O o p s 14

1.4K 39 17
                                    

(Mukha ni Lexy nasa right side kapatid ni Chase beybeh)

Hindi ka nakapagsalita. Kasi may biglang dumating.

"Josiah!"

Napalingon kayong tatlo sa tumawag. Hindi mo kilala ang babaeng ito. Nyeta lang!

//Sino ba 'to? New cast na naman ba author?! O guest lang ito?! At bakit niya kilala si Josiah?!//

"Le-Le-Le-Le---"
Hindi natapos ni Levi ang sasabihin niya kasi niyakap siya bigla ng new cast. O kaya guest lang.

"Oh shut up you big big log!"
At kiniss ng babae ang tungki ng ilong ni Levi

Aba! Malandi ha?

"Le--"
Hindi rin natapos ni Josiah ang sasabihin niya kasi niyakap siya bigla ng babae.

Aba? Pwede magpakilala na siya?!

"Who is she?"
Medyo childish na tanong ni girlash at tinuro ka.

Hindi ka makapagsalita kasi wala lang, nagtimpi ka nalang kasi sa isipan mo gusto mo na siyang sabunutan. Hindi mo alam kung bakit naiinis ka sa babaeng childish kulang nalang bigyan ng malaking candy at mukha na itong si Malusha sa Barbie and the Secret Door!

"She's S.E. este Stephanie."
Seryosong sabi ni Josiah

"Stephanie? Stephanie?"
Paulit-ulit na binigkas ni girlash ang pangalan mo.

"Ano ba? Gaguhan? Mahirap bang ibigkas ang pangalan ko?"
iritable mong sabi sa kanya

"Wait. You're Josiah's girlfriend right?"
Tanong ni Girlash na parang nalungkot bigla.

"Oh teka lang? Bakit naman ako naging girlfriend ng malanding ito?!"
sigaw mo at turo kay Josiah na napasapo sa kanyang noo.

"Kuya said---"
pinutol mo ang sasabihin ni girlash,

"Hoy Josiah? At ikaw pa talaga ang namomroblema dahil naging mag jowa tayo? Nahiya naman ang pwet ko!"
sigaw mo nang makita mo si Josiah na napayuko,

"Ah! Yes! Oo Lexy girlfriend nga siya ni Josiah kaya babush na!"
Tinulak ni Levi papalayo si Lexy. Name ni Girlash.

"Hoy?! Hoy?! Miss the heck! Hindi ako girlfriend ni Josiah okay?!"
tawag mo kay Lexy at lumiwanag naman ang mukha nito at doon ka naman nagtaka.

"Hin---di! Lex, gf siya ni Josiah!"
sigaw ni Levi

"Aba punyeta ka Levi ha? Gumagawa ka na naman ng istorya!"
sinapak mo si Levi.

Naguguluhan ka kasi, pinipilit ni Levi na ikaw ang gf ni Josiah.

"Lexy! Halika ka nga dito!"
At may tumawag sa kanya at napalingon naman kayo.

"Chase!"
sabay na tawag nina Levi at Josiah sa lalaki na may katangkaran naman pero mas matangkad si Josiah,

papalapit na ito sa inyo ngayon. At yumakap si Lexy sa kanya.

//Teka? Sino ba talaga si Lexy?! Lahat nalang nilalandi niya!//

"Stop it."
inis ni Chase kaya humiwalay naman si Lexy sa kanya at nag pout.

Baka girlfriend niya si Lexy.

"Chase dude! Yang kapatid mo nilalandi na naman si Josiah!"
sumbong ni Levi

Kapatid? Kapatid ng barkada nila si Lexy? Now I know.

"Baka naman binaliktad mo ang storya Levi?"
Medyo maangas pala si Chase.

//May something pala ang dalawa? Josiah at Lexy? #Josexy na ba ito?!?//

"Hindi tol! Si Lexy talaga promise!"
sabi ni Levi at tinaas pa ang kanang kamay

"Kuyaaaaa~ Josiah has a girl already!"
sigaw ni childish Lexy

"Sino naman? Edi mas mabuti."

Ngumiti si Chase at napansin mong kay gwapo naman pala niya kapag ngumiti! Mukhang babae! XD

"Nakakainis! Pinagkaisahan niyo na naman ako~"
sigaw ni Lexy

"Teka lang ha? Sino ba ang dalawang 'to?"
Tanong mo kina Levi at Josiah

"Well. Stephanie meet Carlson Chase Foster ang nanay at tatay niya ay Foster pati kapatid niya rin Foster din! Haha! Akalain mo 'yon? Same sila ng lastname? At nakatira sila Compound ng mga Foster doon sa Foster Avenue sa Foster City. Grabe puro Foster na tologo ituu~"

Sunod-sunod na sabi ni Levi sa'yo kaya agad siyang nakatanggap ng malakas na sapak galing sa dalawang nilalang na gwapo!

"Hi I'm Stephanie."
Bati mo kay Chase at inabutan mo sila ng kamay. Di 'yong literal ha!
Tumango lang si Chase at ngumiti lang si Lexy.

//Leche? Di ba sila marunong humawak ng kamay?//

Binawi mo nalang ang kamay mo at napahawak sa buhok mo at umiling.

"Hi! I'm Lexybelle Foster! 16 na bago lang uhm~ 2 weeks ago lang yata? Haha! Well ikaw pala new gf ni Josiah? Sarreh~ ngayon lang ako updated!"

Aba? Nagtataka ka naman baka ampon lang si Lexy at ang kuya talaga nito ay si Levi? May bahid na kadaldalan din e?

"Hindi. Hindi ko siya boyfriend no."

Paulit paulit na e! Nakita mo ang pagmumukha ni Josiah na sumeryoso, nakatingin lang ito sa iyo.

//Affected? E di naman talaga kami. There was never an us, chos~ Ganda ko talaga e!//

"So, Chase anong ginagawa niyo dito?"
tanong ni Josiah

Wala. Dedma ka na. Out of place ka na Steph! Haha!

"Sinamahan ko lang si Lexy, she wants to be here."

Para hindi ka mawala sa conversation,

"Dito siya mag-aaral?"
sabat mo.
Tumingin si Chase sa iyo.

"Siya na ba Josiah?"
Ngumiti si Chase kay Josiah.

Ah? Dedma na naman? Uwi na Steph! Uwi!

//Sinisigurado ko talaga Author e. Alam ko bahay niyo! XD//

"Ah?"
Napatingin si Josiah sa sayo.

May halong pagkainis ang nararamdaman mo ngayon. Idededma ka? Ay te, ibang level e!

//Ugh! Bakit ba ako maiinis? Mas mabuti ngang ma dedma kaysa angkinin niya ako bilang gf niya! Gross! Maraming times niya na 'yun ginawa sa akin! At isa pa mukhang magka M.U. naman sila nitong bubwit na linta kung makayakap sa kanya kanina akala mo wala ng bukas, hala edi sila na! Wala namang forever e!//

"Hindi naman talaga, kasi boyfriend ko si Levi."
Hinila mo nalang si Levi at niyakap.

Napanganga naman silang tatlo sa sinabi mo at gusto mo pa talagang alamin ang pagmumukha ni Levi? Tiningnan mo siya at ganito lang naman reaction niya,

^________^V

✖️✖️✖️
Author na maganda sabi ng bulag:
Hi! Klase na namin! XD See you sa April 2015. De joke, pag may time ako iuupdate ko, pag hindi ako makapagpigil, nangangati kasi kamay ko pag hindi naka type! So~
Goodbye my friend! :)

-pingayy

Oops I Forgot the Protection!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon