Chapter 20: No mercy

17.4K 803 237
                                    


CHAPTER TWENTY

No mercy


PAGKAPASOK namin sa loob ay napabuntonghininga ako dahil sa dami ng tao.

Alam ko naman na ganito talaga kadami ang taong madadatnan ko pero hindi ko pa rin maiwasang mainis ng kaunti.

Pati ang ibang mga freshmen at sophomore ay nandito rin kaya napailing na lang ako. Panigurado naghahanap na naman sina Carson at Kel ng lalandiin sa freshmen. Mahilig pa naman 'yon sa mga mas bata sa kanila.

Trev held my hand in the midst of the crowd, making me feel at ease at least.

As we finally reached the veranda, the team started chanting Trev's name and handed him a hard drink.

Inalok din ako ng alak nila Markee pero umiling lang ako. Ayaw ko munang uminom. Hindi naman masamang tumanggi, eh.

Napunta ang atensyon ko kay Rara na nakaupo sa tabi ni Gonz. She's laughing while he's talking about something.

I looked around. Nasa'n naman kaya ang girl friend ni Gonz? Bakit hindi niya yata kasama?

At nasaan din si Denver? Bakit hindi niya kasama si Rara?

"You alright, Captain?" bulong sa 'kin ni Trev nang makaupo kami sa tabi nila Markee.

Agad akong tumango. "May pagkain pa?" tanong ko dahil hindi pa ako naghahapunan. Ngumiti agad siya at tumango. "I'll get you food, Captain. Hintayin mo na lang ako dito," saad niya pero umiling ako.

"Stay here, Trev. Have fun with your friends. Kaya ko namang ikuha 'yong sarili ko. Ikaw ba? Ikuha rin kita?"

"Nah. I'm okay with this." Tinuro niya 'yong mga pulutan na nakalapag sa mesa na nasa harapan niya.

"Okay. I'll be right back."

He nodded and squeezed my hand. "Okay."

Napangiti ako dahil sa ginawa niya. Trev simply being Trev.

Pagkatayo ko ay dumaan ulit ako sa madaming tao sa loob.

Puro Belle Ville students lang din ang nandito bukod kay Denver. Sigurado ako nandito rin siya dahil nasa labas ang sasakyan niya. Pero nakapagtataka lang na hindi sila magkasama ni Rara.

Pagkadating ko sa kusina ay kumuha agad ako ng paper plate at naglagay ng pagkain. Una kong kinuha 'yong buffalo wings at carbonara. Kukuha pa sana ako ng pizza na nasa kitchen counter pero natigilan ako.

Denver was at the back of the kitchen counter, sitting on the floor while drinking beer.

"Bakit nand'yan ka?" I asked in curiosity. Nag-angat siya ng tingin at bakas sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa presensya ko.

Ilang segundo siyang nanatili sa gano'ng posisyon bago ngumiti at tumayo.

"We broke up."

Napataas ang kilay ko. "Huh?" wala sa sarili kong sabi.

"I broke up with Rara."

There was silence for a moment. Break na sila? Kailan pa? Bakit mukha namang masaya si Rara kanina no'ng kasama niya sila Gonz?

"Ikaw nakipag-break? Kailan pa?"

"Yeah. Last week pa," he answered sparingly, leaning on the kitchen counter.

Mahina akong natawa. "Ayos ka rin talaga eh 'no? Ugali mong makipaghiwalay sa mga nagiging girlfriend mo." Napailing na lang ako.

He just shrugged, a small smile escaping his lips.

To Win The War (Belle Ville Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon