titig mo pa lang, tinamaan na agad ako dito!" Tinuro niya ang kanyang puso at umaktong may tumama doong matulis na bagay.

"Isa pa talaga, Ate Briela. Ikaw ang tutusukin ko nito." Nag-poker face si Santhy habang pinapakita ang kanyang armas.

"KJ mo talaga, future stepson--"

"Hay nako, bahala ka nga diyan!" Santhy rudely followed us. Leaving Briela there while rolling her eyes at him. She is short-tempered, walang pinipili ang pagiging masungit niya. Kahit anak ko pa ang paguusapan.

When Manuel and I reached the door, maingat kaming pumwesto para idikit ang tainga sa pinto. Wala ni isang tunog kaming narinig mula sa labas.

"Do you think it's safe?" I whispered at Manuel. He is carefully observing the silence.

Then he concluded it with a nervous wince. "Hindi ko alam, Sir. Sa mga oras naman na ito, walang sitwasyon ang ligtas tayo."

"Right," I sighed.

"Sir, let's just go and try to survive."

I nod at him. That was a cue for him to open the door. Naging handa sina Briela at Santhy sa likod namin noong magsimula kaming lumabas mula sa kwarto. Wala ni gaanong liwanag ang makikita sa corridor na ito. Madilim ito at sinamahan pa ng patay-bukas na mga ilaw dahilan para makasiguro kaming walang buhay na bangkay sa paligid.

"I really hate this . . ." Manuel mumbled. I can clearly feel how he trembles just by looking by the way how his weapon shook.

Malaki ang pasasalamat namin sa lahat ng Diyos sa itaas nang wala talaga kaming nakasalubong na kanit anong panganib sa floor na ito. Wala kasi itong laman kung hindi kadiliman at kakatwang lamig na humahaplos sa aming katawan.

"Phew!" Santhy mumbled. Muntik na akong mapasigaw sa gulat. Bigla ba namang humiyaw sa gitna ng katahimik ang pag-iingat ng galaw namin.

"Akala ko mamamatay na talaga tayo." Nagkamot pa siya ng ulo habang ngumisi na para bang nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Kahit na safe tayo ngayon, 'wag magpakampante. Hindi natin alam kung anong panganib ang nag-aabang sa atin sa ibaba ng floor na ito." I gave him a careful gaze. "Okay?"

Nagbago ang kanyang mukha. Naging seryoso ito. He is pursing his lips when he started to nod. I just chose to mess his hair to tell him that it's okay.

Nagsimula na uli kaming magpatuloy. Pigil ang hininga ko dahil sa kaba nang magsimula na kaming maglakad pababa ng hagdan. Noong marating na namin ang huling baitang ng hagdan ay sinalubong kami ng kakaibang lamig. May kakaiba sa palapag na ito, nakakasigurado ako doon.

With my hand, I gestured Briela and Santhy to just carefully stay close with us. They followed my lead without any question.

Habang naglalakad, tanging tunog lang ng combat shoes namin nina Manuel at Briela ang maririnig. Maingay itong tumatama sa tiles dahilan para makagawa ng echo sa buong palapag. At nakadagdag lang iyon sa kabang nadarama ko. Sinamahan pa ito ng patay-bukas pa ring mga ilaw.

Bumuga ako nang malalim hininga. Pilit na pinakalma ang sarili laban sa pagtagaktak ng malamig kong pawis pababa sa aking leeg. Ang paghinga ko naman ay mabigat, ginatungan pa ito ng face mask ko.

Pero bigla, nangingkit ang mga mata ko.

"Shit . . ." Anas ni Manuel.

Isang stuff toy ang tumambad sa harapan namin. May nagtapon noon sa aming direksyon. It's a brown teddy bear.

Nagkatinginan kami ni Manuel. Parehong napapakurap, hindi kami naging handa nang biglang tumunog ang malakas na speaker mula sa kung saan. Patuloy nang tumayo ang mga balahibo ko nang marinig ang kantang pinapatugtog mula doon . . .

Sana'y di magmaliw ang dati kong araw,
Nang munti pang bata sa piling ni nanay.
Nais kong maulit ang awit ni inang mahal.
Awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan.

Natataranta, pinilit kong mag-focus para siguraduhin ang kaligtasan namin. Pinilit kong gumawa ng paraan laban sa paparating na panganib.

Pero bigla na lang akong natigilan.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapadako ako sa teddy bear. I can clearly see a small red lights from there. And just by seeing it, I know that we really need to fucking run away from it.

Because it will perish.

Because inside that teddy bear is a bomb that will kill us alive.

"Takbo! Bilis!" Those are the last words I yelled before I expect for a deadly explosion.

The Last QuarantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon