Ang Katapusan

609 39 15
                                    

Isang tili ang pumunit sa kadiliman ng gabi.

Sa kahabaan ng tulay ng Pasig ay nagsilapitan ang mga usisero't usisera.

"Anong nangyari??"

"May taong tumalon sa tulay. Magpapakamatay yata!"

"Naku, walang mabubuhay diyan!"

"Tumawag kayo ng rescue! Dali!"

Hindi magkamayaw ang mga tao. Kababakasan ng labis na interes at tila pa pagkamangha ang mga mukha. Isa iyong pambihirang pangyayari para sa mga ordinaryong buhay nila. Hindi araw-araw na may tumatalon sa ilog ng Pasig. Alin na lang sa dalawa, sobrang tapang ng taong iyon o sobrang tanga.

Maya-maya pa ay nakita na ang pagdating ng bangka, lulan ang nasa limang rescuer. Ang tatlong naka-diving gear ay kaagad na lumusong sa tubig.

Subalit dalawang beses na yatang lumusong at umahon ang tatlong lalaki ay wala pa rin silang nakukuhang katawan.

Mas dumami na ang mga tao sa taas ng tulay. Dumating na rin ang mga pulis at natagpuan nila ang abandonadong kotse sa gilid ng kalsada.

Muling lumusong ang mga rescuer at sa pagkakataong iyon ay nakuha na nila ang taong tumalon. Isang babae. Ngunit tila huli na ang lahat.

"Naku, kawawa naman. Bakit kaya nagpakamatay?"

"Baka brokenhearted o 'di kaya iniwan ng kasintahan."

"Ang ganda pa naman sana. Sayang. Patay na yata."

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Are you ready?"

Napalingon si Tori sa tanong ng babaeng katabi. Tumango siya kahit may alinlangan sa sarili. Matagal din niyang pinaghandaan ang araw na ito. "Yes." Napabuntong-hininga siya. "Let's do this."

Ngumiti ang babae bilang pampalakas ng loob.
Hinaplos siya sa braso. "You're amazing, Tori. You made it this far. She'll be very proud of you," ang masuyo nitong wika.

Nilabanan ni Tori ang biglang paninikip ng dibdib. Kinagat niya ang ibabang labi upang huwag maiyak, at pilit sinuklian ang ngiti ng babae. "Yeah..."

Sa loob ng nakapinid na pinto ay dinig nila ang pagsasalita ng emcee para sa pagtitipong iyon.

"Let's all welcome, Miss Tori Salmieda..."

"Go ahead, love. Face them," marahang udyok ng babaeng kasama.

Nagpasalamat siya rito at hinarap na ang pinto. Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib bago humakbang papasok ng silid.

.
.
.
.
.

Sinalubong siya ng masigabong palakpakan at hiyawan. Bahagya pa siyang namangha sa dami ng tao. Hanggang limandaang tao lang ang kapasidad ng stadium pero tantiya niya ay sobra pa ang naroon.

"Here she is!" masiglang bungad ng babaeng tagapagsalita, "the author of 'Her Story' and the most treasured woman of our beloved Yam-Yam... Miss Tori Salmieda!"

Lalo pang lumakas ang hiyawan at palakpakan.

Kahit papaano ay nakatulong iyon upang gumaan ang pakiramdam ni Tori. Nang makarating sa bandang gitna ay yumukod siya bilang pasasalamat.

Sa kabila ng kasiyahan ay hindi maikakaila ang kalungkutang bumabalot sa paligid. May nakita pa siyang ilang sumisinghot at nagpupunas ng mata. 

Bahagya siyang tumingala upang pigilin ang sariling luha. Kailangan niyang tatagan ang loob upang maharap nang maayos ang mga taong ito.

Tori's Tragedy | A Short Story [GxG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon