Chapter 5

8.7K 362 39
                                    

Chapter 5

Pumitik ang kakaibang reaksyon sa dibdib ko. I looked at my groupmates who were discussing about the reporting. Sinenyasan ko sila na may kakausapin lang ako. Lumabas ako ng room.

"Anong kailangan mo? At bakit ka tumawag gamit ang cell phone ni Phoebe?" simula ko.

"Nothing. Just want to hear your voice," he said simply.

"Ang lakas din ng trip mo e 'no?" Sumandal ako sa railings, hindi pa rin makapaniwala na siya ang kausap ko.

Wala ba siyang klase? Kung kaklase siya ni Admiral, ibig-sabihin ay kumukuha siya ng BS in Architecture. Wasn't he supposed to be busy? O pagala-gala na lang siya sa UP?

"So how's your day so far?" he asked, ignoring what I said.

"Ano bang pakialam mo?"

"Why so cranky? Are you on your period?"

My face felt hotter. Ipinikit ko ang mga mata sa pagtitimpi. Hindi naman ako masungit pero sa kanya ay hindi ko mapigilan.

"'Cause you're talking to me like we're close." Umikot ako paharap sa railings at pinasadahan ng tingin ang kulay puti kong uniform dahil baka nadumihan na ito. Better if I would divert my attention away from him. "Kaibigan kita? Boyfriend?"

"The latter."

Nanlaki ang mga mata ko. Then I faked a laugh. "What? Hindi kita jowa, uy!"

"We'll get there eventually," he stopped a bit. "Have you had your lunch?"

Nawiwindang ako sa mga sinasabi niya, sa totoo lang. Lumayo ako sa room dahil may ilang kaklase akong lumabas at napatingin sa akin. Pumunta ako sa dulo ng palapag dahil walang tao roon.

"Hindi pa," sagot ko. "Bakit ka ba tanong nang tanong?"

"Is it bad?" he sounded so calm.

"Nah." Napairap ako. Why was his voice so handsome? Ang sarap sa pandinig kaya hindi ko mapanindigan ang pagsusungit ko. "Ibababa ko na 'to. Kung hindi ka busy, pwes ako busy."

"I can't wait to see you again."

My heart pounded fast, shocked by his words. Mabilis kong pinatay ang tawag. Para ata akong aatakihin sa puso sa mga sinasabi niya.

Days passed by so slowly or it was just me who thought it was slow? Inilibot ko ang paningin sa mga kaklase na busy sa mga requirement na ipapasa sa mga subject. They looked so stressed. Pare-parehong walang tulog tulad ko. Ang pahinga ko na nga lang ay tuwing magkausap kami ni Phoebe, naglalabas ng stress tungkol sa schoolworks.

"Bakit pa ba ako nag-engineering?" tanong ni Phoebe sa akin.

Natawa ako. Napabuntonghininga siya at dinig ko ang paglagok niya ng kung ano sa kabilang linya. Mabuti at hindi ko pa naman natatanong ang sarili kung bakit Nursing ang kinuha ko.

"Mapapainom ata talaga ako bukas. Agahan mo punta sa amin, Ragna. Kung hindi FO na tayo," pananakot niya.

"Kaya?" Tumaas ang kilay ko kahit hindi niya nakikita. Kadarating lang niya kasi sa dorm. Halatang pagod. "Magpahinga ka na. Kung anu-ano na ang sinasabi mo," sabi ko at tumawa.

Natawa rin siya. "Okay, see you!"

Natapos kaming mag-usap at humiga na rin ako sa kama. Gigising na lang ako kapag maghahapunan na.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para maglaba. Kailangan kong magpasikat sa parents ko para wala silang masabi lalo na at kila Phoebe ulit ako matutulog.

The Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon