Chapter 24

1.4K 94 106
                                    

Mabilis ang pintig ng kanyang puso habang binabagtas niya ang hagdan pababa mula sa second floor ng villa kung saan naroon ang mga kwarto, napadaan siya sa may kusina at dinig niya na naroon pa ang mga kasamahan na modelo at umiinom pa. Marahil ay bawal ang uminom kaya patago ang mga ito at hindi lumalabas ng villa, habang umiinom. Sino naman kaya ang nagdala ng alak? Ang tanong naman niya sa kanyang sarili.
Pero hindi na iyun, importante, tahimik ang bawat hakbang niya palabas para hindi siya makita ng mga ito. Saka niya dahan-dahang binuksan ang pinto at tahimik siyang lumabas kasunod ng marahan na pagsara niya ng pinto.
At mula sa poolside ay tanaw niya ang dalampasigan, at dahil sa liwanag ng buwan ay naaaninag niya si Nikita na nakatayo sa tabing dagat.
Mabilis siyang naglakad patungo roon, ang bawat hakbang niya ay may gaan at tila ba gusto siyang liparin ng kanyang mga paa. Hanggang sa lumapat na ang kanyang mga nakatsinelas na paa sa kulay puting buhangin. Kasabay ng mabilis na tibok ng kanyang puso ay ang bilis din ng kanyang mga paa. Hanggang sa maabot niya ang mismong dalampasigan, at pinagmasdan niya ang nakatalikod na si Nikita.
Ang buhok nito na gumagalaw dahil sa malakas na ihip ng hangin, ang likod nito at ang makipot nitong bewang at ang maambok nitong pwet, at ang mahaba na pares ng mga hita at binti nito.
At mukhang naramdaman nito ang kanyang presensiya, unang pumihit ang ulo nito at bahagya itong lumingon sa likuran at nang makita siya nito ay pumihit na ang buo nitong katawan para harapin siya.
At halos mapigtal ang kanyang hininga nang tumambad ang kagandahan ni Nikita. Ang mga dibdib nito, na halos lumuwa sa trianggulo na kulay itim na tela ng suot na pang-itaas nito. At ang kurba ng bewang at balakang nito na nagbigay ng kagandahan sa ikinukubli ng kulay itim na suot na pang-ibaba nito. At dahil sa liwanag ng buwan, kanyang naaninag ang mga nagkalat na pekas sa maumbok na pares ng mga dibdib. At para siyang mababaliw ng mga sandali na iyun.
“Antonio?” ang takang tanong nito sa kanya, at ang boses nito ay may pagkapaos, pareho ba sila ng nadarama? Ang tanong niya sa sarili.
“Anton”- hindi na nito natuloy ang pagsambit sa kanyang pangalan, dahil sa hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Sa dalawang malalaking hakbang ay naabot niya si Nikita. Halos hablutin niya ang batok ni Nikita, at kinabig ito palapit sa kanya at kanyang siniil ng halik ang natural na kulay rosas na mga labi nito na bahagyang nakabuka. Ang isa namang kamay niya ay pumulupot sa maliit nitong bewang at dama ng palad niya ang malambot na balat ni Nikita. At hindi siya makapaniwala sa nangyayari ng mga sandali na iyun. Hindi siya itinulak ni Nikita, at, sinasagot nito ang kanyang halik. Ang mga braso nito ay pumulupot sa kanyang batok, at mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayapos kay Nikita. Tila ba ayaw na niya itong pakawalan pa.
Naging mapusok ang kanilang mga labi, damang-dama ang pananabik ng labi nila sa isa’t isa. Nagpabaling-baling ang kanilang mga ulo at nagbabanggaan ang kanilang mga ilong. Ibinuka ni Nikita ang mga labi nito para sa kanya at, hindi na siya nagdalawang-isip pa. Agad na ginalugad ng kanyang dila ang kalooban ng mainit na bibig ni Nikita. Mas nasarapan past ang lasa nito, kaysa sa brandy na ininom nila kanina sa loob. Mas nakakahilo at nakalalasing ang laway ni Nikita.
Sinipsip niya ang dila nito na marahan na dumadampi sa kanyang dila at parehong lumabas ang ungol sa kanilang mga labi. Mas nakakabuhay at nakakainit ng kalamnan at dugo kaysa sa alak na ininom niya.
Sinapo ni Antonio ang pwetan ni Nikita at kanyang iniangat si Nikita sa buhanginan. Sumaklang ang mga hita nito sa kanyang mga bewang at binitbit niya si Nikita patungo sa mga lounger na naroon sa buhanginan, na hindi man lang naputol ang pagtatalik ng kanilang mga labi.
Dahan-dahan niyang inilapag si Nikita sa bahagyang nakahiga na lounger. Inilapat niya ang likod nito, kasabay ng kanyang katawan. Magkatabi sila sa mahabang upuan, mula sa likod ni Nikita ay gumapang ang palad niya sa tagiliran nito at dumampi sa umbok ng dibdib nito.
Saka niya marahan na idinampi ang kanyang palad sa ilalim ng dibdib ni Nikita. Nag-aalangan pa siyang hawakan ang mga dibdib nito, kahit pa gusto na niyang lamasin ang dibdib nito sa gigil. Pero hindi niya inaasahan ang ginawa ni Nikita. Kinuha nito ang kanyang kamay at inilapat nito ang kanyang kamay sa maumbok na dibdib nito. At halos mabaliw siya ng mga sandali na iyun.
Ang dibdib ni Nikita na kanina lamang ay pinapantasya niya ay nilalamas na niya ng mga sandali na iyun. Halos lapirutin niya mga dibdib nito, at sa mga ungol ni Nikita? Hindi lang siya ang nasasarapan ng mga sandali na iyun.
Lumakas pang lalo ang kanyang loob, inabot niya ang tali ng suot nitong pang-itaas, at tuluyan ng kumawala ang mga dibdib nito para sa mapanuri niyang mga kamay. Hindi na siya, makapagpigil, agad niyang isinubo ang kulay rosas na usbong ng dibdib nito at walang kabanayadan niyang sinipsip.
“Oooh Antonio” ang sambit nito kasabay ng pagsabunot ng mga kamay nito sa kanyang buhok. Pinaglaruan ng kanyang bibig at dila ang dibdib ni Nikita. Paikot-ikot hanggang sa mapuno ng kanyang laway ang dibdib nito.
“Antonio” ang sambit nito na tila ba panalangin, tila musika sa kanyang mga tenga.
“Antonio” ang iyak nito at gumapang na ang kanyang kamay sa mula sa pagkakasapo niya sa dibdib nito, pagapang pababa sa humpak na tiyan nito, at inilusot niya iyun sa loob ng suot na pang-ibaba nito at nadama ang kanyang palad ang maumbok na harap nito.
Naging mas mapanuri pa ang kanyang mga kamay, ibinuka ang kanyang mga daliri ang labi ng pagkababae ni Nikita, hanggang sa matunton ng kanyang daliri ang sensitibong parte ng pagkababae nito.
“Uhh, Antonio, ang sarrrap” ang sambit ni Nikita na parang tambol na umaalingawngaw sa kanyang mga tenga.
“Angkinin mo na ako Antonio, please, kailangan na kita” ang pagmamakaawa ni Nikita at ang mga mata nito ay halos di na nito maibuka.
Tatanggihan pa na niya ito? Patatagalin pa ba niya ang mga sandali na angkinin si Nikita, kung ito na mismo ang nanaghoy sa kanya? Ang halos mababaliw na sigaw ng kanyang isipan.
Hinila niya pababa ang suot nito na bikini, at para siyang nanumbalik sa pagiging teenager niya, noong una niyang maranasan ang pakikipagtalik sa babaeng hindi naman niya nobya at di na niya matandaan ang pangalan.
Hindi na siya makapagtimpi pa, lalo pa at tumambad sa kanyang mga mata ang kahubdan ni Nikita. Para itong sirena na nagkaroon ng paa at nasa kanyang harapan upang kanyang angkinin. Pumaibabaw na siya kay Nikita at kanyang ibinaba ang suot niyang kulay itim na gartered shorts, na tangi niyang suot hanggang sa kanyang pwetan. At ang hinawakan niya ang kanyang galit na galit na pagkalalaki.
Halata ang kapanabikan kay Nikita, ito na mismo ang nagbukas ng mga hita nito para sa kanya, hinihintay ang kanyang pagsakop sa kalooban nito. Marahan niyang ikinuskos ang makinis na ulo ng kanyang pagkalalaki sa entrada nito. At sa isang madiin na pag-ulos ay pumaloob siya sa pagkababae ni Nikita at saka niya sinimulan ang –
“Ahem, what’s going on here?” ang tanong ni Franco sa kanila habang nakapamewang ito at galit na nakatingin sa kanila ni Nikita.

At bigla siyang nagising mula sa kanyang pagkakaidlip, napaupo siya mula sa kanyang pagkakahiga. Pawisan at humihingal siyang naupo sa kanyang kama at sinapo niya ang masakit na nanggagalit niyang pagkalalaki na mula pa kaninang umaga nang makita niya ang mga hita ni Nikita na may pekas ay hindi na yata lumambot pa.
“Ugh” ang lumabas na tunog sa kanyang bibig, nakaramdam siya ng pagkasiphayo at panaginip lang pala ang lahat. Pero parang totoo, para bang toto niyang nalasahan ang bibig at dibdib ni Nikita. Totoo sa kanyang pakiramdam ang pagpasok ng pagkalalaki niya sa pagkababae nito.
Hindi siya makapaniwala na panaginip lang ang lahat at ngayon ay nagising siya na hinihingal, pinagpapawisan, nag-iinit ang katawan, libog na libog at bitin na bitin.
“Langya” ang bulong niya sa kanyang sarili. Ngayon lang nangyari ito sa kanya, ni si Claire ay hindi niya napanaginipan na nakikipagtalik siya rito kahit pa noong mga panahon na tinikis niyang hindi makipagtalik dito nang mag-false alarm ito ng pagbubuntis.
Napilitan na siyang ilapag ang kanyang mga paa sa sahig para tumayo, naglakad siya patungo sa pinto para buksan iyun at lumabas siya ng kanyang silid. Gustong niya munang magpahangin, nang mabura ng malamig na hangin ang init niya sa kanyang katawan. Nagtungo siya sa dalamsigan, kanina lamang sa panaginip niya ay nasa harapan niya si Nikita sa mismong kinaroroonan niya ng mga sandali na iyun. Pero, walang Nikita na naka two piece at nakatayo sa tabing-dagat.
Napabuntong-hininga siya, ano ba bang nangyayari sa kanya, hindi pa siya nakaramdam ng ganito katindi na pagnanasa sa isang babae, ang sabi niya sa kanyang sarili. Nagkakagusto na ba siya kay Nikita? Pareho na ba sila ng kapatid na maghahangad sa babaeng hindi nila ka level? Mukhang siya dapat ang pagsabihan at hindi ang kapatid niya, ang sabi niya sa sarili.
“Mukhang malalim ang iniisip mo?” ang tanong ng boses mula sa kanyang likuran kaya mabilis siyang tumalikod sa dagat para harapin ang pinanggalingan ng boses. At ang inosenteng mukha ni Lily ang bumati sa kanya. Namumula na ang mga pisngi nito, gawa siguro ng alak na iniinom nila kanina.
“Uy, Lily ikaw pala” ang sagot niya rito. Pinagmasdan niya ito na humakbang papalapit sa kanya.
“Nakita kitang lumabas kaya sinundan kita, mukhang may malalim ka na iniisip” ang sagot nito sa kanya.
“Uh wala naman” ang nahihiyang sagot niya, dahil kung nababasa lang nito ang nasa isipan niya, ay makikita nito ang pagnanasa niya, para sa kanilang boss.
Napansin niya ang mga mata ni Lily na mula sa kanyang mga mata ay gumapang iyun pababa sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang harapan kung saan, hindi pa rin naibsan ang pagkakatigas ng pagkalalaki niya.
“Uhm” ang sambit niya.
Bahagya itong natawa, at napakagat labi, bahagya pa nitong ikiniling ang ulo sa kaliwa saka ito naghalukipkip ng mga braso sa harapan ni to kaya mas lalong umapaw ang mga dibdib nito sa suot nitong bikini top.
“Gusto mo bang? Uh, tulungan kita diyan?” ang tanong ni Lily sa kanya at hindi man lamang ito nahiya na tinitigan ang kanyang naninigas na sumusimbolo kay Adan.
“Uh, hindi naman, uh papasok na ako sa loob, mauna na ako” ang sagot niya kay Lily gumawa siya ng mga paghakbang pabalik sana sa villa pero, hinila siya pabalik ni Lily at iniikot nito ang kanyang katawan pabalik kaya nakaharap siyang muli sa dagat at six Lily naman ang nakatalikod dito.  Mabilis na pumulupot ang mga braso nito sa kanyang leeg at ikinuskos nito ang dibdib nito sa kanyang malapad na dibdib. Inilapit ni Lily ang mukha nito sa kanyang mukha at bumulong sa kanyang mga labi.
“Hmm, ako ba hindi mo tutulungan?” ang malanding bulong nito sa kanyang bibig.
“Lily lasing ka na” ang tanging sagot niya at inilagay niya ang kanyang mga kamay sa magkabila ng balakang nito para marahan itong itulak.
“Hmm, alam ko gustong mo rin ako Anton, huwag na tayong magpakipot pa sa isa’t isa” ang bulong nito at hinila nito ang kanyang ulo para magdikit ang kanilang mga labi.
“Masyado bang maliit ang villa o mga kwarto ninyo para dito nyo pa gawin yan? O sa tingin ninyo ay mas sweet ang maghalikan sa ilalim ng dilaw na buwan? Ang tanong ni Nikita sa kanila na mabilis na nagpapihit ng kanyang katawan para harapin si Nikita.
“Nikita, w-wala kaming ginagawa” ang pagtanggi niya kay Nikita na nakahalukipkip ang mga braso. Hindi  ito naka-two piece na gaya ng sa panaginip niya kundi nakamahabang dress ito na humahapit sa katawan nito dahil sa malakas na simoy ng hangin mula sa dagat.
“Wala akong pakialam kung maglandian kayo, sana lang bukas ay hindi kayo late sa oras ng photo shoot” ang galit na sagot ni Nikita sa kanya at mabilis itong tumalikod para maglakad pabalik sa villa nito.
Mabilis siyang naglakad para habulin si Nikita at hinawakan niya ang kanan na braso nito at marahan niyang hinila para huminto ito sa paglalakad.
“Nikita magpapaliwanag ako” ang mariin na sabi niya pero, inalis ni Nikita ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak niya.
“Matutulog na ako Antonio, pagod na ako, hindi mo pati kailangan na magpaliwanag sa akin, wala akong pakialam sa personal na buhay mo, trabaho ang habol ko sa iyo, wala ng iba” ang mariin na sagot sa kanya ni Nikita at mabilis itong naglakad pabalik sa loob ng villa na tinutuluyan nito.
****

Maaga pa lang ay bumangon na si Antonio, nakasanayan na rin kasi ng kanyang katawan ang bumangon ng maaga. Naligo na siya at mabilis na lumabas ng kanyang kwarto para magpunta sa kusina. Agad siyang nagsalang ng mainit na tubig para pangkape nila. May stock na mga three in one na kape sa kusina at may mga tinapay at palaman na rin. May itlog at sausages sa may refrigerator para sa mga gusto magluto ng almusal. Dahil sa kanilang tanghalian at hapunan ay kasama na rin sa serbisyo na ibinibigay ng villa.
Pagkatapos niyang mag-almusal ay agad na siyang lumabas para maupo sa poolside kung saan tanaw ang dagat. Naupo siya sa isa sa mga lounger at pinanuod niya ang papasikat na araw. Parang buhay niya ang araw na iyun, nakalubog ito kamakailan lamang, ngunit ngayon ay pasikat na rin at unti-unting aangat, ang sabi niya sa sarili. Naalala niyang bigla si Nikita, at ang mga sinabi nito kagabi. Nasaktan siya sa sinabi nito na wala itong pakialam sa personal niyang buhay at patungkol sa kanyang buhay pag-ibig ang tinutukoy nito. Gustong niyang magpaliwanag kay Nikita na wala ng ibang nilalaman nag puso niya ngayon at kung anong dahilan kung bakit gusto niyang magpaliwanag ay hindi rin niya alam. Marahil ay ayaw lang niya na isipin ni Nikita na hinahaluan niya ng kalokohan ang trabaho niya, ang sabi niya sa sarili. Kakausapin niya itong muli mamaya kapag hindi na ito inis sa kanya, iyun ang plano niya.
***
Pero mukhang di na matutuloy ang kanyang plano, lalo pa at nagsimula na ang photo shoot nila sa tabing dagat. Lumabas si Nikita sa villa na naka sunglasses at ang mainit an panahon ay kasing-init ng ulo nito.
Lahat na lamang ng ginagawa ng mga modelo ay pinipintasan nito, at ngayon lang niya nakita ang bahagi ng ugali na iyun ni Nikita. At naramdaman na ang tensyon ng lahat. Lalo na ng mga katrabaho niya. Lalo na nilang dalawa ni Lily ng sila na ang sumalang sa likod ng camera.
“Hindi ganyan!” ang sigaw ni Nikita sa kanya nang humiga siya sa buhanginan at nakaluhod sa harapan niya si Lily.
“Puyat ka ba ha Antonio? Pinahihiga ka na nakatukod ng bahagya yang dalawang siko mo at itaas mo ang isang tuhod mo! Hindi yung para kang biktima ng murder at itinapon na lang sa tabing dagat! Wala kang ka buhay-buhay!” ang sigaw ni Nikita sa kanya.
Kinagat niya ang kanyang dila para hindi sumagot nangako siya na hindi siya magrereklamo sa ipagagawa nito sa kanya, marahil ay hindi lang talaga niya magawa ang inuutos nito kaya galit ito sa kanya.
“Sorry” ang matipid niyang sagot.
“Ulit!” ang sigaw ni Nikita at muli silang nagpose ni Lily pero mukhang si Lily naman nakitaan nito ng pagkakamali.
“Stop! Franco wait” ang sabi nito kay Franco na kahit ito ay nagtataka na rin sa inaasal ni Nikita.
“Heto na naman tayo sa liyaran eh, hindi mo ba talaga kayang iliyad ng husto yang dede mo Lily? Nailiyad mo na ba ang lahat kagabi kaya hindi mo na magawa ngayon?” ang galit na sigaw ni Nikita at mukhang napahiya si Lily. Napatingin si Antonio sa mga nanunuod na kasama nila at tikom ang mga labi ng mga ito.
“Hindi naman Nikita” ang nahihiyang sagot ni Lily.
“Nikita okey na, maganda naman ang rehistro sa lente, Lily, hinga ng malalim pagkabilang ko okay?” ang sabat ni Franco.
“It’s so frustrating Franco na sa kaunting instruction hindi pa magawa, yung utak mo ba ay bumaba kaya nasa dibdib mo ng lahat? Mabuti pa yata yung puno na lang ng niyog ang pasuotin ko ng two piece baka maganda pang tingnan” ang galit na sagot ni Nikita.
At tiningnan ni Antonio si Lily at nakadama siya ng awa rito lalo pa at nangilid na ang luha sa mga mata nito at pilit na lumunok para hindi umiyak.
“Nikita, let’s talk sa loob, magpalamig ka muna okey? Ako na ang bahala rito” ang sabi ni Franco sa kanya. Nakita niyang napabuntong-hininga si Nikita at tumangu-tango ito saka ito tumalikod sa kanila at naglakad pabalik sa loob ng villa.
“Guys wait lang okey?” ang bilin ni Franco sa kanila bago ito naglakad para sumunod kay Nikita.
“Tahan na Lily” ang mahinang sabi niya kay Lily nang di na nito napigilan na pumatak ang luha.
“Ginawa na rin niya ito dati, bumalik na naman ang pagiging mainitin ng ulo nito” ang naluluha na sabi ni Lily.
“Pinagalitan ka na ba niya noon pa?” ang tanong ni Antonio kay Lily na tumango.
“Pero hindi ako ang tinutukoy ko” ang sagot ni Lily sa kanya.
“Uh ganun ba? Modelo rin ba na kasama natin?” ang tanong ni Antonio kay Lily.
“Modelo pero hindi natin siya kasama” ang sagot ni Lily.
“Bakit ayaw na makatrabaho ni Nikita?” ang usisa niya, at umiling si Lily.
“Hindi, hindi na natin makatrabaho iyun” ang sagot ni Lily.
“Bakit, nangibang bansa na ba?” ang muling tanong niya kay Lily na mabilis na umiling.
“Hindi Anton, nagpakamatay siya, dahil kay Nikita” ang mulat mata na sagot ni Lily sa kanya.




Custom-Tailored ( Romantic - Suspense) [ Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon