Kabanata II: Ang Pagpapanggap

7.7K 335 14
                                    

Athyeia's PoV

Nagising ako ng masakit ang ulo. Buong gabi ko kasing inisip ng inisip kung ano ba ang mga hakbang na dapat kong gawin ngayon upang maiwasan ang pagkikita namin ni Levi.

Niyakap ko ang isang teddy bear sa aking tabihan at pumuwesto ng nakatalikod mula saaking pintuan.

Kagulo ang lahat dahil sa paghahanda, kaya naman nagpapanggap akong tulog upang hindi muna nila ako idawit sa gulong nagaganap sa ibaba.

Napagpasyahan kong habang nasa katawan pa ako ni Athyeia ay papangalagaan ko ito sa abot ng aking makakaya.

Kung ito man ang magiging buhay ko sa mga sumusunod na taon, kailangan kong pigilan ang kamatayan kong maaari nanamang dumating ng maaga.

Kailangan kong mas magingat.

Maya-maya ay magpapanggap ako masakit ang ulo at tiyan upang hindi nila ako pasamahin sa may plaza kung saan magaganap ang selebrasyon.

"Athyeia!!! Gumising ka!!!!!" Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang isang napakatinis na sigaw ni Tita Veronica. Ang tunog ng kaniyang takong ay umaalingawngaw sa kahoy na flooring ng aming munting bahay.

Wala sa sarili akong napabalikwas ng higa at nagpapanggap na nagsusuot na ng tsinelas pambahay. "Athyeia!!" Muling sigaw ni Tiya at padabog na binuksan ang pintuan ng aking kwarto.

"Tiya Veronica. Magandang umaga ho sainyo." Plastik ang ngiti kong bati sa kaniya. Nasira niya ang pagmumuni ko tas ang tapang-tapang pa niya.

Jusko, daig pa ang nanay ni Athy.

"Anong maganda sa umaga kung tanghali na?!" Sigaw niya sakin. Kung maaari lamang sanang takpan ang aking mga tenga ay nagawa ko na. "Bakit hindi ka pa tumatayo?!!"

Ang sarap pilipitin ng nguso niya.

"Pasensya na po Tiya. Ngunit napakasakit po ng aking tiyan at ulo, sa akin pong palagay ay hindi ko kakayanin ang tumayo pa sa lagay na ito..." Kunwari ay nanghihina kong sabi. Iyan, bruha ka, anong akala mo saakin? Basta lang magpapagamit?? Tss.

Umacting-acting pa ako ng may pahawak-hawak saaking tiyan.

"Athy anak? Hindi kaya nagugutom ka lamang ng sobra kaya ka nagkakaganan?" Malambing na sabi ng aking nanay na nasa likod pala ni Tita Veronica.

Dumaan naman si Mama Alta at sinagi pa ang braso ni Tita Veronica. "Huwag mo madaliin ang aking dalaga Veronica, baka mamaya ay mas mahilo lamang siya dahil sa iyong ginagawa." I secretly smirked when Mama said that.

Actually, itong si Tita Veronica ay kapatid ng ama ko sa labas. May gusto nga ang bruha kay Papa e kaya naman laging nakasunod, nakakaawa siya dahil hanggang kapatid lang ang tingin talaga sa kaniya ni Ama.

Isa pa, itong si Mama ay matagal nading napupuno kay Tita Veronica dahil sa asta nitong akala mo ay siya ang may ari ng aming bahay.

"Hmph! Dahil lamang iyan sa gutom. Pakainin mo na siya at nang maayusan ko na."

"Kung bakit ba naman kasi labis na napakaganda mo anak, naiiba ka talaga sa lahat." Malakas at may bakas na yabang na sambit ni Mama. Iba din pala talaga itong nanay ni Athy, kung sa nobela ay tawang-tawa ako, lalo na ngayon.

What Mama said if translated in layman's term is: "Kung bakit ba naman ang ganda ng anak ko, hindi katulad ng anak ng iba diyan."

Nakita ko ang pagirap ni Tita Veronica bago sarhan ang pinto at umalis.

"Gagang 'yon. Gagamitin ka pa para lamang magkameron ng kasintahan ang pangit niyang anak." Hindi ko mapigilan ang mapatawa ng bahagya ng dahil sa kaniyang sinabi.

The Death of Athyeia (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon