Chapter 1

164 24 12
                                    

First Day

In this world full of different kinds of people, may mga taong mabubuti at masasama. Mayroon din namang mga tunay at peke. May mga toxic ang ugali na akala mo ay kaibigan mo sa una ngunit pag nakatalikod ka na ay tila ba sinasaksak ka ng insulto at panlalait.

Mahirap humanap ng totoong kaibigan. It is hard to find a friend who can understand me. 'Yung nakakaintindi sa mga katangahan ko, yung mga nakikinig sa non-sense rants, and especially my disgusting mood swings. This is a world consists of almost 7.5 billions of people right, at nandun pa ako sa process ng paghihintay kung sino man sya.

Mayroon naman akong iilang mga kaibigan. I have my close friend, Asley Cruz na nakakasama ko lagi simula pa noong naghighschool ako. Pero minsan naiinis na sya saken pero hindi nya lang pinapahalata. There comes a time na hindi na nya nakontrol ang inis sa akin kung kaya napilitan syang hindi ako pansinin sa loob ng isang linggo.

Minsan nga nagtataka na rin ako kung bat ganito ang ugali ko dahil ibaang iba naman ako nung bata pa ako. Mabuti na lang at nariyan pa rin sya para naman may nakakasama at nakakausap ako sa school.

Hi, I'm Arian Grace Vergara, 17 years old pero ang height ko ay parang isang grade 7 student na nakikipagtakbuhan sa corridor ng school. Dahil nga rito, madalas akong tuksuhin simula bata pa ako.

I was always tease as "mushroom" lalo na pag nakapayong ako at kung hindi naman ay tatawagin nila akong "Onanay", karakter iyon sa isang teleserye sa GMA. Minsan ay hindi na ako naiinis sa kanilang panunuya dahil nakasanayan ko na ito. Yun ba namang halos labindalawang taon na akong inaasar ng ganun ay sadyang nasanay na talaga ang aking tenga.

Hindi ako katalinuhang estudyante dahil sa katunayan, I'm just an easy go lucky girl na hindi masyadong focus sa pag-aaral. Tuwing may lecture nga sa school ay lagi ko na lang kahuntahan si Asley kung kaya lagi din kaming napapagalitan.

Hindi rin ako ganung kagandahan tulad ng mga artista sa T.V at lalo't higit ay hindi matangkad tulad ng isang beauty queen kung kaya ay hanggang ngayon "nbsb" pa rin ako. Hindi ako yung tipong pagtutuunan ng tingin ng mga kalalakihan dahil may pagkamataray rin ako at suplada.

I have my talent naman. I always wants to sing inside our bathroom or sa videoke tuwing may birthdayan. I also practice calligraphy everytime and Im fond of reading books and Wattpad. I have this habit of me na if ever I find a thing mysterious or unique, kahit na bagay pa man yan o partikular na tao, ay ginagawan ko ng tula o di kaya naman ay short phrase. Definitely, I really like Arts more than anything else.

Di naman ganun karangya ang pamumuhay namin. Si Mama ay isang empleyado sa Munisipyo at hindi rin naman ganoon kalaki ang kanyang kita. Si Papa naman ay dating factory worker na higit na mas malaki ang kita kumpara kay Mama, ngunit sa kasamaang palad, noong walong taong gulang pa lamang ako, ay iniwan nya na kami dahil nabaril sya ng hindi pa nakikilalang lalaki.

Matagal ko ng tinanggap ang pangyayaring iyon at napatawad ko na rin kung sino mang gago ang gumawa noon sa kanya. Tinandaan ko na lang yung laging bilin sa akin ni Papa na ang pagpapatawad ang isa sa pinakaimportanteng bagay na makakamit mo sa mundo dahil hindi lahat ng tao kayang magpatawad, kung kaya, hindi ko dapat ipagkait iyon sa kahit sino man.

Gayunman, miss na miss ko pa rin si Papa kahit magsasampung taon na siyang wala sa piling namin. Miss ko na yung mga ngiti nya. Yung tipong kahit napakalungkot ko noon, makita ko lang ang mga ngiti nya ay unti-unti ng gumagaan ang kalooban ko.

Miss ko na rin yung mga jokes nya noon na ngangayon ko napagtanto na ang cocorny pala. Likas kase sa katangian ni Papa ang pagkakaroon ng sense of humor, kung kaya di naa nakapagtataka na napaibig nya si Mama. Miss ko na rin yung mga yakap nya tuwing galing sya sa trabaho at may dalang pasalubong.

You'll Never Be AloneWhere stories live. Discover now