Season 3: Episode 17

4.8K 400 204
                                    

A loud bang came before our defenseless ears. We are unguarded as an explosion started to come for our lives. Bago pa man sumabog ang bomba, agad kong nayakap si Santhy. Iyon ang dahilan kung bakit pareho kaming napahiga sa sahig. Ako ang naging salag niya laban sa mapanganib na pagsabog. Mabuti na lang talaga at mabilis kaming nakalayo doon bago pa man kami nito mapatay.

I can't feel my ears. Katulad ng isang paningin na malabo ang nakikita, hindi ko marinig nang ayos ang buong paligid. Sinamahan pa ito ng hapdi sa aking likod, ramdam kong nasunog ang bahagi nito.

Napangiwi ako, "Anak, Santhy . . ." I cough and tried to wake him up.

At first, I was scared. Wala siyang malay. Hindi ko siya magising. I tried everything. I slap him on his cheeks, I pinch his arms, I even come to a point where I have no choice but to punch him. Pero bago ko pa iyon magawa ay nagmulat na siya ng mga mata.

He is blinking his eyes. It seems like he realized the situation when his eyes started to go wide. "Dad!"

I phew-ed, along with my sigh. Napapangiwi akong umupo. Muntik na akong mapasigaw sa sakit nang maramdaman ko ang hapdi sa likod ko.

"Dad! Anong nangyari?!" My son panicked. Pero hindi ko pa rin siya marinig nang maayos. Mabilis siyang umupo at agad inalisa ang kalagayan ko.

He started with checking my arms. Matapos ay dumako siya sa likod ko at sandaling natigilan. From the view of his face when I turn my gaze at him, I am sure that my back was burned.

"Dad . . ." I can see the corners of his lips to go down.

"I am alright, Son." With an assuring smile, I messed his hair. That didn't calm him at all.

Maya-maya ay lumapit na sa amin sina Briela at Manuel. Briela's arms is burned. Si Manuel naman, sa hita napuruhan.

"Everything alright, Sir?" Malabo man ang naririnig, ngayon ay medyo naiintindihan ko na ang sinabi niya.

"Yes . . ." Pinigilan ko ang mapangiwi para hindi na mag-alala ang mangiyak-ngiyak kong anak. "Kayo, okay lang din?"

Briela winced while giving me a pout. I tried hard not to knit my eye brows because of her obnoxious view. "Sir, nasasaktan ako. Pahingi ng kiss."

Muntik na akong mabulunan sa sariling laway dahil sa narinig.

"Sige na, oh." She raised her forefinger. "Isa lang, oh. Hmp!"

I was about to speak when Santhy spoke for me. "Ate Briela, wala talagang pinipiling oras iyang karupukan mo."

Manuel nodded. "Agree." Which earned him a smack from Briela on the back of his head. I just chose not to mind them.

Tumayo na ako. Santhy is so quick to help me. He hold my arms. "Puro kayo kalokohan." Napailing ako, kasabay noong ang hindi ko na napigilang pag-ngiwi ko.

"Let's just heal ourselves for now." I turn my back at Briela and Manuel to show them my bruise. Doon ay pareho silang napangiwi. Gone are the minutes where Briela is pouting.

"That's quite . . ." Manuel seems searching words from my bruise, "a lot to work with."

"Quite?" Briela exclaimed, "hindi iyan quite! Gago, malala iyang nakuha ni Sir! Gamutin na natin agad siya! Ayokong ma-biyuda nang maaga!"

"Nananakit ako, Ate Briela." Santhy responded with a poker face.

I chose to just hush them. "Let's just move. Hospital naman ito, marami tayong magagamit dito. Ang mahalaga ngayon ay ang malinis itong mga sugat natin para hindi na malala pa ang matamo nating pinsala sa mga susunod na oras."

"Sa nakikita ko, second-degree burn ang nakuha mo, Sir." Manuel is eyeing me enigmatically. "Kailangan na talaga natin itong malinis. Hindi maganda ang maidudulot nito kapag na-infection ka."

I nod at him.

"Let's move." I mumbled with a low tone. Naaalarma na rin kasi ako sa hapdi na nararamdaman ko.

Nagsimula na kaming maglakad. Sina Briela at Santhy ay inaalalayan ako na para bang nalumpo ako. I fight the urge of me getting rude. I should know that they are only concerned with my well-being.

Tinahak na namin ang madilim at mausok na corridor. Amoy na amoy dito ang pulbura ng bomba. Kahit na naka-face mask na ako ay hindi pa rin nito naalis ang amoy.

Ngunit bigla, natigilan kami.

Mula sa dulo ng corridor ay may narinig kaming paghagikhik. Matitinis ang boses nila. Ang sakit nilang pakinggan. Nakakangiwi ng pagkatao.

"What the hell was that?" Briela mumbled.

I was about to speak when all of a sudden, the lights from the untouched part of the room started to came in. And I gasped from the first thing I saw at the latter part of this corridor.

There stood a zombie. She has an average body. But what piques my attention was her hands. Doon, nakita ko ang dalawang bangkay na sanggol. They are with wide mouth while looking at us as if we are their potential dinner.

"Shit . . ." Santhy only mumbled.

But I totally lose it when one by one, nadagdagan ang mga buhay na bangkay ng sanggol. Lahat sila ay gumapang papasok sa floor na ito. It was that specific moment when I realized that we are currently at the nursery section of this hospital.

"Putangina . . ." Sambit ni Manuel noong biglang sumigaw iyong babae. Ramdam ko ang pagkabasag ng kanyang lalamunan. Garalgal ito na animo ilang segundo na lang ay malalagutan na siya ng lalamunan. 

At napalunok na lang ako nang biglang naging mabilis ang ginawang pag-gapang ng mga patay na sanggol papunta sa amin. Para ba silang mga tiyanak na hayok na hayok sa laman ng tao. Katulad ng isang patay-gutom na leon, lumalapit sila para kitilin ang biktima nila-- para tapusin ang buhay namin.

The Last QuarantineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon