Epilogue

14.5K 669 532
                                    



Third Person's POV

Mabagal na tumakbo si Marceline habang drini-dribble ang bola. Nasa likuran ni Dite si Zap na pilit na sinusubukan na makapwesto sa harapan ni Dite pero masyadong malakas si Dite. Naisip ni Zap na hindi na makipaggitgitan kay Dite kaya tumakbo sya palayo kay Dite. Nung wala na syang bantay ay pinasahan sya ni Marceline ng bola. Pagkakuha nya at pagkaharap sa likuran, bahagya syang nagulat nung makita si Dite.

Mabilis nyang drinibble ang bola at kumilos. Kahit anong gawin nya nahahabol sya ni Dite at hindi sya makasugod ng diretso sa ring. Nagulat sya nung mahampas ni Dite ang bola. Inis na sumunod sya kay Dite na mabilis na dumiretso sa kabilang ring. Hindi nya ito naabutan.

"Don't mind." tapik ni Marceline sa likuran ni Zap.

Huminga ng malalim si Zap at hinampas ang mukha. Nagulat ang mga kasamahan nya sa ginawa nya. Tinignan nila ito at nakita nilang seryoso na si Zap. Pagkapasok ni Lulu ng bola kay Marceline, ipinasa ni Marceline ang bola kay Zap. Dali-daling tumakbo si Zap pasugod kay Dite. Tumigil ito at umikot, napansin nya sumunod si Dite sa kabilang side nya kaya naman hindi sya tumuloy sa kaliwa, bumalik sya sa kanan at nalagpasan si Dite.

Tumalon si Zap para mag-lay up pero naharangan ni Dite ang ring. Ibinaba ni Zap ang bola at ipinasa ito kay Blythe. Nagawa na rin makapuntos ng Dragon Empire simula nung sunod-sunod ang puntos ng Miracle.

"Nice one, Zap!" itinaas ni Marceline ang kamay nya para makipag-apir kay Zap pero hindi sya napansin ni Zap kahit na sa harap lang nito sya dumaan. Focus na focus si Zap kay Dite. Hindi nya inaalis ang tingin nya rito.

"Wag mo muna pansinin si Zap. Siguradong naka-focus syang talunin si Dite." sabi ni Blythe kay Marceline.

"Ang sakit pala na hindi ka pinapansin 'no?" tanong ni Marceline. Nakakunot ang noong tinignan ni Blythe si Marceline tapos hindi na lang nya ito pinansin. "Sakit." nandidibdib na sabi ni Marceline.

Mabilis na sumugod si Dite. Nagawa nyang makalagpas kay Marceline sa isang iglap. Humarang si Zap sa kanya pero nagawa pa rin makalagpas ni Dite sa kanya. Pinilit nyang humabol. Nung mag-lay up si Dite, nagawa nang daplisan ng daliri nya ang bola. Maraming naghiyawan na sa unang pagkakataon sa laro, hindi pumasok ang bola ni Dite.

"Kahit na tatlong buwan syang hindi masyadong nagpra-practice, kahit papaano nagawa nyang habulin si Dite." sabi ni Ella.

"Dahil iyon sa laban ng Dream Team sa Leon Sparks. Kahit ako, mapapansin ko na napag-iiwanan si Zap noon. Naramdaman iyon ni Zap kaya hindi sya nagpapatalo ngayon." sabi ni Avey. Narinig ni Kriza ang pinag-uusapan ng dalawang coach nila. Napansin rin iyon ni Kriza pero hindi nya iyon pinansin. Alam nyang gagawa ng paraan si Zap kaya hindi rin sya nagpatalo.

Kahit papaano ay napipigilan ni Zap si Dite pero kulang pa iyon para pigilan ito. Ramdam ng mga kakilala sa dalawa ang tensyon na namumuo sa dalawang Reyes. Kitang-kita nila ang galing na pinapakita ng dalawa. Napapaisip ang mga kaibigan ni Zoe na kung sakaling hindi nawalan ng kanang braso si Zoe, siguradong kasing galing ni Zoe ang dalawa.

Proud na proud naman si Zoe mapanood ang dalawang naglalaban. Hindi nya na naisip na gusto nyang manalo ang Miracle bagkus ay mas gusto nya pang makita ng matagal maglaro ang dalawa. Gusto nyang makita kung sino ang mananalo sa dalawa. Parehas nyang sinusuportahan ang dalawa.

Pagkasimula ng fourth quarter, pinalitan ng Miracle si Kennie ni Lee. Inire-reserve nila ito sa oras na ipasok ng Dragon Empire si Kriza. Lamang pa rin ang Miracle sa Dragon Empire pero tatlong puntos na lang ito. Hindi na pumapasok ang mga tira ni Dite dahil palaging nadadaplisan ni Zap at nakakapuntos rin si Zap kaya naman nahabol nila ang lamang.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now