Midnight Lover - 09

205K 2.2K 78
                                    

 

RAVEN

Hindi ko alam kung saan humuhugot ng laksa-laksang self-confidence itong si Asher at nagagawa niyang rumampa sa harap ng napakaraming tao na kakapiranggot na tela lang ang suot.

At kasabay ng tilian ng mga tao ay ang pagpipigil ko ng hininga. Halos hindi ko maalis ang mata ko kay Asher na ngayon ay cool na cool na rumarampa sa makeshift stage suot ang isang color green na underwear. At mas lalo pang naging wild ang mga manonood nang hawakan niya ang garter ng briefs na suot niya at hinila iyon pababa giving the audience a pretty sight of his perfect v-shaped cut in his lower torso.

And after the bikini wear is the Q and A portion where I think that Asher had the best answer of all the candidates. The night ended with him bagging most of the major awards and the title: Bikini King 2014.

Habang abala ang mga tao sa pagkuha ng picture sa mga nanalo ay bumalik na ako ng backstage para ayusin ang mga gamit namin ni Asher. At saktong kakalagay ko lang ng make-up set ko sa bag nang makita kong pumasok sa loob ng tent si Zeke—ang isa sa mga nag judge kanina.

Nagdadalawang isip pa ako kung lalapitan ko ba siya o hindi dahil kausap niya 'yong isa pang judge na ngayon ko lang napansing hawig sa artistang si Alex Gonzaga. At pati nga yata ugali ni Alex ay taglay rin naturang judge.

Lalabas na sana ako nang biglang napatingin sa direksiyong kinatatayuan ko si Zeke. And the moment his eyes found mine, bigla ay tila nagkaroon ng aparisyon sa pagitan ni Zeke at ng babaeng kumakausap sa kanya. Mabilis na nagpaalam si Zeke sa babaeng hawig kay Alex Gonzaga at saka lumapit sa akin.

Sa peripheral vision ko ay nakita kong sumimangot ang kalookalike ni Alex bago ngunguto-ngutong lumabas na ng tent.

“Hi!” bati sa akin ni Zeke nang ilang hakbang na lang ang pagitan niya sa 'kin. “Why do I have this feeling that this is not the first time na nagkita tayo?”

Napangiti ako kahit papaano ay naroon pa rin naman pala ang familiarity na naramdaman ko nang una ko siyang nakita kanina.

“Humanities class with Miss Mandy Viray. Madalas tayong tumambay sa Dya’s Café kung saan minsan tayong inabot ng madaling-araw dahil dinamayan natin ang isa’t isa noong mga panahong pareho tayong may problema,” pagpapaalala ko sa kanya.

At sa puntong 'yon ay ngumiti na si Zeke na tila may naalalang nakakatawa mula sa nakaraan. “Raven! Kumusta ka na? At paano ka nakarating dito?”

Nice question since hindi nga naman ako tagarito.

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon