14

2.6K 155 4
                                    

Mew's POV

Nagising ako sa yugyog ni Gulf sa akin.

"What happened? Just sleep." Napipikit pa mata ko sa antok. Pinakita niya lang sa akin ang relo niya. " Okay, 8PM, now what about it baby?"

"It means lagpas na ng dinner time baby, magagalit sa akin si mommy and daddy." Nakita ko na nangangarag na siya sa kaba.

"Chill baby,ihahatid kita"

Sa sasakyan pa lang hindi na siya mapakali.
Ngayon lang ata siya na late ng uwi.

Pagkahinto ko pa lang ng kotse tumakbo na agad siya sa loob.

"Mom, I'm sorry nakatulog talaga ko. Wala kaming ibang ginawang masama promise. Nagbake lang kami dun tas nagpahinga ako, then I fell asleep,pag gising ko its already 8"

Natatawa na lang ako sa isip ko kasi imbes na wala naman silang iniisip na kakaiba,mas lalo silang mapapaisip dahil para siyang guilty of something.

"Calm down sweetie. That's fine,okay? But you need to inform us next time so we won't worry"

Lumapit na man ako kay Gulf.

"Baby akala ko magkkwento ka sa mommy mo ng detailed na ginawa natin from the beginning eh. You act like your guilty."

"No baby, akala ko magagalit sila sa akin eh. This is the first time I went home late."

"I'll go ahead na baby. See you tomorrow" Paalam ko sa kanya. I kissed his cheek and went home.

~~~~~

3 months later. . .

Naging mas stable na relationship namin. Everything went well. Our love grows deeper everyday. This is actually my longest relationship ever.

Gulf seems to be busy this past few days.

Nakatambay lang kami ng mga kaibigan ko sa campus park habang nag-aabang ng uwian.

Nakahiga lang ako dito sa isang bench habang yung tatlo naman nasa kabilang bench nag-uusap.

Ang ingay ng mga babae sa likuran namin hindi tuloy ako makatulog.

Girl 1: grabe sobrang hot ng bagong professor no.

Girl 2: kaya lang ayaw sa girls. Negative tayo jan. He's gay.

Girl 3: pansin mo din pala? Simula ng unang araw niya.. yung mata niya naka focus lang kay GULF.

Nang narinig ko pangalan ng boyfriend ko, napabangon ako at tiningnan yung mga babaeng nag-uusap. Nakilala naman nila ako. Naalala ko mga mukha nito, mga classmates ni Gulf to.

"Out niyo na ba?" Sumagot naman yung isa ng kanina pa.

So kung kanina pa out nila, bakit hindi pa rin ako tinitext ni Gulf.

Sino daw yung sinasabi nila na may gusto sa boyfriend ko? Bagong professor?

Narinig din ata ng tatlo yung usapan kanina.

Tinawagan ko siya.

"Out mo na pala hindi ka nagtetext?"

"Baby kakatapos ko lang sa ginagawa ko, saan kayo? Andiyan ba si Ohm?"

"Sa park siyempre. Andito. Bilisan mo diyan."

Maya-maya nakita ko naman siya na may kasamang lalaki papalapit sa amin.

"Ohm, meet Sir Tul, Sir ito si Ohm yung sinasabi ko" So talagang si Ohm una niyang pinakilala.

"Hi Sir, what about po?" Tanong ni Ohm.

"I asked Gulf kasi to be part of the debate team and he said you're good as well. So if you want to you can join as well.This is a new team kasi." I wonder how old his professor is.

"You sure about joining this Gulf" I saw Gulf nodded twice so Ohm agreed as well.

"Sure Sir." Ohm answered

"Thank you guys and see you tomorrow Gulf"
I hate his vibe.

Nang umalis yung prof. nila, nakita kong nakailang silip pa siya kay Gulf pero mukang hindi naman napansin ng boyfriend ko kasi sa akin siya nakatingin.

"Baby alam ba ng professor mo na may boyfriend ka?" Tanong ko sa kanya.

"Siguro naman baby, kasi narinig niya na may kausap ako sa phone" Sagot sa akin ni Gulf habang nakatitig lang sa akin.

"Tell him." Utos ko kay Gulf.

"Sige baby, pag tinanong niya siyempre awkward naman kapag bigla ko na lang sinabi." Nakayakap lang siya sa akin. He seems tired.

"Ano ba ginawa niyo bakit pagod ka?"

"Uhm naghanap kami topic to discuss for the debate. He asked me for help. Kaya hindi ako nakatext agad." Kawawa naman baby ko.

"Do you really need to join that?!"
Hindi mawala sa isip ko yung usapan ng mga classmates niya kanina.Malaki yung chance na tama yung assumptions nila.
Naramdaman ko sa balikat ko yung pagtango niya.

"He loves debate eversince" Si Ohm naman nagsalita. "How about dinner together today?" Aya ni kao.

I asked Gulf if he want to. Nakayakap pa rin siya sa akin. His head resting on my shoulder. "I'll text your mom,ihahatid kita today in case na tumagal kain natin sa labas" Tumango lang siya ulit.

Habang kumakain kami sa favorite restaurant ni kao, naramdaman ko vibrate ng vibrate phone niya sa loob ng bag. Hindi niya siguro napapansin kasi nasa tabi ng upuan ko yung bags naming dalawa. I opened his bag and pick up the phone.
May tumatawag na number sa kanya so I decided to answer the call. He's busy eating kaya napatingin siya sa akin.

"Yes?" Sagot ko sa kabilang linya.

"Thank you about earlier. Natapos natin ng maaga dahil sayo. You're so good"
Nalaman ko agad kung sino tumatawag. "This is Tul btw"

"And this is his boyfriend by the way. He's busy eating." I said it with a hint of annoyance.

"Aw see, thanks. Tell Kana I called. Thanks"
Then he hang up the phone.

I faced Gulf. "Bakit alam ng prof mo number mo and why the hell he is calling you KANA?"
I just confirmed it. That professor is a jerk.

My Sweet Gulf (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon